Chapter32:Sport Fest 3

561 13 1
                                    

            ANDREA CLEIN POV
Naka-focus ang mata ko sa laro ni Clerk at halata sa mukha ng lider ng Red team ang galit sa kanyang mukha. Alam ko kasi na may mali eh, may nagaganap sa dalawang yan. Halos malaglag na ang panga ko sa galing ni Clerk, ni hindi man lang pinag-pawisan sa ginagawa niya at ang bilis niya rin tumakbo o sadyang exaggerated lang ako. Haays. Natapos na ang laro at halos lahat di rin makapaniwala tulad ko, sa galing ni Clerk sa kahit anumang sport, eh libro lang inaatupag niya eh.

Kaya eto may mga babae agad na lumalapit sa kanya. Tss, mga linta.. pesti! Kinapitan pa si Clerk dahil ba sa ang galing galing niya. Parang kailan lang ha na di niyo pinapansin si Clerk, ngayon pati lalaki inaakbayan na siya. Nababakla na siguro.

Lumapit si Clerk sa akin at tinaasan ko lang siya ng kilay at binato sa kanya ang tubig niya. Binili ko pa naman niyan para sa kanya no, tapos ngayon ininis lang ako ng mga lintang yun. Teka? Nagseselos ba ko? Huhu naloko na.

"Tss it's almost hit my face"sabi niya.

"Nasalo mo naman diba.? Sana natamaan na lang yang mukha mo di ka naman kagwapuhan"inis kong sabi at binulong ko ang huling salita para di niya marinig.

Tss, oo na gwapo siya, matangos ang ilong, red lips, perfect jawline and chin... kung ganon paano pa kaya kong makita ko na mata niya. Yung messy brown hair na bagay lang sa kanya. Tutuusin di naman siya mukhang nerd, dahil siguro sa hilig niyang magbasa ng libro at matalino rin kaya ganon.

Ininom na niya yung tubig. Kita ko ang pag taas-baba ng Adam's apple niya. Shit! Ang hot niyang tignan. Ako nalang sana yung bote ng tubig. Aish!! Ano ba tong pinag-iisip ko. Erase erase.

"You should go home now. I'll just change this clothes. You go"siya

"Ha? Ah eh. Hihintayin na lang kita"ako

"Okay"sabi niya at buti di na siya kumontra pa. Hinintay ko nalang siya sa labas ng gate.
______________________________________
            
                CLERK JOHN POV

Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Nakita ko siya nakatayo sa labas. Medyo wala ng estudyante rito dahil nagsi-uwian na. Bukas panibagong araw na naman. Gusto ko matapos na ito ng mabilis.

"Wala pa ba sundo mo?"tanong ko habang naglalakad kami sa pathway palabas ng campus.

"Haha eh, pinapunta ko na pero medyo matatagalan pa sila. Samahan mo muna ako sa Ice cream shop."ngiti niyang sabi. You always make my heart beat like crazy, Andrea. Sorry if I did not show my feelings to you. This is not the right time.

"Sure"tipid kong sabi at naglalakad na kaming dalawa. Malakad lang naman eh di naman medyo malayo yun dito. Marami din kaming nadadaanan mga couples na magka-holding hands. Naiilang tuloy ako.

"Nandito na tayo"sigla niyang sabi at hinila niya kamay ko papasok don.. so magkaholding hands na kami. Feel ko umiinit pisngi at tenga ko. Huhu naku naman.

"Kuya, 3 flavors..Chocolate,Cookies and Cream and Ube."sabi niya at magkahawak kamay parin kami.

"O ikaw? Ano sayo?"ngiti niyang tanong.

"Ah eh, amf..same t-to you" utal utal kong sabi. Kainis naman tong puso ko eh.

Nasa labas na kami ng Ice Cream Shop, may bench naman rito kaya umupo kami rito habang kumakain ng ice cream.

"Ang dumi mo naman kumain"sabi ko sa kanya at pinahiran ang gilid ng labi niya gamit ang panyo ko. Nakita ko naman na namula ang pisngi niya. Hahaha ang ganda niya talaga.

"Haha pasensya na ganito talaga akong kumain ng ice cream"sabi niya at nginitian ko lang naman siya ng tipid.

"Waahh, ngu-ngumiti ka. Hahaha"tawa niyang sabi.

"Ngiti ba tawag mo don. Tss!!"irita kong sabi at natawa naman ulit siya.

Naubos na ang kinakain namin at plano na naming umuwi. It's already 5:30pm kaya nandito na sundo niya.

"Sige, a-alis na ko"sabi niya at hinalikan niya ako sa pisngi.

Dug. Dug. Dug.
Naku, nagwawala na naman ang puso ko. Nababakla na ata ako. Huhu help! Napakamot nalang ako ng batok saka kumaway sa kanya.

Nandito na ako sa bahay ngayon at dumiretso sa kwarto, nadatnan ko naman sina Nay Julie, nginitian ko lang siya at nag shower na, maya-maya ay ibinagsak ko na ang sarili sa kama at inisip saglit ang paghalik niya sa pisngi ko at natulog na
______________________________________
                 SOMEONE POV
I am now here in my palace. May kumatok sa aking pinto at pinatuloy ko naman ang aking ina.

"Are you excited to meet him, my princess?"Mom

"Yes, your highness. Miss na miss ko na siya."ako

"Ang alam ko wala siya sa palasyo nila. Nakauwi narin naman siya sa kanila"Mom

"I know your highness, but I'm sure pupunta sila sa Event ng Willstone Academy, sa Sport Fest. Diba invited tayo?"sabi ko at tumango lang si Mom

"I want him back. I want to say sorry to him."sabi ko at pilit na pinipigilan ang luha na gustong kumawala sa mga mata ko.

"Nandito na ang dress na binili mo sa U.S, my princess"Mom

"Thank you my queen. I can't wait to see him"saya kong sabi sa kanya.

"Makikita na kita ulit John. Miss na miss na kita. Mahal na mahal kita. Sorry kung huli na ang lahat ng nalaman ko na mahal mo rin ako non. Sana di pa huli ang lahat para sa ating dalawa. Tinuring kitang kaibigan, at minahal ng di nalalaman... mahal mo rin pala ako non, akala ko kasi wala ka ring nararamdaman para sa akin dahil alam ko kasi na di ka marunong ipakita ang iyong tunay na nararamdaman kaya gumawa ako ng paraan para mapaselos at sabihin mo sa akin na mahal mo rin ako, kaso mali ako nasira ang pagkakaibigan natin na tangi kong hawak sayo. Kita ko kung paano ka umiyak at nasaktan at don napagtanto ko ka mahalo mo rin ako. Mahal din kita John, sana di pa huli ang lahat para sa ating dalawa, gagawin ko lahat para maibalik tayo sa dati. At ipapangako ko sa sarili ko na di ko hahayaang mawala ka pa sa akin"

The Nerd Boy Becomes the Princess's Boyfriend✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon