Chapter 9

1K 40 0
                                    

A/N: Bellanca as in Belyangka.

Hilary's POV:

Mahigit ilang linggo na din akong hindi pumapasok sa trabaho.

Palagi lang akong andito sa bahay kasama yung isa. Sigawan, trashtalkan, asaran, inisan at utos.

Hindi ko talaga maintindihan yung taong yun. Hindi ako pinapansin. Haaayyysss. Gusto pa, magpapapansin sa kanya eh.

*ring~ring~*

Deeana's Calling....

"Mmm?"

[Uyyy teh! Birthday ni Courtney sa linggo. Invited tayo. Sa mansion nila.]

"Ah. Okay."

[Eh? Wala ka sa mood no?]

"Di naman."

[Oh. Okay. Sige. Babush muna. Mwa. See you!]

Call ended.

37 unread messages

From: Sofie, Kate, Secretary Shanen, Lloyd.

Tss. Di importante.

Pupuntahan ko ngayon si Ate Martina dahil dalawang linggo ko na syang hindi nabibisita.

Paakyat na sana ako nang makita ko si Bea na kakalabas lang ng kusina.

"Oy." Tawag ko sa kanya.

Tumingin sya sakin nang nakabusangot.

"Aalis ako. Kumain ka nalang jan ng lunch. Babalik ako mamaya. Wag mo ko masyadong mamiss okay?" Kinindatan ko pa sya.

Nagulat naman sya sa sinabi ko saka kumunot yung noo nya at inirapan ako.

Gahahahaha. Psh. Umakyat na ako at naligo.

Pinaglihi yata sa sama ng loob yung babaeng yun. Hays. Swerte nya. Tsk. Iniwan ko yung trabaho ko para sa kanya----We--Wait teka. Bakit ko nga ba iniwan yung trabaho ko para sa kanya? Bakit napaka saya ko kapag nakikita sya? Bakit ang sarap sa pakiramdam kapag nakikita ko sya? Sobrang weirdo nitong pakiramdam ko. Never ko pa tong naramdaman sa ibang tao. Ano bang nangyayari sakin?

Sya lang nagparamdam sakin nito.

Bigla kong naalala yung insidente nung pag baril ko sa guard. Kaya pala ako kinutuban na parang may masamang mangyayari nung araw na yun. Hindi ako mapakali. Pina cancel ko yung meeting ko saka umuwi. Sakto namang nakita ko mula sa malayo si Mang Domeng na nanlilisik yung mata kay Bea. Sobrang nakaramdam ako ng galit nung araw na yun. Sobrang pagaalala din. Basta ang ayaw ko lang, mapahamak sya.

Wala ako sa sariling nagmamaneho papuntang Mental Hospital kung saan naroon si Ate Martina para magpagaling. Dumaan muna ako sa Pansitan ni Delya, dahil paborito nya yung palabok doon.  Mahigit dalawang taon na syang nandoon para magpagaling. At sa nakikita ko, patuloy na nga ang pag galing nya dahil nakaka usap ko sya pa unti unti. At tutuparin ko yung pangako kong, paghihigantihan yung taong yun.

"Goodmorning ma'am." Bati sa akin ng isang nurse.

Kilala na ako dito dahil na din lagi kong binibisita si Ate Martina, dahil na din ako si Hilary Bellanca.

Nakita ko si Dra. Reyes na doctor ni Ate Martina. "Doc."

"Oh, Hi Ms. Hilary. Anyways, i have goodnews." Aniya saka kami pumunta sa may Visiting Area para makita si ate Martina.

"Ano po yun?" Tugon ko.

"Nagiging maayos na si Martina. Yung mga excercises na ginagawa namin sa kanya, mas napapadali para maging maayos yung mental condition nya. Alam mo naman noong una, sobrang nahirapan kami sa kanya dahil napaka agressive nya. Pero ngayon, nagiging okay na sya at mas nakakausap na sya ng maayos. Kailangan nya pang magpagaling ng tuluyan dito." Ani Dra. Reyes. "By the way, doon muna ako sa ibang pasyente ha?" Paalam sakin ni Dra.

Bittersweet Tragedy (GxG) (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon