Hilary's POV:
Noong nabubuhay pa si Yaya Alma, nagagawa ko pang maging masaya ng buo kahit wala sila Mom and Dad sa tabi ko. Sya na yung nagsilbing magulang ko. She's my Mom when i'm sick, preparing foods for me, kasama sya kapag may program kami ng family day, kapag nagkakasugat ako dahil sa paglalaro at lalo na noong first menstruation ko na akala ko may sugat ako sa private part at mamamatay na ako. Hahaha.
Pero mula noong mawala sya, 13 years old ako. Nabawasan yung mga ngiti ko, nabawasan yung pag tawa ko. Feeling ko nawalan ako ng pamilya. Pero kahit papano, napapasaya ako ni Ate Martina, my cousin. Since, busy sa work si Tito Bert. Kaming dalawa yung laging magkasama at madalas sya dito sa bahay. Sya din yung unang nakaalam sa tunay na gender ko. Yung unang boyfriend ko, at First girlfriend.
Naalala ko pa noon, natakot ako na kung paano kapag nalaman nila Dad na yung anak nilang babae, eh babae din ang hanap. Pati na din yung mga taong nakakakilala sakin baka pandirihan at awayin ako. Ngunit ang sabi sakin ni Ate Martina:
"Wag kang matakot ipaalam sa mundo kung ano ka. As long as masaya ka sa sarili mo at wala kang ginagawang hindi maganda. H'wag mong ikahiya yan. Hindi yan cancer o isang malubhang sakit."
"Alam mo ba kung bakit rainbow ang simbolo ng LGBT community? Kasi para sakin, sila yung mga tipo ng tao, na makulay yung buhay. Na pag tapos ng bagyo at unos---ihahanay natin sa reyalidad na mga mapag matang tao at pag jajudge sa kanila. Sila yung mga bahag-hari na makulay at masaya sa kung ano sila. Sila yung may mga taong may malakas na pag asa na balang araw, matatanggap sila ng mundo. Yung mga taong mapanghusga, sila yung unos at totoong salot. Kaya wag kang matakot. Kasi ang Diyos. Pantay pantay tayong ginawa. Lahat tayo ginawa ng panginoon at walang sino man ang may karapatan na husgahan ang pagkatao ng iba."
Mula noon, hindi na ako natakot na ipakita kung ano ako. Kung ano ang mga gusto ko. Mas naging matapang ako. Pinaalam ko kila Dad yung tungkol sa kung ano ako. Ang akala ko, sasaktan nila ako ni Mom, sasampalin, sisigawan. Pero hindi eh. Alam mo yung mas masakit sa lahat? Kasi wala silang pakialam. Ni hindi ko alam kung ayos lang sa kanila na ganito ako o hindi.
Hindi ako nawalan ng pag asa dahil alam kong nasa tabi ko si Ate Martina. Pero lahat nang yun, pati na din yung munting saya sa puso ko, nawala. Lahat. Dahil sa nangyari kay Ate Martina. Dahil sa unang lalaki na sumira ng buhay nya.
Kaya magmula noon, siguro naging bato na din ang puso ko. Pero hindi nito maiwasang masaktan. Syempre tao din ako. Lagi kong pinapakita na malakas ako at walang sino man ang dapat humarang sakin. Pera, babae, trabaho. Ni hindi ko pa nga yata nararanasang magmahal ng totoo sa ilang nagdaang babae sakin.
Aminado at totoong maganda ako, 5'7 yung height, mayaman, may pinag aralan at nakukuha ang lahat. Pero sa kabila ng lahat ng yun. Hindi ako masaya.
Marahil kung dapat akong kaawaan, siguro kailangan nga. Siguro dapat nga talaga akong kaawaan. Kasi mumunting atensyon at pagmamahal. Hindi ko makuha. Lalo na sa mga taong una kong minahal, sa mga taong tunay na dapat nasa tabi ko at nagmamahal sakin. Yung mga magulang ko.
Nagulat ako sa biglang ginawa ni Bea.
Niyakap nya ako.
"Alam kong kailangan mo to. Wag ka nang mag inarte kasi Bea Angeles na ang yumayakap sayo. Lagi mong tatandaan, binibigay ng Diyos ang mahirap na laban sa mga taong tunay na matapang." Aniya.
Hindi ko na napigilan ang luha ko at sabay sabay silang bumagsak.
Salamat Bea Angeles.
Bumitiw sya sa pagkakayakap sakin at tumingin sya sa mukha ko.
Those perfect eyes. Her damn lips are seducing me. She's so gorg---
BINABASA MO ANG
Bittersweet Tragedy (GxG) (SLOW UPDATE)
RomanceAng pagmamahalan ay mayroong tamis at pait. #LoveWins (c) to the owner of the photo