Bea's POV:
283 messages receive.
146 missed calls.I checked my phone after 3 days. Lagi lang akong nakakulong sa kwarto ko. Hindi ko pa sya kayang harapin. Alam na rin ni Ate Irish kung ano ang nangyari
at kung ano ang mayroon sa amin. Noong una'y nagulat sya syempre. Pero unti unti nyang naunawaan lahat."Ha?! P-Paanong? Kelan pa?" halos hindi maipinta ang mukha ni Ate Irish.
"2 months na kami ate."
Napasapo sya ng noo dahil doon sa sinabi ko.
"Hindi ko alam sasabihin ko. My God Bea?! Are you really out of your mind?!"
Napatango ako dahil sa sinabi niya.
Para akong bata sa sitwasyong ito. Para akong batang nawala sa isang parke at hindi alam ang daan pabalik.
"A-Ate mahal ko sya. Pero ang sakit sakit." tuluyan na akong napa upo sa aking kama at napahagulhol.
Naramdaman ko ang kamay ni ate na humahagod sa aking braso. "I'm really shocked about what i heard Bey, but i think you need someone right now. tell me anong nangyari sa inyo?"
Kinuwento ko ang lahat kay Ate. Lahat ng nangyari sa resort. Maging tuwing magkasama kami ni Hilary.
"My God." Ani Ate Irish. Napabuntong hininga siya saka pa ikot ikot na naglakad.
Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Anak may naghahanap sa'yo sa labas." boses ni mommy.
Agad kong pinunasan ang luha ko. Ayokong makita ni mommy na umiiyak ako.
Sumilip sa bintana ng kwarto ko si Ate.
"Si Hilary." aniya saka tumingin sa akin.
Parang pinupunit ang puso ko nang marinig ko ang pangalan nya.
"H-Hindi pa ako handang harapin sya ate."
Tumango sya. "Ako na ang bahalang mag sabi sa kanya. Okay?"
Umalis si ate sa kwarto upang harapin ang nasa ibaba.
Siguro, ito na ang karma ko.
Bumaba ako para mag lunch. Palagi akong walang ganang kumain. Lagi akong nanghihina sa lahat ng bagay. Maging sila mommy ay tinatanong kung anong nangyari ngunit ang sagot ko lamang ay may sakit ako kaya dito muna ako sa bahay magpapagaling. Namiss ko rin ng sobra ang pamilya ko.
"Anak, gusto mo mag shopping tayo mamaya?" ani mommy matapos uminom ng tubig.
"Oo nga Bey, tutal kayo lang naman ni Mommy maiiwan dito. May pasok kami." Sabi pa ni Ate Irish.
Nilunok ko ang pagkaing nginuya ko saka nagsalita. "Sige po mommy."
"Bea." tawag ni Dad sa akin.
"Po?"
"We will do everything para makaalis ka d'yan kay Hilary." aniya.
Napangiti nalang ako ng payak bilang sagot.
Napatingin sa akin si Ate at alam ko na agad ang kahulugan ng tinging iyon.
Nang matapos kaming mag lunch at nakaalis na sila Dad papuntang work pati na rin si Joseph sa school.
"Anak, Kung ano man 'yang problema mo. Pwede kang mag open sa amin ha." ani mommy.
"W-Wala po."
"H'wag mo nang itanggi. Alam ko ang itsura mo kapag may problema ka. Alam kong communication at atensyon ang ipinagkait ko sa inyong magkakapatid noon. Pero nagpapasalamat ako't lumaki kayong. Mabuting tao." Niyakap ako ni mommy.
"S-Sorry mi kung napaka laki akong disappointment sa pamilya natin."
Kumalas si mommy sa pagkakayakap sakin. "Kahit may katigasan ang ulo mo. Never kang naging disappointment sa amin anak."
"Kami ng papa mo ang malaking disappointment." aniya pa saka nag iwas ng tingin.
"Ha? Bakit mi?"
"W-Wala anak. Sige na't mag asikaso na tayo. Mag mamall pa tayo." ani mama saka tumungo sa itaas.
Ipinagkibit balikat ko nalang iyon saka pumunta sa kwarto ko.
I was wondering what she's doing right now.
Naupo ako sa kama ko saka inopen ulit ang cellphone ko. I read some of her messages.
Hilary: i miss you so much. This ia damn torture Bea. I'm so sorry let me explain. Mahal na mahal kita.
Hilary: Hindi ko na kaya Bea. Please, makipag usap ka sakin.
Hilary: I love you so much. I know i'm so stupid for hurting you.
Napapikit ako ng mariin upang pigilin ang luhang nagbabadya.
Ang sakit pa Hilary eh. Walang preno, kitang kita ng dalawa kong mata. Sana pwedeng ma orient ang isang tao na masasaktan sila ng taong mahal nila sa araw na 'to para naman makapag handa sila.
Bakit ang daya?
I took a bath after. Nag ayos din ako ng sarili ko at inantay si mommy sa baba.
This is the first time na makakasama ko si Mommy sa ganito. Before kasi busy sila sa trabaho. Kaya wala silang time saming tatlo.
We arrived on mall. Ilang stores din ang napuntahan namin ni Mommy. Bumili kami ng dress, beauty products. I pay the bills since may ipon din naman ako sa bank acc. ko.
Nag stop kami sa isang store para bilhan ng longsleeves si dad and Joseph.
"Which color ang bagay kay dad?" tanong ni mommy.
"Maybe darker. Siguro brown or gray." sagot ko.
Luminga linga ako sa paligid nang may mahagip ang mata ko sa tapat na store. Nakatalikod yung babae, mag ka holding hands sila nung guy na naka side view.
S-Si Ernest ba yun?
"Anak?"
"S-Sorry mommy. Ano yun?"
"Tignan mo nga, kasya naman siguro ito kay Joseph diba?"
"Hmm. Yup. Kasya."
"O'sige. Kukuha lang ako magandang kulay."
Tumango ako kay Mommy saka muling lumingon sa kaharap na store ngunit wala na roon ang hinahanap ko.
Haynako, Baka namamalikmata lang ako.
-
LadyMaria
BINABASA MO ANG
Bittersweet Tragedy (GxG) (SLOW UPDATE)
RomanceAng pagmamahalan ay mayroong tamis at pait. #LoveWins (c) to the owner of the photo