14

905 43 7
                                    

Dalawang araw nang hindi umuuwi si Hilary. Sobrang subsob sya sa trabaho at sa pinaiimbestiga nya.

"Kalma ka lang kasi. Mahuhuli din agad yan." sabi ni Lloyd na ngayo'y nasa opisina ni Hilary.

"Pano ako kakalma? May nagtatraidor sakin dito!"

"Chill. Lagi kang Hot. Oops." pang aasar ni Lloyd.

Hinagisan ni Hilary ng notebook si Lloyd.

"Aray naman!" haplos haplos ni Lloyd ang natamaan nyang braso.

"Maiba ko, Hil. Ano na nga pala nangyari dun sa chix sa bahay mo? Kay Bea?" tanong ni Lloyd.

"Bakit?"

"Nagtatanong lang ho."

"Ayos naman."

"Sayang no? May asawa na eh" kumuha si Lloyd ng palito ng posporo saka nilagay sa bibig nya.

Napairap nalang si Hilary. Naalala nyang dalawang araw na syang hindi umuuwi. Hindi nya rin ma check yung phone nya dahil wala syang time.

"Lloyd."

"Yes, Bossing?"

"Peram cellphone."

"Nako boss. wag to. baka may makita kang hindi karapat dapat."

"Tss. Wala naman akong papakelaman jan. Libog mo talaga. Tatawagan ko lang si Bea. Kasi Lowbat cellphone ko."

"Ahh. hehe. Ah sige."

Inabot nito ang cellphone kay Hilary at tinawagan nito si Bea.

Ngunit bigo.

Walang load ang cellphone ni Lloyd.

"Lintek. wala kang load?!" inis sabi ni Hilary.

"Ay. Nag expire na pala load ko kagabi." napakamot nalang sa ulo si Lloyd.

Sakto namang pumasok si Shanen na secretary ni Hilary.

"Mam eto na po yung mga pinapahanap nyong files." anito saka inabot kay Hilary.

"Sige, salamat."

"Ay mam. May meeting po kayo with Mr. Armaldo ng 2pm sa Eastlight." pahayag ng sekretarya. "after rin po nun. Kay Mr. and Mrs. Ravello po." dugtong pa nito.

Napahawak nalang ng sentido si Hilary. "Alright. Alright. You may go now."

"Wow. Busy." Si Lloyd.

"Tss. Pumunta ka ng bahay. Dalhan mo ng pagkain si Bea doon. sabihin mo sunod sunod ang meetings at trabaho ko." Utos ni Hilary kay Lloyd.

Pinagkakatiwalaan nya si Lloyd kaya wala syang dapat ipangamba dito. Kahit madalas ay may sapak si Lloyd.

"Sige boss! Areglado!" may pagsaludo pa ito.

Tinignan sya ni Hilary at hindi pa ito umaalis.

"Ano pang hinihintay mo?"

"Ah, eh. Madam. Wala pa kong sahod eh-"

"Oh." nag abot ng pera sa kanya si Hilary.

"Sige mam alis na ko. Ingat ka jan!" nag flying kiss pa ang loko saka dali daling lumabas ng opisina ni Hilary.

--
Dahil sa sobrang pagkabagot ni Beatrix sa mansyon. Nag sasoundtrip nalang ito at naglilinis ng kung ano ano.

Narinig nyang may nag doorbell sa labas ng pinto.

Agad bumilis ang tibok nya. Si Hilary na ito, sa isip isip nya.

"Hi Bea!"

Si Lloyd.

Bittersweet Tragedy (GxG) (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon