Chapter 4: Pag-aasam

999 27 5
                                    

Nakatanga na naman si Sahania sa gilid ng kwarto niya.
Nakaugalian na ata niyang tumunganga magmula nung nakilala niya si Jadiel.
Bakit ba kasi ganun?
Hindi niya maintindihan kung bakit kahit anong gawin niya ay hindi mawala sa isip niya ang binata.
Pakiramdam ni Sahania ay matagal na niya itong kilala pero napaka imposible naman eh mukha nga siyang nakakulong sa ilalim ng bato sa probinsiya nila at sa barangay na pinanggalingan niyang malayo sa kabihasnan at ni minsan ay hindi niya pa ito nakikita.
Kilala niya ata lahat ng nakatira sa barangay nila sa liit nito.

Kasing labo ng pag-iisip niya ang kapal ng fog na bumabalot sa lugar na kinaroroonan ng boarding house nila.
Tag-ulan din kasi lalong lalo na sa buwan ng Agosto.
'Mabuti pa tong fog na to, kapag umaraw, maliliwanagan at magiging malinaw ulit lahat samantalang ang isip at utak ko, lumalabo na sa hindi maipaliwanag na nangyayari sakin.' malungkot na bulong niya sa sarili.

Pangatlong linggo na magmula nung magsimula siyang mag-aral sa Unibersidad ng Santa Lucia.
Taliwas sa inaasahan niya, hindi na niya naging kaklase pa ulit si Jadiel maliban sa MWF na English 1.
Pakiramdam niya tuloy ang tamlay tamlay niya kapag alam niyang Martes, Huwebes o Sabado na naman.
Tila isa siyang bipolar na bigla bigla nalang nagbabago ang mood at kapag MWF ay napaka masayahin at mabait samantalang nagbabago pagdating ng TTHS.
Wala siyang ibang inasam kundi ang sana ay MWF nalang lagi.
Napapansin niyang ambaba ng mga nakukuha niya sa ibang subjects.
Papano kasi, mas major pa niya kung focusan ang subject na yun kaysa sa major subjects niya.
Pagdating naman ng linggo ay sa chapel ng eskuwelahan nila siya nagsisimba, sinusubukan niyang naglalabas baka sakaling makita niya ulit ang binata pero wala parin.
Pakiramdam niya ay hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi niya nakikita ang binata.

----------
Naalala niya nung Miyerkules din ng linggong iyon ay late na naman ang guwapong binata.
Sobrang aga niyang pumasok ng araw na iyon.
Ewan kung dahil na din sa sobrang excitement niyang makita ang binata kaya alas siyete palang ay nasa harapan na siya ng classroom nila.
Nakatulong din na itinuro sa kanya ni Roseanne ang short cut papunta sa room nila, na pupwede pala siyang dumaan sa Gabriela Silang Building at tatawid sa ikalawang palapag nito at saktong 4th floor kaagad pagpasok sa Waldo Building. Hindi niya alam kung maiinis siya sa lady guard na hindi man lang tinuro sa kanya yun at kinailangan pa niyang maghagdan galing First Floor papuntang Fourth Floor.

Nakatayo at nakaabang lang ulit sila ng mga kaklase niya sa harap ng W608 na classroom nila ngunit kahit anong ikot ng ulo niya ay hindi niya mahanap ang binata.
Dumating naman ng maaga si Ms. Mapatac at pinapasok sila kaagad.
Dahil mas kumportable na sa isa't-isa ay nagtabi tabi silang mga babae sa gitna at may kanya-kanya din namang grupo ang mga ka-block nilang kalalakihan.
7:15... 7:20... 7:23... Hindi na mabilang ng dalaga kung ilang beses niyang tinignan ang relo niya.
Kinakabahan siya para sa binata dahil baka ma-late na naman ito at kung ano na ang gawing punishment dito ng instructor nila.
Pagpatak ng 7:27 ay tuluyang hindi na mapakali ang dalaga, nanginginig ang kamay niya at hindi na niya maipaliwanag ang nerbiyos niya kaya hindi na natanggal ang mukha niya sa pagkakaharap sa pintuan at kulang nalang magkanda haba ang leeg niya ay hindi padin dumarating ang binata.
'Ano ka ba Jadiel nasan ka na ba?' nag-aalalang sambit niya sa sarili habang napapakagat labi.
'Mag-aabsent ka ba?! Please let me know!' kausap na ng utak niya ang pinto na akala mo ay sasagot ito sa kanya.
"Sahania?"
Bigla siyang napabalikwas sa tapik sa kanya ni Shimie.
"Lumingon lingon ka naman girl, mababale na leeg mo kakatingin sa pinto." nakatawang bulong ni Mae Ann.
"Baka magka stiff neck ka niyan friend." pigil ang tawa na sabi ni Kristin.
"Chillax lang beb, itext ko na ba? Sabihin ko nag-aalala ka na?" pabirong sabi ni Aisa.
Kitang kita niya din ang hagikhikan nila Roseanne at Marykay.
Saka niya lang napagtanto na masyado na siyang pahalata sa mga kinikilos niya.
Para siyang tanga na nag-aantay sa lalaking kakakilala niya lang nung isang araw at ni hindi nga alam ang pangalan niya pero kung umasta siya akala mo pag-aari niya ito.
"Obvious na ba masyado?" nahihiya at pabulong na tanong niya sa mga ito at para silang mga robot na sabay-sabay nagtanguan.
"Hobby niya nga daw ma-late diba? Hayaan mo baka late lang yun." pagpapaliwanag ni Marykay sa kanya.
Kasalukuyang nagchecheck ng attendance si Ms. Mapatac nung bumukas ang pinto at iniluwa nito ang napakaguwapong binata na abot hanggang tenga ang ngiti.
Parang matutunaw si Sahania pagkakita sa binata.
Napawi lahat ng agam agam niya pagkakita sa mga ngiti nito.
Lumingon ang guro sa pintuan at saka tinignan ang relo sa braso.
"7:38. Hmmm. You are definitely not kidding when you said it's your hobby being late." sa pagkakataong ito ay makikita na hindi na natutuwa ang mukha ng guro ngunit nagtataka si Sahania kung bakit hindi parin napapawi ang ngiti ng binata.
"I'm sorry Ma'am. It's just that our house is far from here. I hope I can make it up to you though. What do I need to do as a punishment?" nakangiting sabi ng binata na hindi parin umaalis sa kinatatayuan sa may pintuan.
"Okay then. You are not 15 minutes late so you are not yet considered absent but since you are still late; Next time Mr. Rosario, I need you to bring your house here. How does that sound?" nakataas ang isang kilay nito pagkatapos sabihin ang huling linya.
Lahat sila ay nagtinginan sa guro, hindi nila mawari kung nagbibiro ba o seryoso ito.
Pero mas nasorpresa sila sa sumunod na sagot ng binata.
"Sure Ma'am. I'll try." mas lumaki pa ang ngiti nito at biglang taas ng dalawang kilay na tumango akala mo nang-aasar bago ito pumunta sa upuan sa likuran.
Tawanan ang buong klase.
Napatawa din ng malakas ang guro.
Walang nakakaalam na ganun ang katatakbuhan ng mga nangyare.
"This will be your last chance Mr. Rosario please do not be late again. Since you are late, answer the items on the board. All of it." sa pagkakataong ito ay nakangiti ng nagsasalita ang guro.
Tumayo lang ang binata at walang pakundangang sinagutan lahat ng nasa whiteboard.
Namangha ang lahat dahil akala mo hindi man lang pinagisipan ang mga sagot sa bilis niya sa pagsulat.
'Nice penmanship. Artist kaya siya? Ang ganda ng sulat niya.' sabi ni Sahania sa sarili.
Halos lahat kasi ng kakilala niya na magaganda ang sulat kamay ay mga magagaling din magdrawing.
Isa na doon si Daniel Barbosa.
Nakaramdam siya ng konting kirot pagkaisip sa binata.
'I almost forgot why I'm here. Nandito ako para mag-aral. Get a hold of yourself Sahania! Wag ka na namang magpakatanga! Tandaan mo, manloloko lahat ng mga lalake!' bigla siyang natauhan at ibinaling nalang ang sarili sa pagsusulat ng notes.
"Impressive Mr. Rosario, you got everything right. As long as you do well in my class and not be late again, I'm pretty sure you have a long way to go." pagpupuri ng guro sa binata.
Dinig naman ang bulungan ng lahat ng kaklase ni Sahania na halatang bumilib din sa binata.
"Taray! Brains and looks pa ata ang lolo mo." narinig niyang sabi ni Kristin.
Pero sa pagkakataong ito ay nananaig sa dalaga na huwag ng bumilib at magpadala sa mga naririnig.
Inisip nalang niya na English subject lang yun, isa pa, talagang nag-i English naman na kasi ang binata kaya natural lang na madali ito para sa kanya.
Natapos ang klase na ni isang lingon ay hindi na niya ginawa sa binata.
Nagpasalamat na din siya na hindi na ulit binanggit ng mga kaklase niya ang binata sa buong araw na iyon.
Pinilit niya na ding iwinaglit sa isipan ang binata at nag focus nalang sa hirap ng Algebra at Trigonometry subjects niya na hirap niyang intindihin kaya kinailangan niya pang magpaturo kay Roseanne.
Alas sais matatapos lahat ng klase ng dalaga ng araw na iyon pero nakatanggap siya ng text ni Rita na hindi ito kakain sa kanila dahil may lakad sila sa labas ng mga kaklase nito.
Napagdesisyonan niyang pumunta ng Glee Club Office upang humingi ng form.
Naalala niyang a week after next week na ang huling linggo ng audition at ni hindi pa niya alam kung anong kakantahin niya.
Dalawang linggo kasi ang palugit para sa mga gustong mag-audition dahil may pagtatanghal na magaganap sa mga susunod na buwan.
Naalala niyang nasa likuran ng gymnasium ang opisina at dahil doon sila na-orient sa college entrance exam ay alam na niya kung saan ito.
Nasa harapan na siya ng opisina nung ma-realize niya na baka sarado na pala ito.
Nabuhayan siya ng may marinig na boses ng chorale na kumakanta.
Mas nagkaroon siya ng lakas ng loob at kumatok.
May isang miyembro naman na lumabas at tinanong kung anong kailangan niya.
Inabutan siya ng form at nagpaliwanag sa mga kailangan niyang gawin upang makasali at nagbigay na din ng kaunting tips para sa audition.
Natutuwa siya na kahit papaano ay mukhang mababait naman ang members ng Glee Club sa unibersidad nila.
Pababa na sana siya ng may makasalubong siyang mga basketball players na nagsilabasan ng gym.
Mga varsity players ng basketball sa school nila.
Sasabay na sana siya pababa ng hagdan ng marinig niya ang usapan nila.
"Ang galing niya no? Para siyang professional kung umagaw ng bola." sabi ng maitim at matangkad na lalake.
"Kaya nga, nakita mo ba kung papano siya mag lay-up?" manghang tanong ng isa.
"Eh malamang! Varsity player na daw talaga yun dati pa sa Australia eh!" malakas na bawi naman ng maputing lalake na pinakamaliit sa kanila.
"Ano ulit pangalan niya? Jadiel?" tanong ng isa na nagpapanting sa tenga ni Sahania.
Napatigil siya sa paglalakad at inantay na makaalis ang mga ito at unti-unting pahina ng pahina ang usapan ng mga ito hanggang sa wala na siyang marinig kundi ang tunog ng pagdi dribol ng bola sa loob ng gymnasium.
May naiwan pang naglalaro.
Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ni Sahania at unti-unti siyang lumapit sa pintuan sa likod.
And there he is! With a big basket na puno ng bola at nagdidribol at saka iso-shoot ang bola.
Lalayo ng kaunti, iikot ikot na may kasamang pagdribol at saka itatama ang bola.
Walang sablay kahit isa.
Lahat pasok.
Parang wala lang dito ang pawis na tumutulo sa mukha nito sa pagod.
Hindi mapigilan ni Sahania na pakatitigan ng matagal ang binata.
Half-Australian, maputi, guwapo, magaling sa English, kumakanta at naggigitara, magaling sa sports!
'What else do I need to know about you Jadiel? Lahat nalang ba meron sayo? Why can't I stop myself from falling for you?' titig na titig ang dalaga dito.
'Sana pagdating ng araw mapansin mo din ako.' pag-aasam ng dalaga na kailanman ay hindi niya naisip na mangyayari sa isang lalaki na pilit nagpapabago ng nararamdaman niya.
Napagod ata ito at bigla siyang tumigil at itinungkod ang mga kamay sa tuhod.
Parang sa oras na iyon ay gusto niyang lapitan ang binata at punasan ang pawis nito gamit ang panyo niya.
Ang huling bola na pumasok sa basket ay napadpad papunta sa banda kung nasaan siya.
Nagtago siya sa pader ng mamalayang lalapit ito para kunin ang bola.
Nagmadali siyang tumakbo pababa ng hagdan at sa pagmamadali ay natapilok siya at namilipit ang paa.
"Araaay!!" napatili siya sa sakit pero pinigilan niyang lakasan dahil baka mahuli siya ng binata at sabihin pang stalker siya.
Mabuti nalang at naihawak niya sa pader ang kamay kundi tutumba na sana siya.
"Bes!!" nagulat siya ng marinig ang boses ni Diane.
Itinaas niya ang kanyang mukha at nakita niya ito at ang kanyang grupo.
"OMG! Are you alright?" malakas na tili ni Clara.
Agad siyang nilapitan ni Diane at inalalayan paupo sa may bandang gilid.
"What are you even doing here?" mataray na tanong sa kanya ni Tiffany.
"Kumuha ako saglit ng form sa office ng Glee Club." mahinang sagot ni Sahania.
"Eeew. Glee Club is like so boring the songs." maarte namang saad ni Sophie.
Gusto niyang icorrect ang grammar nito pero tumahimik nalang siya dahil ayaw niyang isipin ni Diane na iniinsulto nito ang barkada niya.
"I see, you really can't quit music bes." nakangiting sabi ni Diane.
"Diane here naman already auditioned for Tawag ng Tanghalan! Imagine! She's gonna be an actress na!" pagmamalaking sabi ni Tiffany.
Nagulat siya sa nalaman.
Hindi kasi tipo ng sumasali sa mga kung anu-anong grupo si Diane unless may plano siya or may benefit ito sa kanya.
"Makukuha ako for sure. I nailed my audition and I hope I get to have a main role. I just need to lose some weight." nagmamalaking sabi ng kaibigan niya na may kasama pang taas ng kilay.
Natuwa padin siya kahit papano dahil sa wakas ay nakikipaghalubilo na ito sa iba hindi kagaya ng dati.
"I'm happy for you bes." nakangiting sabi niya dito.
"Of course! You should be! Hindi lang naman kasi ikaw ang may talent sa atin." tugon nito.
Mukhang may laman ang sinasabi ng kaibigan ngunit hindi niya nalang ito pinansin at pinilit nalang niyang tumayo.
"Uuwi nako. Kailangan ko pa kasing magluto ng pang dinner ko." pagpapaalam niya sa mga ito na halos paika-ika ang paglakad.
"Sigurado bang okay ka na? If you are, then fine. We'll get going too. May hahabulin pa kami." anito at nakangiting tumingin sa kasama na nginitian din ng mga ito na parang may pagkakaunawaan at saka lumayo.
"Bye-bye!" sabay-sabay na sabi naman ng tatlo at saka sumunod kay Diane.
Hindi nalang pinansin ng dalaga ang mga ito.
Mabuti nga at nakita siya ng kaibigan at halata padin ang pag-aalala nito sa kanya.
'We are getting old. I guess people really change. Pati nadin ang friendship.' malungkot na sabi ng isip niya at saka nagpatuloy na naglakad pauwi.
Isa lang ang nasisigurado niya sa araw na iyon, mukhang unti-unti na ngang nahuhulog ang loob niya sa lalake na halos tatlong araw palang niyang nakilala at ni hindi man lang alam ng binata kung sino siya.
----------

The Non-Existent Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon