16

1.2K 62 9
                                    

warning: mature content

"Wala kang kwentang anak! You always do what you want! Kung hindi dahil samin ng mommy mo hinding hindi ka magkakaganyan!"

Naikumos ko ang kamao ko. "Right, Dad. Kung hindi dahil sa inyo ni mommy hindi ako magiging ganito. Why is it always me? Bakit hindi niyo sisihin ang mgabsarili nyo dahil iisa na nga lang akong anak nyo, hindi pa kayo nagpaka magulang para sakin."

"Inggrata! Bakit pa kasi ako nagkaroon ng anak na tulad mo! Sana ikaw nalang ang nawala noon, hindi si Hezekiah!"

Umagos ang luha ko. Hindi na talaga ko nasanay. Yes. I have an older brother, si Kuya Hez. 3 years old palang sya noong nawala sya. Until now, pinag hahahanap padin sya nila dad. Ako naman, pinagbubuntis pa ni mommy that time. Lumaki akong mag isa at wala ang atensyon nila sakin. Minsan, naiinggit ako kay kuya dahil mahal na mahal sya ni Dad. Na dapat sya talaga ang namamahala ngayon ng mga businesses ni Dad. Kaya siguro, ganito nalang din katigas ang ulo ko. Dahil sa nasanay akong mag isa. And i need to be strong.

Si Mom, bata palang sya noong nabuntis sya ni Dad. Mag kaiba kami ng mother ni Kuya Hez. Nabuntis kasi ni dad before yung secretary nya tapos nagkakilala sila ni Mom, at ako ang nabuo.

I hate my life.

Nanunuot sa lalamunan ko ang Domaine de chevalier. Kailangan ko ng tulong ng Alak.

Nag diskusyon nanaman kami ni Dad. And as usual. Napaka walang kwenta kong anak nanaman para sa kanila.

Fuck life.

Kung pwede lang mamili ng parents. Kaso hinde.

"Still awake?" Nilingon ko si Bea na kakapasok lang sa kusina.

"I can't sleep."

"May problema ba?" Umupo sya sa tabi ko.

"Bakit ganon sila? Tatawag sila sakin para lang sermonan ako. Ipamuka sakin na wala akong kwentang anak. God knows how i really tried hard to impress them. They are my parents pero sila tong humihila sakin pababa." Muli akong lumagok ng wine.

Kumuha ng wine glass si Bea. "You don't need to impress them. Alam mo naman sa sarili mong sobra pa sa sapat yung ginagawa mo diba?"

I look at her.

"Para sakin. You're the best person, boss, friend. You're the best person Hil." Ngumiti sya.

I can't help but to stare at her. Yung mga mata nyang mapungay na para bang nagbibigay lakas sa akin. Siya lang ang bukod tanging taong nagpapakalma sakin.

"Thankyou." Ngumiti ako.

"Alam mo before. Nung hindi pa nawawala yung Angeles Corp. sobrang busy sila Mom and Dad. Si Ate kasi on training na noon. Si Joseph naman laging nakatutok si Mommy sa kanya. Ako? laging Bar, barkada. Siguro ako talaga ang black sheep sa amin." tumawa sya ng bahagya. "Matigas ulo ko at lagi kong sinusuway sila Dad. Siguro natuwa lang sila sa ginawa ko noong nagpakasal kami ni Ernest."

Nanlulumo akong tinignan yung ring sa kamay nya.

"Why did you marry him?" Hindi ko alam pero yun yung salitang lumabas sa bibig ko.

Nagkibit balikat sya. "Gusto nila Dad na ikasal kami agad. May part sakin na ayaw ko pa dahil sobrang bata ko pa nga."

"Bakit hindi ka umayaw?"

"Wala akong magawa eh. Saka syempre in a relationship kami ni Ernest." Aniya na para bang malungkot sa kinekwento nya.

"Do you love him?"

Bittersweet Tragedy (GxG) (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon