19

796 41 2
                                    

Sumama samin si Ate Martina sa pool party ni Deeana. Gusto nya raw surpresahin si Deeana at ang iba pang kaibigan ni Hilary sa pagdating niya.

Alas kwatro na ng hapon nang marating namin ang resort nila Deeana. Agad naming hinanap ang loob nito. Pumunta saglit si Ate Martina sa sasakyan dahil may naiwan raw siya. Malaki ang resort nila at halatang bagong bago pa lamang ang gawa.

Papasok na sana kami nang masalubong namin si Lloyd.

"Uy!" aniya saka lumapit samin. as usual meron nanaman syang kagat kagat na posporo. Naka longsleeves sya at jeans. Sa totoo lang ay gwapo si Lloyd at hindi mo sya pag hahalataang pulis sa porma niya. Moreno, matangkad at malaki ang katawan niya.

"Invited ka?" tanong ni Hilary.

"Oo naman. Kaibigan rin ako ni Dee 'noh." aniya saka ako binalingan. "Hi Bea!"

Nginitian ko sya.

"Hindi ko mahanap yung wallet ko. Baka naiwan ko sa bahay." nilingon namin si Ate Martina na kakarating lang.

"Ate Madeth?!" gulat na sabi ni Lloyd.

"Uy Lloyd! Kamusta?" Ani Ate Martina.

"Kailan ka pa nakalabas?" gulat paring sambit ni Lloyd.

"Almost 2 weeks na rin." Ani Ate Martina.

Naglipat ang tingin ni Lloyd kay Ate Martina at Hilary.

"W-Welcome back!" Ani Lloyd saka nakipag beso kay Ate Martina.

"Thankyou. I think we need to go na. Baka naghihintay na si Deeana." sabi ni Ate Martina.

Tuluyan na kaming pumasok saka hinanap si Deeana. Saktong nakita namin siya sa may malaking cottage.

"Hi guys!" bati niya samin saka nakipag beso. "Oh my god-ate Martina?!" gulat na sambit niya.

"Hi Deeana! Long time no see." ani Ate Martina.

Nag usap sila Ate Martina at Deeana. Gumayak kami nila Lloyd sa may cottage.

Napansin kong tahimik si Hilary mula pa kanina. Si Lloyd naman ay kung ano ano ang pinag kekwento.

"Is there any problem?" tanong ko kay Hilary.

Ngumiti sya at umiling. "Wala naman."

"Kanina ka pa tahimik ah."

"Wala naman akong dapat sabihin." ngumiti sya.

"Hoy kayong dalawa. Baka maging straight kayo pag nakita nyo yung katawan ko mamaya. Pwede nang model ng Calvin Klein." mayabang na sabi ni Lloyd.

"Asa." tumikhim si Hilary.

"Nako, Hilary baka mag sisi ka na binusted mo ko noon." ani Lloyd.

Natatawa naman ako habang inaasar ni Lloyd si Hilary.

Mayamaya lang ay dumating si Deeana at Ate Martina.

"Uy, enjoy lang kayo ha. Papaayos ko lang yung food." sabi ni Deeana.

Tumango kaming apat. Nilipat ko yung tingin ko sa pool. May mga nag siswimming na roon na mangilan ngilan. They are wearing their swim suits at yung ibang boys naman ay naka shorts lang.

"Magpalit muna tayo ng pang swimming." sabi ni Hilary.

Tumango ako saka kami magkahawak kamay na pumuntang CR ng resort.

Nagsuot ako ng shorts saka Rash guard since hindi ako pwedeng mag two piece or one piece dahil kakagaling ko lang sa sakit.

Lumabas ako at inayos ang sarili ko sa salamin. Hinihintay ko namang lumabas ng cubicle si Hilary.

Bittersweet Tragedy (GxG) (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon