Bea's POV:
8 years kaming magkarelasyon ni Ernest. Since 3rd year highschool. Naging bestfriends kami at kalauna'y nagka inlove-an kami sa isa't isa. Hatid-sundo-video games-date. Ganyang kami noong highschool. Pero nung dumating ang college. Minsanan nalang kami kung magkita. Bukod sa magkaiba kami ng kursong kinuha, magkaiba din kami ng school. Marine school kasi ang pinasukan nya at Harrix University naman ako. Mas lalong naging busy kami--eerr sya lang pala magmula nang magbarko sya. Matagal nya nang pangarap ang pag babarko, medyo tutol man ako, pero wala na din ako nagawa dahil pangarap nya yun noon pa man. Nagpropose sya sa akin noong umuwi sya last last year, syempre hindi na din ako tumanggi dahil alam kong mahal ko din sya. Agad na inayos ang kasal namin. Bagama't bata pa kaming dalawa, hindi naman tumutol ang parents ko dahil maganda ang samahan ng family namin sa kanila.
May parte sa isip at puso ko na, hindi pumayag sa maagang kasal. Hindi ako ganon ka excited sa kasal namin. Ang inaasahan ko, iiyak ako at sasabog sa kaba at excitement. Kaso hindi. At hindi ko alam kung bakit ganon ang naramdaman ko sa araw ng kasal namin. Pero alam kong mahal ko si Ernest.
Mahigit dalawang linggo na din. Medyo nailalakad ko na yung kanan kong paa.
Ewan ko kung anong milagro ang nangyari, pero inalagaan nya ako at nagaalala sya sakin. Hindi ko na nagawang kwestyunin pa yung ginagawa nya para sakin. Nagpapasalamat nalang ako doon. Tinanong ko sya kung bakit hindi sya pumapasok. Pero ang sabi nya...
"May mga trabahador ako doon, at mas importante ang tatrabahuin ko dito kaysa sa opisina."
Hindi ko alam pero pakiramdam ko nag ala sixteen years old ako at inatake ng pagka pabebe. Hindi ko kailangang lokohin ang sarili ko pero... kinilig ako. And i hate that feeling. Lalo na't sa ibang tao, at sa kapwa ko babae.
Hindi naman sa against ako sa same sex relationship. Pero kahit saang anggulo tignan, Mali at mali padin kahit saang lusot. Unang una'y may asawa at kasal ako. Pangalawa, hindi ko pwedeng lokohin si Ernest. At pangatlo, hindi dapat ako mahulog sa kapwa ko babae.
"Hey." Lumingon ako kay Hilary na pababa ng hagdan.
Tinignan ko lang sya saka inayos yung mga placemats at pinggan para sa breakfast namin.
"Wala sa mood?" Anito at nakatingin padin sakin.
Hindi ko sya pinansin at kinuha nalang yung niluto kong bacon and ham sa kusina.
Nagsimula na kaming kumain at napansin kong tingin padin sya ng tingin sakin.
"Ganyan ba ibabalik mo sakin kapag tinulungan kita?" Parang batang sabi nito. Gusto kong tumawa dahil sa pag simangot ng mukha nya ngunit hindi ko nalang muli syang pinansin.
Narinig kong napabuntong hininga sya. "Bakit ba hindi mo ko pinapansin?" medyo naiinis nang sabi nya.
Hindi ko padin sya pinansin at nagtuloy tuloy lang sa pagkain.
Hilary's POV:
Naninibago ako sa babaeng 'to. Nitong mga nakaraang linggo. Mabait at mala anghel to sakin. Anyare sa kanya ngayon? Hindi na ko pinansin. Tss.
"Ganyan ba ibabalik mo sakin kapag tinulungan kita?" Nakasimangot kong sabi sa kanya.
Tinignan nya lang ulit ako saka tumuloy sa pag kain.
Napabuntong hininga naman ako. "Bakit ba hindi mo ko pinapansin?" Medyo inis nang sabi ko.
Hindi nya padin ako pinansin. Nagtuloy tuloy nalang ako sa pagkain at patuloy padin sa pagsulyap sa kanya.
Wala namang ekspresyon ang mukha nya at hindi ko mabasa kung anong nasa isip nya.
Tumayo sya bitbit ang pinagkainan nya at nagsimulang maglakad papuntang kusina pero tinawag ko sya. "Hoy."
BINABASA MO ANG
Bittersweet Tragedy (GxG) (SLOW UPDATE)
RomanceAng pagmamahalan ay mayroong tamis at pait. #LoveWins (c) to the owner of the photo