Chapter 3: Simula

1K 29 6
                                    


Unang araw ng klase.
Kaya ko ba toh? tanong ni Sahania sa sarili.
May 7:30 class siya pero alas singko palang ay bumangon na siya.
Ibang iba kasi ang Baguio sa bayan nila.
Sobrang lamig ng tubig at kailangan mong gumising talaga ng maaga para magpainit ng ipanliligo.
Napakaraming tumatakbo sa isip ng dalaga ngayon.
Wala siyang kakilala, hindi niya alam kung saan hahanapin ang W608 o kung anuman ang ibig sabihin nun.
Hindi niya mawari kung dahil ba ito sa nerbiyos, kung excited ba siya o anuman, hindi niya alam pero hindi talaga siya makatulog kaya nagdesisyon siyang bumangon nalang, nagluto ng noodles, nag-agahan at nagbihis.
Magkashare na sila ng pinsan niyang si Rita ng boarding house.
Mas maigi na din yun at ng makatipid.
Si Diane naman ay nagrerent sa building na katapat mismo ng unibersidad nila at magkasama nga sila ni Tiffany ng bahay.
Kahit papaano ay may kumonikasyon parin naman silang magkaibigan, hindi nga lang gaya ng dati pero kahit papano ay naguusap padin naman sila kapag nagkikita.

5 minutes na lakaran lang naman ang school sa tinitirhan niya kaya mas napadali kay Sahania ang pagpasok.
First Day ng klase ngayon.
Kung kinabahan siya nung enrollment nila ay doble pa ang kaba na nararamdaman ng dalaga ngayon.
Wala siyang kakilala, at di niya alam kung may mga makikilala ba sya agad at kung may mga magiging kaibigan ba siya or kung mababait kaya ang mga magiging kaklase niya.
Hindi niya din alam papaano puntahan ang classrooms nya kasi iba ibang buildings ang pupuntahan niya sa kada subjects niya.
Sa labas ng boarding house palang nila ay kita na ang matataas na buildings at sa main gate ang tatak na: UNIBERSIDAD NG SANTA LUCIA.
"Nakakaewan talaga kapag first day ng pagpasok!" nanginginig niyang sabi sa sarili nung mabungaran na niya ang madaming hagdan sa maingate ng unibersidad.
Lumapit siya sa lady guard na nakaupo at tinanong kung saan yung classroom niya.
"First year? Dito ka sa Waldo Building. Yun ibig sabihin ng letter W jan tapos 6 yung start ng number kasi sa 6th floor ka. Daan ka pa kaliwa sa likod ng school chapel." turo nito sa kanya.
Napatango siya. Yun pala ang ibig sabihin ng nakalagay sa schedule niya na W608 ang classroom niya.
Inexplain naman ng pinsan niya pero di niya na gets kasi hindi niya hawak ang schedule niya nung nageexplain ito.
Naglakad siya sa likod ng chapel tulad ng turo ng lady guard at pagtingin sa taas ay nakita niya ang pangalang WALDO BUILDING sa taas nito.
Tinignan niya ulit yung schedule niya, mga limang subjects ang nakalagay na letter W sa simula pero iba ibang floors. Pero meron namang nagsisimula sa J, sa letter G at letter H na buildings.
Lumaki ang mata niya.
"Grabe! Iba ibang buildings talaga yung mga subjects?? Ilang buildings ba meron ang school na toh?" sabi niya sa sarili.
Napatingin siya sa malaking orasan sa harap ng building at nakita na alas siyete na pala.
Dali-dali siyang pumasok sa building at mas nagulantang siya pagkakita sa hagdan paakyat.
Bigla siyang napaisip. Anong floor nga ba yung klase ko? tingin ulit sa schedule.
6th floor. SIXTH floor?!!!!! nanlalaki ang mata niya nung ma realize niyang nasa first floor siya at walang elevator.
Sa oras na yun ay gusto na niyang magwala pero hindi naman niya gustong ma-late sa unang araw ng klase niya.
Matinding takbo ang ginawa niya papunta sa classroom niya.
Kada floors ay kailangan niya munang habulin ang hininga niya.
Mukhang papayat ata siya ng wala sa oras.
Hingal na hingal siya at napabuntong hininga nung makita niyang nasa harapan na siya ng classroom niya.
"W608. Thank God." bulong niya sa sarili at saka tinignan ang phone. 7:20.
Napangiwi siya. "Twenty minutes akong nagpakahirap akyatin ang hagdan at nagpatigil tigil kada floors. 5 minutes lang pagpasok from bahay pero from first floor to sixth 20 minutes?!" naiinis na sabi niya sa sarili.
"Dito ka din ba?" tinaas ni Sahania ang ulo pagkarinig sa nagsalita.
Isang maputi at maliit na babae ang nasa harap niya.
Mas maliit ng kaunti sa kanya pero cute ito.
Tumango siya. Mukhang may kaklase na siya.
Marami silang nakatayo sa labas ng room, iniisip niya kung kaklase kaya niya mga ito.
Ngumiti ito sa kanya.
"Ako pala si Shimie. Information Management din ba ang course mo?" tanong nito.
"Oo. Halah magkaklase tayo! Information Management din ako." natutuwang sabi niya.
"Sa wakas may nakita din akong kaparehas ko ng course!" nakangiting sabi nito.
Nagtaka siya. "Bakit? Hindi ba tayo pareparehas ng course?" tumingin siya sa mga kasama din nilang nakatayo.
Wala pang pumapasok sa loob kasi wala pang teachers.
"Hindi eh, iba iba tayo ng course. Considered International daw kasi tong klase na to kasi konti lang ang Information Management students. Yung nakausap ko kanina, IT ang course, yung isa, Computer Science, yung isa BS Math tas Library Science. Basta halo-halo kasi ina allow lang daw na maximum 50 students sa isang block tapos mga sobra kasi late nag-enroll eh considered international na kaya walang block at napupunta nalang sa scheds ng mga students na bilang lang ang section like BS Math at Library Science. Yung iba naman, inulit yung subject kasi naibagsak." saad nito.
Napatingin siya sa paligid, sa tabi ng door ay may babaeng singkit at maputi, di niya alam kung korean o chinese, sa kabila naman may dalawang negro, sa gilid ay may mukhang Arabo.
Mukhang tama nga ang sinasabi nito pagdating sa international.
"Pano mo naman nalaman?" tanong ni Sahania.
"Kasi teacher ng School of Computing and Information Sciences ang uncle ko. Nagtuturo siya sa BS Math." paliwanag nito.
"Wow. BS Math. Siguro ang gagaling nila sa Math." aniya.
"Naman! Eh lima lang daw kaya ang first years ng BS Math ngayon!" bulong nito.
Magsasalita pa sana siya nung makita niyang nagsipasukan ang mga estudyante.
Dumating na yung instructor at di man lang nila namalayan.
Bigla siyang kinabahan.
Kilala kasi ang Unibersidad na maraming mga terrors na teachers.
Pagkaupo nila ay tumunog ang bell.
Umupo sila sa bandang harapan at may nakilalang isa pang kaparehas nila ng course at tumabi kay Shimie.
May babaeng maputi na maliit na naka salamin ang nasa harap.
Sa tingin ni Sahania ay isa itong Ibaloi, isang klase ng mga igorot na kinamamanghaan niya kasi magaganda at mapuputi kadalasan ang mga ito.
Inayos ayos lang nito ang mga dala dalang libro at saka binura ang mga nakalagay sa whiteboard.
May Binuklat na papel at pagkatapos ay isa-isang tinawag ang mga pangalan ng nasa classroom para sa attendance.
Pagkatawag ng pangalan ay sasagot lang ng Present.
Mas okay na yun para kay Sahania hindi katulad nung high school na dapat tumayo ka muna kapag tinawag.
Idagdag pa na kailangan nakalinya sa ilalim ng araw para sa flag ceremony.
As usual, dahil unang araw ng klase, marami ring absent.

The Non-Existent Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon