Chapter 12

1.1K 62 5
                                    

A/N: Martha/Martina- pinsan ni Hilary ay iisa lang po. Hehe

Hilary's POV:

Nasan na ba kasi yung babaeng yun!

Kanina ko pa sya hinahanap. Nagtanong tanong na rin ako sa iba na baka nakita sya. San naman kaya pumunta yung babaeng yun?

Kainis. Napaka moody. Bigla bigla nalang nagagalit. Tsh.

Nakita ko si Sofia na papalapit sakin at ipinulupot ang kamay nya sa leeg ko. "Babe, let's go. Let's enjoy the party. Ngayon nalang ulit tayo nagkita eh."

Tinagal ko naman yun agad. "Not now Sofia. Kailangan ko pang hanapin si Bea."

Umirap naman sya. "Why are you that much concerned with that girl? She's just your slave right? Kelan ka pa naging concern ng sobra sa ibang babae?"

Natigilan ako sa sinabi nya. Kelan pa nga ba ako naging sobrang concern sa ibang babae? She's not one of my girls nor my friend. Bakit nga ba ako nag aalala ng ganito?

Kung ibang babae, hahayaan ko lang. Wala akong pakialam.

"Are you inlove with her?" Muli akong napatingin kay Sofia. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nya. Hindi ako nakasagot at napatingin nalang ako sa ibaba.

"I see. See you next time, babe. Call me if you need anything." She pat my shoulder and wink.

Umalis na si Sofia and i left dumbfounded.

Am i inlove? Aish! Kailangan ko munang hanapin ngayon si Bea.

Naghanap ako sa loob ng bahay nila Bea. Wala sya sa salas kahit sa kitchen and dining room.

Sa CR!

Dali dali akong nag punta ng CR. Papalapit palang ako ay rinig ko ang impit na sigaw na para bang pinipigilan ang taong iyon na sumigaw.

Tumakbo agad ako roon at nakita ko ang isang lalaki na hawak hawak si BEA?!!!

Putangina!

"HOY GAGO KA! BITAWAN MO SYA!" Malakas na sigaw ko.

Lumingon naman yung lalaki at nagulat sya nang makita ako.

"H-Hilary Bellanca?" Bakas ang kaba sa muka nya.

"Tarantado ka!" Nilapitan ko sya at malakas syang sinuntok sa muka.

Bumulagta sya sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko.

Agad kong hinila si Bea palabas, dinala ko sya sa may parking lot. Kung ano ano na nasa isip ko.

"Tangina! Alalang alala ako sayo!" Hindi ko na napigilan ang inis ko.

Napahawak nalang ako sa sintido ko at napasabunot sa buhok ko. Shit! Hindi ko maikalma ang sarili ko.

Tinignan ko sya na nakahawak sa bibig nya at pinipigilan ang sarili na humikbi.

Agad ko syang nilapitan saka niyakap.

Hindi ko alam ang gagawin ko nang mga oras na yun. Gigil na gigil ako at natatakot ako na baka may mangyari sa kanya. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Sorry." Napapikit ako at sinandal ang ulo ko sa ulo nya. "Tahan na. Sorry, dapat hindi na kita dinala dito. Dapat hindi kita pinabayaan."

Para akong sinasampal ng maraming beses. Nasasaktan ako dahil nakikita ko ang babaeng ito na umiiyak.

Inaya ko na syang umuwi at kasalukuyan kaming nasa byahe.

Kapwa tahimik kaming dalawa at walang nagsasalita o gumagawa ng kahit anong ingay.

Bittersweet Tragedy (GxG) (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon