Chapter 20: Ang Kwento ni Jadiel

830 17 3
                                    

Inikot ni Jadiel ang mga mata at nakita niya ang hindi pamilyar na kuwarto.
Ang dingding at ang mga pader ay napintahan ng naghalong kulay ng pink at blue.
Napuno ng mga manika na may magkakaibang laki ang isa sa mga aparador.
'It's a Girl's Room. What am I doing in a girl's room?!' sabi niya sa isip niya.
Sigurado niyang ngayon niya lang nakita ang silid na iyon at hindi ito silid ng kapatid niyang babae dahil malayong malaki at puno ng bulaklak na wallpaper ang sa kapatid niya.
Bigla siyang nagpanic at di mawari papaano siya napunta doon.
Napalingon siya ng may narinig siyang paghikbi.
Nanggagaling ito sa maliit na kama sa gilid.
Dahan-dahan siyang lumapit sa kama at nanlumo pagkakita sa isang batang babae na umiiyak habang may yakap na stuffed toy na spongebob.
Hindi niya alam kung anong gagawin niya.
Gusto niyang ibuka ang bibig para magsalita pero alam niya sa sarili na wala din siyang masabi.
Tinitigan niya ito ng maayos.
Ang lungkot lungkot ng batang babae.
Pakiramdam niya ay gusto niyang patahanin ito.
Inilahad niya ang kamay na tipong hahawiin ang mga buhok na nasa mukha nito ng biglang:
"Nia..?"
Nakarinig siya ng boses ng matandang babae kaya napaatras siya at napatingin sa may pintuan ngunit wala namang tao doon.
Pagkarinig ng tawag na iyon ay bumangon agad ang batang babae at nagpunas ng mga luha.
Naging maaliwalas ang mukha nito at napangiti.
Doon niya lang nakatitigan ito ng maayos.
Payatot ang batang babae at maliit na may aalon-alon na buhok na lagpas balikat.
Nakasuot ito ng pink na t-shirt at mabulaklakin na pajama.
Maitim ito pero kahit na ganun ay hindi mo iyon mapapansin sa kanya dahil sa ganda ng mata nito na napakaamo na parang nangungusap.
Para itong mukhang manika sa palagay niya.
Idagdag pa ang matangos nitong ilong at maliit na labi.

Masaya itong tumayo para takbuhin ang labas ng kwarto kung saan man naroon ang matandang babae na tumawag dito..
Biglang nataranta si Jadiel pero napalitan agad ang pagkataranta niya ng pagkalito ng madaan ang batang babae sa harap niya ngunit tila hindi siya nakita.
Isang malaking ngiti ang pinakawalan ng batang babae bago nito buksan ang pinto.
Napangiti si Jadiel pagkakita sa matamis na ngiti ng batang babae.
'Nia.. That must be her name..' sabi ng isip niya.
Namangha siya na sa isang tawag lamang ng matandang babae ay napawi ang lungkot sa mukha nito.
Ito na yata ang pinakamagandang ngiti na nakita niya.
Naglakad ang batang babae palabas ng kwarto at saka isinara ang pinto.

Nagmulat ng mga mata niya si Jadiel.
Para siyang bumalik sa katinuan.
Inikot niya ang paningin at napagtanto niyang nasa loob na siya ng kwarto niya.
"Weird dream.." nangingiting sabi niya at saka bumangon at umupo.
Kinusot-kusot niya ang mga mata at saka natigilan ng may naalala.
Nagmadali siyang tumayo at kinuha ang sketchpad na regalo sa kanya ng ama niya sa kabinet ng study table niya.
Inupo niya at saka nagsimulang gumuhit.

Hindi niya maalala kung gaano katagal na siyang hindi gumuguhit.
Ngayon lang siya ulit nakaramdam ng pagkagusto dito.
Bata palang siya pero nasanay na siyang gumuhit at magpinta dahil nasa dugo nila ito at dahil narin sa impluwensiya ng kanyang ama.
Alam niya na isang sikat na artist ang kanyang lolo at naging ganoon din sana ang kanyang ama kung hindi lang nito mas pinili ang pangarap at iyon ay ng pagiging isang architect.
Nakangiti niyang iniba-iba ang ikot ng lapis na hawak na akala mo sanay na sanay sa ginagawa dahil tantiyado pati ang pagdiin ng lapis sa papel.
Unti-unti ay namuo ang mukha ng batang babaeng napanaginipan niya.
Hindi man itsurang buhay na buhay na katulad ng mga gawa ng mga dakilang mangguguhit ngunit makikilala mo agad ang batang babae na naroon dahil sa napakadetalye ng pagkakaguhit dito.
Sa murang edad niya ay isa sa libo-libong bata lamang ang kayang gumawa ng ganun kaganda sa likha niya.
Bahagya siyang napangiti ng matapos iguhit ang mukha ng batang babae.
Ang bata na hindi niya alam kung bakit nasa panaginip niya.
Nang matapos ay ibinaba niya ang hawak na lapis at saka bumuntong-hininga.
Dahan-dahan ay hinaplos niya ang mukha ng batang babae sa drawing na akala mo ay totoo ito at tipong hinahawi ang buhok nito.
Mga ilang minuto din siyang ganoon nang bigla siyang nakarinig ng pagbukas ng pinto.
Sa gulat ay napabalikwas siya at nabitawan ang hawak na sketchpad.
Iritable siyang tumingin sa pinto at nakita niya ang kapatid na si Hannah.
Mas matanda ito ng dalawang taon sa kanya pero dahil na din siguro sa laki sila sa ibang bansa ay hindi niya ito tinatawag na ate.
Agad niyang pinulot ang nabitawang sketchpad.

The Non-Existent Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon