Chapter 13: Sana ako nalang

708 17 0
                                    

Hingal na hingal si Sahania pag-akyat ng hagdan.
Alas sais kasi ang dismissal niya kapag MWF.
Dahil saktong alas sais ang calltime ng Glee Club ay kailangan niyang magmadali.
Sa araw na iyon ay nainis ang dalaga dahil hindi sila saktong pinatapos ng professor nila.
Wala kasing nakakapagpagana ng program na pinapagawa sa kanila kaya nag-extend sila ng klase hangga't may nakakapagpagana ng mga codes sa computer programming.
Malapit na niyang buksan ang pinto ng practice room ng may humatak sa kamay niya.
Tinignan niya ito at nakita niya si Daniel na hila-hila siya.
Pinipilit niyang kumalas ngunit sadyang mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya.
Mukhang mas napaaga niya pa atang nakita ang mokong.
Tumigil ito nung nasa likod na sila ng office sa may malaking puno ng pine tree kung saan walang tao.
Agad na iwinaksi ni Sahania ang kamay nito upang makabitaw sa pagkakahawak ng binata.
"Surprised?" sabi nito at nagpakawala ng nakakalokong ngiti.
"Anong ginagawa mo dito?!" Iritableng tanong niya dito.
"Ang sungit naman nito." sagot naman ng binata sa kanya.
Tinaasan niya lang ito ng kilay.
"I just finished my audition." labas ngipin na sabi nito at may kasama pang pagkindat.
Nanlaki ang mga mata ni Sahania.
"Audition saan?!" tanong niya kahit parang may kutob na siya kung anong tinutukoy nito.
"Glee Club. So that I get to see you more." pabulong na sabi nito at dahan-dahan na lumalapit sa dalaga.
Napapaatras si Sahania dahil sa ginagawa nito.
"Ano bang kalokohan to, Daniel?!" pagalit na sabi ng dalaga kahit pinanghihinaan na siya ng tuhod dahil unti-unti paring lumalapit ito sa kanya kaya paatras naman siya ng paatras.
"I told you.. Hindi kita titigilan unless I get you back.." titig na titig ito sa kanya.
Nag-uunahan ang pagpintig ng puso ni Sahania.
Atras lang siya ng atras hanggang sa mabangga ng likod niya ang pader.
Na-corner siya nito.
Balak sanang tumakas ni Sahania pero iniharang nito ang braso niya at hinawak ang kamay sa pader.
Bigla siyang kinabahan.
Ngumisi ang binata pagkakita sa takot na expression niya.
"Don't be scared. I don't bite." pilyong ngiti ang pinakawalan nito at saka napakagat labi.
Napalunok ang dalaga.
Mas lalo nga talagang gumwapo ito.
Naramdaman niyang papalapit ng papalapit ang mukha ni Daniel sa kanya.
'Shoot. Teka! Parang nangyari na to dati!' sigaw ng utak ng dalaga.
At nagflashback nung High School sila na nasa likod sila ng black board at napasandal din sya noon sa pader at akala niyang hahalikan siya pero dinampi lang pala nito ang ilong ng binata sa ilong niya.
'Saglit. Hahalikan na ba talaga niyako for real?!' sigaw muli ng utak niya.
Katulad ng ginawa niya dati ay ikinuyom niyang muli ang palad.
Hindi. Hindi maaari. Hindi siya papayag.
'Subukan mo akong halikan at tatamaan ka na talaga sakin.' nanginginig na sabi niya sa sarili.
Unti-unti ay halos maramdaman na niya ang mainit nitong hininga.
Papalapit ng papalapit.
Nung malapit na ang labi nito sa labi niya ay bigla siyang nagulat sa sarili.
Imbes na suntukin ito ay napapikit siya.
Oh shoot!!! Pumikit siya?!!!!
Na naman???!!!
Bigla siyang nagulat nang marinig ang mahinang pagtawa ni Daniel.
Minulat niya ang mata niya nang maramdaman ang kamay ng binata sa ulo niya.
Ginusot-gusot nito ang buhok niya na parang bata.
"Ikaw talaga. Mas gumanda ka lang pero hindi ka parin nagbabago." masayang sabi nito at saka lumayo ng kaunti sa kanya.
Hindi nakapagsalita si Sahania.
"Sige na, pasok ka na sa room kasi narinig kong hinahanap ka ng Head." muling sabi nito.
Parang walang narinig ang dalaga.
"I'll call you later.." bulong nito sa kanya na ikinagulat niya saka umalis.
Naiwan siyang nakatanga at nakatitig sa kawalan.
"Aaaaggghhh!! Ang tanga tanga mo talaga Sahania!!!" nanggigigil at pasigaw niyang sabi at saka sinabunot-sabunutan ang sarili pagkaalis ni Daniel.
Hindi siya makapaniwala na sa pangalawang pagkakataon ay hindi niya napigilan ang sarili.
Upang hindi makatanggap ng tawag sa binata ay nagpasya siyang patayin ang cellphone.
Bahala na kung anong irarason niya sa mga magulang.
Hindi niya alam kung papaano mahaharap muli si Daniel.

"Ayusin mo kasi yung intonation mo Vernon, tataas yun!" napapakamot na sabi ni Roseanne sa mataba at pandak na kaklase.
Tawanan naman ang mga kalalakihan nang pasadyang ginagawang OA ni Vernon ang pag-pronounce.
Bago nila itong kaklase.
Dating BSIT na nagshift sa BSIM na kurso.
Nagtuturo ng Chinese Mandarin si Roseanne sa kanila dahil ito ang lengguahe na pinag-aaralan nila sa Foreign Language nila.
Kahit hindi kasali sa Foreign Language si Vernon ay natutuwa itong matuto.
Parang mga robot naman silang lahat at sabay-sabay na sinusundan ang bunganga ni Roseanne at pilit ginagaya ang intonation niya mapababae man o lalake.
Nasa loob sila ng computer laboratory at Si Ma'am Mia ang professor nila.
Ito na ata ang pinakamabait nilang teacher dahil hindi nambabagsak at iba ang style ng pagtuturo nito, sinisigurado na naiintindihan ng bawat estudyante ang topic at kapag natapos ang ginagawa ay binibigyan sila ng pagkakataong makapagpahinga kaya nagpapaturo sila sa instsik na kaibigan nila.
"Ni Jiao Shenme Mingzi? What is you name." sabi ni Roseanne na naka emphasize ang pag-pronounce nito.
Sabay-sabay naman ang mga kaklase ni Sahania na sinundan ito.
"Wo Jiao Roseanne, My name is Roseanne." sunod namang sabi nito at muli siyang ginaya ng mga ito.
Sa kalagitnaan ng pagtuturo ni Roseanne sa mga kaklase ay nilapitan ni Marykay si Sahania at tinapik.
"Hoy! Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong nito sa kanina pa nakatunganga na si Sahania.
"Tol? Pupunta ba ako sa birthday ni Diane o hindi..?" tanong ni Sahania dito.
"Sira ka ba..? Bakit ka pupunta dun..? Baka ipa-salvage ka pa nun!" sabing muli nito.
"Eh kasi.. Ineexpect ni Jadiel andun ako.." malungkot na sabi niya.
"Ibubuwis mo buhay mo para kay Jadiel?" tanong ni Marykay na tumaas ang isang kilay.
"Bahala na.." malungkot na sabi niya.
"Oist!! Magpapaturo ba kayo o hindi?! Ikaw Sahania, wala ka pang alam ata ni isa na Chinese word!" singhal sa kanila ni Roseanne nang mapansin na naguusap sila.
Agad na ngumiti si Marykay dito.
"Ni hao is Hello, Ni hao ma is How are you." matamlay na sabi ni Sahania dito.
Tawanan ang lahat.
Nagkamot ng ulo si Roseanne.
"Tol, kahit hindi nag-aaral ng Foreign Language alam yan eh!" naiinis na sabi nito.
Nagkibit-balikat lang si Sahania.
Pagkarinig nila sa tunog ng bell ay agad silang nag-ayos paalis para mananghalian.
Wala parin sa sariling naglalakad si Sahania ng mabangga niya ang likod ni Mae-ann.
Natigilan ang mga kaklase sa labas ng classroom.
Tinignan niya kung anong meron at nagulat siya ng makitang nakatayo si Daniel sa gilid ng computer laboratory nila habang nakasandal sa pader na halatadong kanina pa nag-aantay.
"There you are!"
Nabuhayan ito pagkakita sa kanya.
Nagmamadali siyang lumabas ng classroom pero hinabol siya nito at hinawakan ang braso.
"You can't go anywhere. Ililibre ko pa kayo ng lunch." masayang sabi nito.
Tinignan siya ng masama ni Sahania.
"Hindi pa kami nagugutom noh! Isa pa, may pera kaming pambili ng lunch. Di kami mga patay-gutom!" galit na sabi niya dito at hinarap ang mga kaibigan.
"Diba?!" tanong niya sa mga kaibigan at nagulat siya sa sinabi ng mga ito.
"Sa Good Taste mo ba kami ililibre..?" excited na sabi ni Aisa na sinamahan pa ng puppy eyes.
Tumango si Daniel.
"Kahit saan niyo gusto." masayang sabi ni Daniel sa mga ito.
"Oo nga! Nakakamiss kumain sa Good Taste!" agad din namang sabi ni Mae-ann.
"Tara na dun! Total walking distance naman ang Center Mall!" masayang sabi ni Shimie.
Nanggigil si Sahania.
"Kayong tatlo talaga mga patay-gutom kayo! Masarap din naman kumain sa Aldas (karinderya sa tabi ng school) ah! Tara na nga Marykay, Roseanne." sabi niya na akmang aalis pero natigilan sa sinabi ni Marykay.
"Namiss ko ng kumain ng buttered chicken ng Good Taste." tila natatakam na sabi ni Marykay.
"Ako din. Lalo na yung garlic flavor." sang-ayon naman ni Roseanne.
Nanlaki ang mga mata ni Sahania at di makapaniwala sa mga sinasabi ng mga kaibigan.
"Kasali ba kami?!" sabi din naman ng mga papalapit na kaklase niyang lalake.
"Sure!!" sabi ulit ni Daniel.
'Bwisit na mga to! Binenta talaga ako para lang sa libreng lunch!!' sabi ni Sahania sa sarili.
"Pano ba yan, You're defeated." bulong ni Daniel sa kanya.
Inikot niya lang ang mga mata niya.
Pagdating nila sa resto ay umupo sila sa mahabang table at pinaikutan ito.
Sinadya niyang malayo sa kinauupuan niya si Daniel.
Pagdating ng mga pagkain ay naghiyawan ang mga ito na halata mong ang saya-saya.
'Ppfft. Mga patay gutom.' sabi niya sa sarili pero pagkalapag ng buttered chicken sa harapan niya ay bigla siyang napalunok.
Agad na nagsikuha ng pagkain ang mga kaibigan niya at masayang nilantakan ang nasa kanya-kanya nilang pinggan.
"Hindi ka kakain..?" nagtatakang tanong sa kanya ni Mae-ann at tingin lahat sa kanya.
"Di ako nagugutom." matigas na sabi niya.
Kailangan niyang pigilan ang sarili.
Hindi siya dapat kumain ng libre ni Daniel dahil baka matuwa ito!
Hindi dapat siya magpabigay sa amoy ng masarap na pagkain!
"Eh di wag. More food for us." natatawang sabi ni Rio at tawanan sila.
Parang nang-aasar naman ang ngiti na nakita niya kay Daniel.
Inirapan niya lang ito.
Pagkalipas pa lamang ng ilang minuto ay halos paubos na ang pagkain at kumukulo na din ang tiyan niya.
Naiirita siya kasi nakailang lunok na siya sa laway niya sa sobrang takam sa pagkain pero tinitiis niya ang gutom at inuuna ang pride niya.
Sobrang ingay ng table nila at mukhang mabilis na nakasundo ni Daniel ang mga kaibigan niya.
Marunong itong makisama at kung magusap na sila ay akala mo close na close na ito sa mga kaibigan niya.
Napangiti si Sahania.
Kahit noon pa man ay halos kasundo na ng lahat si Daniel dahil marunong itong makisama sa tao.
Biglang kumulo yung tiyan niya.
'Hindi ko na kaya.. Kailangan kong kumain..' naiinis na sabi ng utak niya.
Nang mapansin na busy na ang mga kaibigan sa usapan ay hindi niya napigilan ang sarili at kumuha ng chicken leg at agad na nilantakan.
"Huli ka!!!!" malakas na sigaw ni Rio habang nakaturo kay Sahania.
Nakita niyang halos mabulunan si Daniel dahil bigla itong natawa pagkakita sa itsura niya habang kinakain ang manok na akala mo noon lang nakatikim.
"Pakunwari ka pang di ka gutom ha!" sabi naman ni Bryan.
"Hayaan niyo na baka bawiin nya kinain natin. Boyfriend niya pa man din ang nanlibre." natatawang sabi ni Vernon.
Tinignan siya ni Sahania ng masama.
Ikinatuwa naman ni Daniel ang narinig.
"Kayo talaga mga bully kayo." suway ni Marykay sa mga ito.
"Grabe ha!! Andadamot niyo naman eh nakailang rounds na kayo kakakain! Tao din ako, nadadala sa tukso ng pagkain!!" nakasimangot na sabi ni Sahania at iniwas ang tingin kay Daniel.
Tawanan lang ang lahat sa sinabi niya.
'Bwisit. Nahuli tuloy na ako yung patay gutom.' halos napapapikit na sabi niya sa sarili.
Pabalik ng school ay naglakad lang din sila pauwi.
Masayang-masaya sila sa kwentuhan habang naglalakad pero nahuli naman si Daniel at tila loner sa likuran nila.
Tinapik siya ni Shimie at nginuso sa kung nasaan si Daniel.
"Kausapin mo naman ng maayos. Mabait naman yung tao tapos ang sungit mo sa kanya." sabi sa kanya ni Shimie.
Lumingon si Sahania sa likod at nakita niyang naglalakad nga ito ng mabagal at mag-isa samantalang magkakasabay silang magkakaibigan at may kanya-kanyang grupo.
Bigla siyang nakaramdam ng awa dito lalo na ng makitang mukhang malungkot ito at ang lalim ng iniisip.
Sinadya niyang magpaiwan at antayin ito.
"Thank you ha.." malumanay na sabi niya kay Daniel at nagulat naman ito sa kanya.
Hindi nito namalayan na inantay siya dahil siguro sa lalim ng iniisip.
Biglang umaliwalas ang mukha nito pagkarinig sa sinabi niya.
"Himala. Pinapansin mo nako ngayon at di ka na masungit. Salamat sa mahiwagang buttered chicken ng Good Taste." pagbibirong sabi ng binata.
"Sira ka talaga. Nagpasalamat lang ako kasi nilibre mo kaming lahat ng lunch. Di mo naman kasi kailangang gawin yun. Napagastos ka tuloy." sabi naman ng dalaga.
"Sus! Kung kapalit naman eh lagi kang mabait sakin, kahit araw-araw ko pa silang ilibre!" astang mayabang na sabi ni Daniel.
"Wag ka nga!! Nanunuhol ka pa eh!!" natatawa na ding sabi ni Sahania.
Natuwa ang binata pagkakita ng masayang mukha ng dalaga.
"So, payag ka ng maging girlfriend ko..?" labas ngipin na ngiti ni Daniel sa kanya at saka kumindat.
"Oy hindi ah! Asa ka naman! Di ako makukuha sa buttered chicken noh! Tsaka tigil-tigilan mo nga yang kakakindat mo, sarap mong tsinelasin eh!" tila asar na sabi ni Sahania pero halatado mong pinipigil ang tawa.
"Sorry na. Gwapo lang." mahinang sabi ni Daniel.
Nagulat si Sahania sa sinabi nito kaya hinampas niya ito sa braso.
"Sweet!!"
Narinig nilang kantiyaw ng mga kaklase ni Sahania na kanina pa pala sila pinapanood.
Biglang nahiya ang dalaga kaya nagmadaling naglakad papunta sa mga kaibigang babae.

The Non-Existent Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon