13

911 40 2
                                    

3rd Person's POV:

Halos hindi magkanda ugaga si Hilary dahil sa nalaman nyang kaganapan sa opisina. Ninakawan at bumaba ang sales nila. Halos dalawang bilyon ang nanakaw na pera sa kanila.

Bagama't malaki ang kinikita nito, bilyon ang nakuha sa kanila at bumaba ang mga sales.

"Hindi ba kayo nagtatrabaho ng maayos?! Kulang pa ba yung sinesweldo ko sa inyo?! Mga wala kayong kwenta! Pupunta ako dyan at siguraduhin ninyong may sapat kayong rason." galit na sigaw nya sa sekretarya.

Agad agad syang nagtungo sa kompanya.

Alam nyang halos isang buwan syang hindi nakapasok, ngunit may kanya kanya itong mga trabaho kaya't hindi nya mawari kung bakit nanakawan sya at bumaba ang mga sales.

Mayaman sya, ngunit kapag nalaman ito ng mga magulang nya ay tiyak na magagalit ito sa kanya at papupuntahin sya sa amerika para mag trabaho sa sarili nya. at iyon ang pinakaayaw nyang mangyari.

Pagkatapak nya palang sa labas ng building ay naramdaman nyang may malaking problema. Maging ang guard ay hindi rin alam ang gagawin.

Bukod sa istrikto ito, mahigpit at masakit magsalita na kinatatakutan ng lahat ng empleyado. Hindi sya basta basta at tipikal na babae.

Lahat ng nadadaanan nyang empleyado ay nakatungo at bakas ang takot sa kanilang mga muka.

Nag set agad sila ng meeting.

Hindi alam ni Hilary kung sino sa mga narito ang magnanakaw. Kung saan man nito iyon gagamitin, hindi nya alam.

Kaninong account trinansfer ang pera.

"Papa imbestigahan ko ang nangyaring ito. At kapag nalaman ko kung sino ang traidor dito. alam nyo na mangyayari sa inyong lahat." matalim na sabi ni Hilary.

Nang matapos ang meeting nila. Bumalik agad sa trabaho si Hilary para ayusin ang nangyari.

Ayaw na ayaw nyang mag mukang talo at walang kwenta sa ibang tao. Alagang alaga nya ang pangalan nya. Lalong ayaw nya ng mga taong traidor.

--
Alas onse na ng gabi pero hindi parin makatulog si Bea. Kanina nya pa hinihintay si Hilary. Hindi nya alam kung nasaan ito at ano ang pinuntahan. Aminado sya sa sariling, nag aalala sya.

"Ano bang problema ko? Ano bang pakialam ko kung saan sya pumunta? Hays! Bakit ba hindi ako makatulog!" protesta nya sa sarili.

Kung ano ano nang posisyon sa pagtulog ang ginawa nya nguni hindi parin talaga sya dinadalaw ng antok.

Nag bukas muna sya ng account nya. Nakita nya sa Active Friends, ang asawa nyang si Ernest.

Beatrix: Mahal?

Ernest: Hi Mahal :) still awake?

Ngayon nya lang napagtanto kung bakit ilang araw na itong hindi tumatawag sa kanya at may panahon itong magbukas ng facebook account.

Beartrix: Yup. Kamusta?

Ernest: Okay lang mahal. Sobrang busy eh. ngayon lang nagka time. Ikaw kamusta?

Beatrix: Ahh. I see. Okay lang din naman.

Ernest: Happ birthday nga pala kay Joseph. Binatang binata na bayaw ko ah hahaha!

Beatrix: Oo nga eh. Regalo nya daw ah.

Ernest: Oo naman mahal. I missyou so much.

Beatrix: I Missyou too. Kailan ba uwi mo?

Ernest: Hindi ko pa alam mahal eh. Mukang matatagalan ako dito.

Beatrix: Ahh Ganun ba? Sige ayos lang :)

Ernest: Basta mahal, wag kang magtatrabaho ha? kasi pag uwi ko bibili tayo ng bahay. at gusto ko sa bahay ka lang kasama ng mga magiging anak natin.

Sobrang sweet ng salaysay nito ngunit... Walang makapa sa puso si Bea na kahit anong kilig.

Pinilit nyang maging masaya sa sinabi nito. kahit sa totoo'y wala syang maramdaman na kahit ano.

At alam nyang sa sarili nya na marami syang kasalanan kay Ernest. Alam nyang hindi sya naging tapat dito.

Napapikit sya ng mariin.

Beatrix: Ofcourse mahal. Haha. Oo naman.

Natapos ang saglit nilang usapan at punong puno ng guiltiness sa sarili si Bea.

"I'm such a big mistake. I hate my self!! urgh!"

Ayaw na ayaw nyang i admit sa sarili nyang naaapektuhan sya sa bawat ngiti ni Hilary. Ayaw nyang isipin na tila nakakapaso sa tuwing hinahawakan sya nito. Ayaw nyang isipin na bawat maliliit na bagay na ginagawa nito ay nagpapasaya sa kanya.

Mahigit isang buwan na. Kung tutuusin dapat umalis na sya sa puder nito dahil naitransfer na ang sweldo nya sa bank account nya. pero hinde. Batid nyang masaya syang kasama ito.

Alam nyang nasa dilim ito at mag isa. At hindi nya ito sasamahan doon. bagkus ay iaalis nya ito doon. Dama nya ang lungkot nito sa buhay.

Problemado sya sa pera at si Hilary naman ay problemado sa pamilya. Kung tutuusin ay napakaa swerte nyang tao. Ang pera ay madaling kitain, ngunit ang atensyon ng pamilya ay mahirap.

Hindi na sya makatiis pa. Tinext nya na si Hilary.

Uhm. Hi? Goodevening. Nasaan ka nga pala? Hindi kasi kita naabutan pag uwi ko.

Hindi rin sya sanay na umaalis ito mag isa. Lalo na at hindi sya kasama.

Totoong palang makikilala mo ang isang tao kapag nakasama mo ito.

Isang Bisexual si Hilary. nagkaroon ito ng boyfriend noong highschool. At hindi na nito alam kung ilan na ang naginimg girlfriend nya.

ang sabi pa nito sa kanya,

"hindi ko alam dati kung paano mainlove. pero ngayon alam ko na. Talagang may taong darating sa buhay natin para matutunan nating kung paano mag mahal"

Hindi ni Bea alam kung kanino nito natutunan ang mag mahal. Ngunit natutuwa sya dahil alam nito ang mukha ng pagmamahal.

--
Lady Maria
: sabaw T.T pasensya na po talaga kung matagal UD nakakaiyak. chos.

Bittersweet Tragedy (GxG) (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon