Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa rin si Hilary. Luminga linga ako sa paligid para hanapin siya.
Sabi nya mag c-cr lang sya! Saan naman kaya pumunta ang isang yun? Napagpasyahan kong puntahan sya sa CR.
Umaalingawngaw parin ang tugtugan sa paligid. Mayroon nang mga lasing at nagsasayawan. Nakita ko pa si Ate Martina na kausap si Deeana at ang iba pa nilang mga kaibigan.
Inisa isa ko ang mga cubicle ngunit wala siya roon. Sa kanan ng CR ay naroon ang mini garden ng resort medyo madilim na roon ngunit may ilaw naman. Bumalik muli ako sa pool area para hanapin si Hilary ngunit nabigo lang ako sa pag hahanap.
Kinuha ko ang cellphone ko para i-dial siya.
"San ka ba kasi nagpunta?!" inis na sabi ko sa sarili ko.
Cannot be reach ang phone niya. Muli akong pumunta sa CR at tinignan ang loob pero wala parin siya roon. Pagkalabas ko ng CR ay saktong nakasalubong ko si Lloyd na galing ng mini garden, mukhang malalim ang iniisip niya.
"Uy Lloyd." sabi ko sa kaniya
"U-Uy." gulat na sabi niya.
"Anong ginawa mo dun? Mag isa ka lang?" tanong ko sa kanya.
"H-Ha? W-Wala naman." aniya.
"Nakita mo ba si Hilary?" tanong ko sa kaniya.
Nakita ko ang sunod sunod niyang paglunok. "H-Hindi."
"Ah. Ganun ba. Tignan ko muna sya jan sa mini garden." sabi ko sa kanya.
Agad nyang hinawakan ang shoulder ko para pigilan ako. "'Wag."
Napakunot ang noo ko. "Bakit naman?"
Seryoso lang siyang nakatingin sakin.
Inalis ko ang kamay niya at agad akong naglakad papasok sa mini garden. Bawat hakbang ay pabilis ng pabilis ang kalabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang madadatnan ko sa loob.
Naririnig ko ang yabag ni Lloyd na nakasunod sakin. Mas binilisan ko ang lakad hanggang sa marating ko ang isag surpresang bumungad sa akin.
Hilary and Francine were kissing.
Lumambot ang tuhod ko at kusang bumagsak ang luha ko. Ayaw ko nag makita ito ngunit nanatili ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Parang sinasaksak ang puso ko sa bawat yapos ni Hilary sa kaniya.
"Bea." narinig ko ang boses ni Lloyd.
Walang lumalabas sa bibig ko na kahit ano.
Hinila ako ni Lloyd para harangan ang masakit na eksena.
"B-Bea..." lalo akong nadurog nag banggitin ni Hilary ang pangalan ko.
Sumunod sunod na ang luha ko at humikbi na ako ng todo. sobrang sakit na ng nararamdaman ko at halos manghina na ang katawan ko.
"B-Bea, S-Sorry B-"
"B-Bakit Hilary....?" nabasag na ang boses ko.
"S-Sorry. B-Bea nakikiusap ako pakinggan mo muna a-ako..." aniya at niyakap ako.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at pwersahan siyang tinulak. Tumakbo ako paalis habang humihikbi parin.
bakit kailangan ganon ang makita ko? ang sakit sakit.
Hilary's POV:
Fvck. Sorry.
"Hilary." pinigilan ako ni Lloyd.
No, kailangan ko siyang sundan.
Tinignan ko si Lloyd saka ko siya hinawi at hinabol si Bea.
Kanina ay pag labas ko ng CR naroon si Francine. Lalagpasan ko sya nang bigla nya akong hilahin. Sabi nya sana ay a huling pagkakataon, kausapin ko sya. Pumayag ako kaya't doon kami sa mini garden nag usap. Pero nang bigla nya akong halikan. Gusto kong magpumiglas pero nilalamon na ng alak ang sistema ko.
Nakita ko si Bea na palabas ng resort, wala syang tigil sa pagtakbo.
"Bea!" sumigaw ako para marinig niya ako ngunit hindi sya lumingon.
May pinara siyang taxi at sumakay roon. Wala na akong nagawa.
Alam ko ang ginawa kong kasalanan.
I tried to call her phone pero nakapatay ito. Gulong gulo na ang isip ko at parang gusto nang gumuho ng mundo ko. I promised not to hurt her. Pero ano tong ginawa ko?!
Natagpuan ko nalang ang sarili ko at dinala ako ng mga paa ko sa harap ng bahay nila Bea.
Nagdoorbell ako at umaasang lalabs siya. May babaeng lumabas rito and i think it's her mom.
Gulat siyang napatingin sakin.
"M-Magandang gabi po." pagbati ko.
"M-Magandang gabi rin, Hilary?" aniya.
"Nandyan po ba si Bea?" hindi na ako nagpaligoyligoy pa.
Tumango sya.
"P-Pwede ko po ba sya makausap?"
"Tatawagin ko lang saglit." aniya. "Pumasok ka muna"
"H-Hindi na po. Dito nalang." sabi ko.
Ilang minuto bago lumabas ang kapatid ni Bea. Madali kong nabasa ang mga tingin niya.
"Sorry pero, gusto niya raw muna magpahinga." Aniya.
"K-Kakausapin ko muna sya. M-Magpapaliwanag ako."
"Pasensya na talaga, Siguro bigyan mo muna sya ng time. Bumalik ka nalang ulit pag ready na sya."
Bumagsak ang katawan ko. Nanatili lang akong nakatingin sa sahig. Hindi ko ininda ang lamig kahit naka sando at shorts lang ako.
Nakarinig ako ng busina at natanaw ko ang sasakyan ni Deeana.
Agad na bumaba mula roon si Ate Martina.
"Hilary!"
Nilagay niya ang jacket sa shoulder ko at napalitan ng kaunting init ang lamig.
"Umuwi na tayo!" aniya.
"H-Hindi ate." nangingilid na ang mga luha ko.
"Let's go! Ipagpa bukas na natin to!"
Agad niya akong hinila pasakay ng sasakyan.
-
LadyMaria
BINABASA MO ANG
Bittersweet Tragedy (GxG) (SLOW UPDATE)
RomantizmAng pagmamahalan ay mayroong tamis at pait. #LoveWins (c) to the owner of the photo