Alam mo bang ikaw ang araw ko sa umaga?
Na siyang nagbibigay sa akin ng panibagong pag asa
Sa tuwing ako ay nalulugmok sa kadiliman
At nasasadlak sa kalungkutanIkaw naman ang aking buwan
Sa tuwing sasapit ang kadiliman
Na siyang nagsasabi na di ako nag iisa
At mayroon akong karamay paIkaw din naman ang bituin ko
Na kahit nasaan man ako
Ay handa mo akong samahan
At ako'y iyong handang damayanIkaw ang araw , buwan , bituin ko
At hindi ko alam kung anong gagawin ko
Kapag ika'y sa akin ay nawala
Kaya hiling ko sana sa huli tayong dalawa pa din ang magkasama

BINABASA MO ANG
Poetica
PoetryMga tula na mula sa aking puso na hindi masabi ng aking bibig. Kaya idinaan na lang sa pagsulat. Mga damdaming hindi alam kung paano ipakita kaya idinaan na lang sa pagtula. Sana magustuhan niyo.