"Nia.."
Dahan-dahang lumingon si Sahania habang punong-puno ng luha ang kanyang mga mata at nakita niya ang malungkot na mukha ni Jadiel.
"I was there.."
Nanghina ang tuhod niya pagkarinig ng sinabi nito kaya bahagya siyang sumandal sa upuan na naroon.
"I have always been there, Sahania.."
Muli nitong sabi na papalapit sa kanya ngunit dahan-dahan lang na umaatras si Sahania.
"I'm sorry.. I-I've been trying to tell you about this I'm just not sure how to-"
Bago niya pa marinig lahat ng sasabihin ni Jadiel ay nagmadali na siyang lumabas sa silid na iyon.
Nakita niya si Daniel na nagmamadaling papunta sa kuwarto ni Jadiel.
Sinalubong siya nito."Sahania bakit..?" tanong sa kanya ni Daniel ng makita siyang umiiyak.
Hindi niya sinagot ang binata.
Umiling-iling lang siya at saka deretsong tumakbo pababa ng hagdan."What's wrong?!" nagtatakang tanong ng mommy ni Jadiel na napatayo ng makitang umiiyak siya.
Pati ang iba pang naroon ay nagulat din sa itsura ng dalaga.
Imbes na magsalita ay yumuko lang si Sahania at lumiko papuntang kusina para hindi niya madaanan ang mga ito sa sala.
Agad niyang binuksan ang pinto ng kusina papunta sa bakuran ng mga ito.
Hindi niya alam na may malawak palang bakuran sa likod at di naman sila nagagawi doon kasi puro sila pasyal sa labas.
Binilisan niya ang pagtakbo at nang may nakita siyang pahaba na upuan ay agad siyang umupo doon at sinapo ng mga palad niya ang mukha saka ipinagpatuloy ang pag-iyak.Ilang minuto lang siyang ganun.
Puro iyak.
Ambigat bigat sa dibdib ng sakit na nararamdaman niya.
Sobrang sakit na hindi na niya alam ang gagawin kaya pinalo-palo nalang niya ang dibdib.
Naninikip ang dibdib niya.'Bakit ganun? Hindi ko maintindihan? Ibig sabihin mahal niya din talaga ako?! Pero bakit hindi niya sinabi sakin?! Gaano niya pa ako katagal na kakilala?! Papano niya naiguhit lahat ng mga nangyari sakin nung bata pa ako?! Antagal-tagal kong inasam na sana mahalin niya din ako! Para akong tanga na akala ko isa akong taong hindi kailanman nag-eexist sa buhay niya! Tanggap ko na wala na akong pag-asa dahil hindi niya tinanggap ang pagmamahal ko pero ano ito?! Pinili niyang saktan ako! Inantay niya na maging kami ni Daniel tapos biglang ganito?! Hindi ko maintindihan!! Bakit ngayon lang Jadiel?! Bakit mo pinaabot ng ganito?! Bakit?!'
Gulong-gulo ang utak ng dalaga.
Nalilito na siya sa mga nangyayari sa pagkakataong ito.
Gusto nalang niyang iiyak lahat ng sakit at pagkalito na nararamdaman niya ngayon.
Ilang sandali pa ay nakaramdam siya ng malamig na ihip ng hangin.
Niyakap niya ang sarili.
Ang lamig.
Sobrang lamig.
Malakas ang hangin.
Pamilyar sa kanya ang ganoong pakiramdam.
Para bang nangyari na ito sa kanya dati.
Gusto niyang makita ang paligid.
Iminulat niya ang mga mata niya.
Malabo. Halos wala siyang maaninag.
Pumikit siya ulit. Punong-puno ng tubig ang mga mata niya.
Kinapa niya ang kanyang pisngi at naramdaman niyang basang-basa na ito sa kakaiyak niya.
Hindi tumitigil ang pagdaloy ng luha niya.'Ayoko ng ganito. Tama na! Hindi ko na kaya! Ayoko ng umiyak!' sigaw ng utak ng dalaga.
Sa kabila ng pag-iyak ay pinilit niyang muling imulat ang mata at sa wakas ay may naaaninag na din siya.
Bigla siyang natigilan.
Nakasuot siya ng puting damit. Nakaupo siya sa kahoy na upuan.
Teka. Totoo ba ito?
Pamilyar sa kanya ang lahat ng ito.
Sigurado siyang parang nakita na niya ito dati pa.
Pakiramdam niya ay nangyari na ito dati sa kanya.
Inikot niya ang kanyang paningin.
Para siyang nasa isang park.
Napapaligiran ito ng matataas na puno at halaman.
Naalala niyang nasa likuran siya ng bahay nila Jadiel na akala mong nasa isang parke siya dahil sa disenyo.
Natigilan siya ng may tumapat na dahon sa paanan niya.
Iniangat niya ang ulo at nakita ang mga nagsisilaglagang dahon galing sa puno ng mahogany.
Nakilala niyang parang panahon ito ng taglagas dahil halos mga walang dahon ang mga puno na naroon at may mga nagsisilaglagan na mga dahon na nililipad ng malakas na hangin.
Ang malakas na hangin ay nagbibigay ng malamig na pakiramdam.
Pumapatak ang luha sa mga mata niya pero bigla siyang natigilan at nanlaki ang mga mata.
Hindi siya maaaring magkamali.
Ito nga iyon.
Ito na nga ang nasa panaginip niya.
Ito ang lagi niyang nakikita sa panaginip na iyon at sa tuwing nagigising siya ay umiiyak siya at hindi niya maintindihan kung bakit.
Malinaw na ngayon sa kanya.
Pinapakita sa panaginip niyang iyon ang araw na ito.
Ngayon ay naiintindihan na niya bakit siya umiiyak at bakit ganun kabigat ang dibdib niya kapag nagigising siya.
Bigla siyang may naalala.
Kinusot niya ang kanyang mga mata at saka tumingin sa ibaba.
May papalapit.
Papunta ito sa kung nasaan siya.
Heto na nga siya.
Makikilala na niya kung sino ang lalaking laging nasa panaginip niya.
Narinig niyang nasa tapat na niya ito.
Nakita niya ang suot nitong sapatos.
Itinaas niya ng dahan-dahan ang paningin.
Nakasuot ito ng puting t-shirt sa ilalim at natatakpan ng itim na jacket.
Tinaas niya pang muli ang paningin.
Mas lalong nanikip ang dibdib niya at nagpatuloy sa pag-iyak nang mapagtanto kung sino ang nasa harapan niya.
Ang lalaking laging laman ng panaginip niya.

BINABASA MO ANG
The Non-Existent Me (COMPLETED)
RomansaSabi ng iba, sa ugali ka daw tumingin hindi sa itsura. Bonus na daw kung may nagmahal sayo na mabait na, gwapo pa. Ngunit para sa probinsiyanang kagaya ni Sahania ay panaginip lang na may lalaking gwapo na at mabait pa. Kung gwapo man, manloloko n...