"As you all know, we are preparing for a really big musical play! We need your full cooperation here. We cannot get all of you as casts but whether you are a cast or not, we all have a role to play in this event!"
matigas na sabi ni Mr. Bautista sa lahat.
Lahat ng members ng Drama Club at Glee Club ay natipon sa iisang silid na iyon.
"Like we have told you guys the other day, magkakaroon ng audition sa mga makukuhang casts ng musical play. You have 5 days to practice. Lahat ng mga hindi kasali sa cast ay kailangan paring umattend because we need you guys for the preparation of the theatre, in designing the costumes and all other things necessary for the play." malumanay namang sabi ng nagpakilalang trainer ng Drama Club na si Ms. Bridgette Cruz.
"Kailangan din natin ng mga tatayong servers na magga guide sa mga guests na manunuod ng play so we still need you guys kahit hindi kayo nakapasa sa audition." pagpapaliwanag ni Mr. Bautista.
Agad namang nagsitango ang lahat ng naroon.
"So meaning? Everyone who is not a part of the cast will be ushers and usherettes." nakangiting sabi ni Ms. Cruz.
"With that being said, there are 20 papers here and in each paper is a specific role. Sign your name kung saang role niyo gustong mag audition at ibibigay namin ang audition piece. Of course may mga linya na titignan lang namin ang acting ninyo at sa ibang papel naman ay ang kakantahin niyo. You can refer to the cartoon for the tune kung hindi kayo nagbabasa ng piyesa. Again, we are going to base the play from the Disney cartoon hindi yung kung anong version." seryosong sabi ni Mr. Bautista.
At lahat ay tumingin sa mga papel na nakahilera sa harapan at nagbulungan.
Biglang nakaramdam ng kaba si Sahania.
Hindi niya na-realize kung saang role siya pupwedeng mag-audition.
Inikot niya ang tingin at nakita niya ang masamang tingin sa kanya ni Diane.
Biglang nakaramdam ng inis si Sahania pagkakita dito.
'Patutunayan ko sayo na kaya ko Diane.' bulong ni Sahania sa sarili.
Kailangan niyang lakasan ang loob kung gusto niyang may mapatunayan sa dating kaibigan.
"Kapag hindi kayo nakapasa sa unang role na sinalihan niyo, pwede kayong mag audition sa iba. Alam naman na nating lahat kung anong roles ang importante dito." mariing sabi ni Mr. Bautista.
"Exactly, wala naman siguro sa atin ang hindi nakakaalam ng Beauty and the Beast?" natatawang sabi ni Ms. Cruz na siyang nagpatawa din sa lahat.
"The President of this university will be watching the play kaya kailangang masinsinan ang pagpili ng mga casts." muling sabi ni Mr. Bautista.
Biglang bumukas ang pinto at napatingin ang lahat sa pumasok na batang lalaki na may kasamang nakangiting matandang babae.
"Oh there you are!" nakangiting lumapit si Ms. Cruz sa mga ito.
"Thank you Ma'am Trish sa pagsama kay Vincent." sabi nito sa matandang babae at ngumiti naman ito bilang tugon.
"Okay guys! This is Vincent. May audition din kaming ginawa sa Prep School so as you can all guess, Vincent here will be playing the part of 'Chip'.
Nagpalakpakan ang lahat at nakita ang magandang ngiti ng napaka cute na bata.
"Alright! Go ahead now and sign kung saan niyo man gustong mag-audition. Pwede kayong mag try kahit anong character kung sakaling hindi man kayo nakapasa sa una just make sure mapagaralan niyo ang mga lines at kakantahin."
At lahat ng mga marunong kumanta ay nagsipuntahan sa mga papel kung saan nila gustong subukang mag audition.
Hinanap ng mga mata ni Sahania si Jadiel ngunit hindi niya nahagilap ang binata.----------
Matagal ding tinitigan ni Sahania ang mga papel sa harapan niya.
Naka lagay ito sa white folder.
Ito ang mga linya na kailangan niyang ipraktis para sa darating na audition kasama na din ang kantang 'Little Town by Belle' na siyang kakantahin ng mga mag-o audition bilang Belle.
Pakiramdam niya ay parang gusto niyang bawiin ang paglalakas loob na mag audition at ibalik nalang ang mga papel sa trainors ng Glee Club at Drama Club saka sabihing nasiraan lang siya ng bait nung nag register siya.
Hindi siya makapaniwala sa sarili na nakayanan niyang maglakas ng loob na pumirma bilang isa sa mga mag-a audition bilang Beauty.
'I am nothing like Beauty!' nanlulumo na sabi niya sa sarili niya pagkatingin ng sarili sa salamin at pagkatapos ay titignan ulit ang papel sa harapan niya.
Hindi niya alam kung dahil ba sa sobrang inis niya kay Diane at gusto niyang patunayan ang sarili niya dito na kayang kaya nga niyang makapasok bilang cast sa music play na gagawin ng Performing Arts o nasiraan lang talaga siya ng bait.
Oo nga at gusto niyang patunayan ang sarili niya pero mukhang nasobrahan ata niya at ang main role pa talaga ang pinag rehistruhan niya.
"Anong gagawin ko?! Magsakit sakitan nalang kaya ako para di ako pumunta sa audition?!" naguguluhan na sabi ni Sahania bago ikulong ang mukha sa mga palad.
"Oist! Para kang adik jan. Bakit ba kasi nagregister ka na mag-o-audition bilang Beauty tapos gaganyan ganyan ka ngayon." natatawang sabi ni Rita sa kanya.
"Ikakabit na daw bukas yung internet natin sabi ng landlady. Imemorize mo na mga linya mo at mag youtube tayo ng Beauty and the Beast movie ni Emma Watson dun mo gayahin ang mga facial expressions ng Beauty." excited na sabi nito.
Parang hindi alintana ang nag-aalalang dalaga.
"Grabe ka naman Rita. Mas concern mo pa ang internet kaysa sakin eh. Isa pa, cartoons daw yung gagayahin namin," astang nagtatampo na sabi ni Sahania dito.
"Haha! Kasi naman alam kong kakayanin mong makapasa at makuha ang role! Kailangan mo lang magtiwala sa sarili mo!" sabi ng pinsan niya at saka hinawakan ang balikat niya.
"At isipin mo, mas mai-stalk mo na si Jadiel kapag nagka internet tayo!" nanlalaki ang mata na panunukso nito sa kanya.
Alam na kasi ng pinsan ang sikretong pagmamahal niya sa gwapong binata.
Nagtanong kasi ito minsan kay Sahania kung bakit ni hindi man lang bumisita sa kanila ang kaibigan niyang si Diane.
Nasanay kasi ito na laging magkasama ang dalawa at alam niyang sobrang matalik na magkaibigan ang mga ito dahil nakakalaro niya ang mga ito noon.
Kahit hirap sa loob niya ay kinuwento ni Sahania sa pinsan ang nangyari.
Maganda na ring nagawa niya iyon upang mailabas niya ang sama ng loob at hinanakit.
At sa pagkukwento niya ay hindi naman naiwasang mabanggit niya si Jadiel at ang nararamdaman niya para dito.
Inasar niya ito dahil sa lagi nitong sinasabi na ang motto niya ay sa ihi lang dapat kiligin ngunit isang Jadiel lang pala ang magpapatumba sa kanya.
Agad naman siyang naintindihan ng pinsan niya at sinuportahan siya sa ginagawa niya lalo na ang make over na ginagawa niya at pati na din ang pag eexercise niya dahil sinasamahan pa nga siyang mag jogging nung nasa Baguio na ang dalaga.
"Sira! Tigil tigilan mo nga ako!" sabi ni Sahania at saka dinampot ang naka folder na mga papel.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong hinanga.
Siguro nga ay tama ang pinsan niya.
Kailangan niya lang magtiwala sa sarili niya.
Since pinasok naman na niya ito, lubos lubusin nalang niya.
Hindi man niya makuha ang role ay ayos lang basta nasubukan niya.
'You can do this Sahania.' sabi niya sa sarili at saka binuksan ang folder.
Binasa niya ang nakalagay sa unang pahina nito.
Nandoon ang mga instructions at mga importanteng bagay na makakatulong sa kanya sa pag-arte niya.
Maliban sa maiiksing role plays nila noong high school at nitong college ay wala ng ibang ginampanan pa ang dalaga.
Madami namang bumibilib sa kanya sa pag-arte niya subalit mababa parin ang kumpiyansa niya sa sarili dahil ibang iba parin ang nasa harap ka ng maraming tao.
Umaasa siya na sana ay makaya niyang gawin ng maayos ang audition.
Muli siyang tumingin sa salamin.
"Rita? May maitim ba na Beauty?" bigla siyang napaisip.
Susme! Ano ba kasing nakain niya! Papano siya papasa eh isang tingin palang sa kulay niya bagsak na siya!
"Ano ba yan Sahania, wala ka paring tiwala sa sarili mo?" parang naiinis na sabi ng pinsan na nakadapa at nagbabasa ng wattpad sa cellphone nito.
"Hindi ka maitim. Nakikita mo ba ang sarili mo ngayon? Anlaki kaya ng pinagbago mo! Oo hindi ka ganun kaputi pero pati ba naman yun titignan pa nila? Pang Disney Princess na kaya ang ganda mo ngayon! Magtiwala ka sa lahi natin! Isa pa, kamukha mo naman talaga yung isa sa mga Disney Princess na bombay ah!" pagmamalaking sabi nito sa kanya.
"Disney Princess? Rita, si Princess Jasmine ang tinutukoy mo. Tandaan mo, Si Belle ang role na gagampanan ko kung sakali." pagtatama niya sa pinsan.
"Ay oo nga noh. Princess Jasmine pala yung 'A whole new world'. Haha! Hayaan mo na, basta Disney Princess pa din!" pagpupumilit nito.
"Aladdin yun! A whole new world ka jan!" pagtatama niya sa pinsan.
Imbes na lumakas pa ang loob ay mas lalo tuloy kinabahan ang dalaga para sa sarili.
Buong linggong pinagtuunan ni Sahania ang pag-eensayo at ang pinsan niyang si Rita ang nag-astang taga panuod nito at ang siya ring tumatawa sa bawat maling linya na mabibitawan ng dalaga.
Sobrang nakatulong din sa kanya ang youtube upang makapagpractice siya sa kakantahin.
![](https://img.wattpad.com/cover/115172379-288-k717059.jpg)
BINABASA MO ANG
The Non-Existent Me (COMPLETED)
RomanceSabi ng iba, sa ugali ka daw tumingin hindi sa itsura. Bonus na daw kung may nagmahal sayo na mabait na, gwapo pa. Ngunit para sa probinsiyanang kagaya ni Sahania ay panaginip lang na may lalaking gwapo na at mabait pa. Kung gwapo man, manloloko n...