Chapter 1: Probinsiyana

3.7K 49 3
                                    


"Hoy Sahania delos Santos!"
Natatawang pagtawag ni Diane sa bestfriend niya.
Nakatanga ito sa kalsada na nakangiwi akala mo may nakikitang di maganda at di namalayan ang pagdating niya.
"Ikaw pala yan, bes." Naiiling na sambit ni Sahania.
"Anong nangyare?! Para kang engot jan." Sabi nito habang inaayos ang motor nito na ipaparada sa tarangkahan ng bahay nila Sahania malapit sa kalsada.

Sanay na sanay na si Diane na pumunta sa bahay nila Sahania na akala mo ay bahay na rin niya ito.
Ever since elementary ay mag bestfriend na silang dalawa.
Nangyari ito nung nag transfer si Diane sa elementarya na tinutuluyan ni Sahania.
Grade 5 na sila noon.
Wala siyang kakilala at halos lahat ay binubully siya kasi mataba siya at maitim.
Lagi siyang inaalaska ng ibang mga estudyante kasi masyado siyang close sa mga teachers dahil sobra siyang madaldal at kesyo pasipsip daw sa mga teachers.
Si Sahania naman ay isang sobrang tahimik at mahiyain na bata.
Pumapasok ng sobrang aga sa school para lang maglinis.
Kahit na tahimik na tao si Sahania ay hindi nya gustong may nakikitang inaapi at kinakawawa.

Isang araw na naglilinis siya ay nakita niyang tinulak ng kaklase niya si Diane, lumapit sya sa mga ito at sinuway ang mga kaklase niya at pinagtanggol si Diane.
Pinatayo niya ito at pinagpagan ang palda na nalagyan ng damo at lupa.
Magmula nun ay nangako sila sa isa't-isa na magiging mag bestfriend sila at ipagtatanggol nila ang mga sarili nila sa ibang taong aapi sa kanila.

Ngumiwi ulit si Sahania.
"Eh kasi naman bes, ayan na naman yung bombay na nagbebenta ng kumot ke mama pinipilit na mukha daw talaga akong bombay. Kinausap ba naman ako sa salita niya eh di nganga ako!". Nakabukas ang dalawang palad ni Sahania habang nagkukwento.
Natatawa nalang si Diane sa kaibigan.
"Eh sa totoo naman kasing mukha ka talagang bombay bes, kulay palang! Hahaha!" sabay takbo papasok ng bahay.
"At ikaw pa talaga may ganang magsabi niyan ah! Parehas kaya tayong maitim!" Natatawang sabi ni Sahania habang hinahabol ang kaibigan papasok sa bahay nila.

Hanggang High school ay laging magkasama ang dalawa.
Madaming nagsasabi na exact opposite silang dalawa.
Na isang anghel si Sahania at isang bad influence si Diane para sa kanya.
High School palang kasi ay nakailang palit na ng boyfriend si Diane.
May boyfriend sa text, may boyfriend sa personal, may boyfriend online.
Si Sahania ang Chairwoman ng Religious Organization sa school nila at si Diane naman ang worst enemy ng lahat ng mga babae at ng mga ex niya.
Prangka kasi ito at kapag ayaw niya sayo ay dederetsuhin ka niyang sasabihin na ayaw niya sayo.
Walang pakundangan.
Nasanay kasi siya na nakukuha niya ang gusto niya.
Kapag naloko ng lalaki si Diane ay laging kay Sahania tatakbo at iiyak.
Eto namang si Sahania ay todo suporta sa kaibigan.
Kaya natuto siyang mag-isip na maski pangit man o gwapo ang lalaki ay manloloko padin dahil sa iba't-ibang klase ng lalaki na naging boyfriend ng bestfriend niya ay nangako siya na mas magandang manatili na NBSB nalang (No Boyfriend Since Birth).
Madali kasing naiinlove si Diane, at lagi namang niloloko, nainlove sa gwapo, pinagtripan lang pala siya, umibig sa pangit, na double time naman sya.
Lagi niyang pinagsasabihan ang kaibigan na wag magtiwala sa mga lalaki para hindi masaktan ngunit kahit anong sabi niya ay laging sinasabi nito na nagmahal lang siya.
Ayaw ni Sahania na magaya sa bestfriend niya.
Ayaw niyang masaktan.
Umiyak ng paulit ulit dahil sa mga lalaki.
Ang motto niya: Sa ihi lang dapat kiligin!!

Maraming nagkakagusto sa kanya kahit na maitim siya at pandak.
Hindi niya rin alam bakit may mga nagkakagusto sa kanya.
4'11" ang height niya, maitim siya pero hindi naman siya negra, madaming humahanga sa kulay niya dahil kayumanggi na bumabagay sa itsura niya at hindi madumi tignan dahil pantay pantay din ang kulay at makinis.
Ang hindi niya lang maintindihan ay isa siya sa mga matatangkad nung nasa elementary palang sila ngunit habang tumatanda ay tumigil na ang paglaki niya.
Madalas tuloy siyang tinutukso na Gloria Arroyo sa height niya.
Medyo chubby siya ngayong high school pero hindi niya kasing taba si Diane.
Siguro kasi dinadaan niya sa pagkain kapag stressed siya.
Matangos ang ilong niya at maliit ang labi.
Madaming nagsasabi na maganda yung mata niya, mahahaba ang mga pilik mata pero may maitim na nakapalibot sa ilalim ng mga mata niya, akala mo pinanganak na may eyebags.
Madaming nagsasabi na features nya ay isang Indiana o Bombay dahil sa mata nya.
Nag-iisa siyang anak kaya sobrang strict ng parents niya sa kanya.
Kapag lalabas ay kailangang may magpapaalam pa muna at kung pwede ay may matanda pa na kasama.
Pero lingid sa kaalaman ng magulang niya ay lagi silang tumatakas na maligo sa ilog kasi ilang kilometrong lakaran lang yun sa school at minsan ay nagka cutting classes sila para umakyat sa mga puno ng duhat at manguha ng bunga nito.
Kaya siguro sobrang nangingitim sila kasi sa kakababad sa ilog at kakapasyal sa mga palayan.
Sa loob loob ay nakukonsensya siya na nagagawa niya ang mga ito na hindi alam ng mama at papa niya pero masaya kasi siya kapag nagagawa niya ito.
Mabuti nalang at naipapasa naman niya lahat ng klase niya.
Kahit papano ay nasa top 10 sya nung elementary, kaibahan lang ay mas mataas ang rangko ni Diane dahil mas makompitensya at maimpluwensiya ito. Ayaw nito na nalalamangan siya.
Ngunit lagi naman siyang sinasabihan ng nanay niya na "Your grades does not define who you will become in the future."
Nature lover din kasi siya at wala siyang paki kahit mangitim na nakababad sa ilalim ng araw.
Ni maki overnight kila Diane ay hindi siya pinapayagan ng nanay niya kesyo hindi daw safe.
Madalas kasing nananaginip si Sahania ngunit agad niya ding nakakalimutan.
Ang paulit-ulit lang niyang napapanaginipan ay yung nakaupo siya sa kahoy na upuan sa isang park na pinalilibutan ng mga kahoy at matataas na bakod na siguradong ni minsan ay hindi pa niya nakikita sa tanang buhay niya habang nakasuot ng puti at umiiyak tapos lalapitan siya ng isang lalaki na paggising niya ay di na maalala ang mukha.
Nung una niya itong napanaginipan ay malinaw pa ang mukha ng lalaki hanggang unti-unti ay hindi na niya ito maaninag sa paulit ulit na panaginip niya.
Gusto niyang nakakatabi ang bestfriend upang kada pagbangon ay kinukwento niya ito sa kaibigan ngunit hindi payag ang mama niya na nakikitulog siya sa ibang bahay kung malapit lang naman ang bahay nila.
Hindi daw magandang ugali makitulog sa ibang tao, etc.
Kaya si Diane mismo ang pumupunta sa bahay nila para makitulog kasi hiwalay na ang mga magulang ni Diane at nasa ibang bansa ang mama niya pero hindi siya kinikilala ng tatay niya.
Kaya din siguro nakaramdam ng awa si Sahania sa kaibigan kasi pakiramdam nito ay lagi itong naghahanap ng magmamahal sa kanya.
Sa sobrang pagka close nila ay Mama na din ang tawag ni Diane sa mama niya.
Pinalaki siyang relihiyosa ng mama niya.
Nanalo din siyang youngest member ng Apostle of Prayer sa edad niyang Katorse anyos.
Oo, apostolada ang tawag sa kanila.
Mga matatanda sa probinsiya na nagdadasal sa mga patay at sa simbahan, mga nakabelo at nakasuot ng pula na may picture nila Mama Mary at Jesus Christ.
5 years old palang siya ay sinasama na siya ng mama niya sa mga dasal dasal at paglilibot ng rebulto ni Mama Mary, Jesus Christ at iba pang Santo kapag Holy Week.
Meron din siyang napakagandang boses kaya lagi siyang kumakanta ng solo sa simbahan at andaming namamangha sa boses niya kahit mga iba't-ibang pari na bumibisita sa parokya nila.
Madaming nagsasabi na mukhang magiging madre siya paglaki niya.
Epekto na din siguro na nakatira sila sa probinsiya sa bayan na kung tawagin ay Barangay Kapya.
Magkakakilala lahat ng mga tao, na kung saan wala man lang internet at laging walang kuryente.
Hindi uso ang Facebook, Twitter, IG at Youtube.
Pero ang chismis ay kasing bilis pa ng fiber internet connection kung kumalat.
Karamihan ng tao ay mga magsasaka at nakikisaka sa mga lupa ng mga mayayaman.
Kapag may konting business ka at medyo malaki ang bahay niyo ay considered may kaya ka na.
Simple lang ang bahay nila Sahania.
Isang bunggalow na may tatlong kwarto at dalawang CR na magkalapit.
Tiga repair ng mga gamit ang papa niya, tipong butingting everything mapa ref, tv, radyo, cellphone, kung anu ano at mananahi naman ng damit ang mama niya.
Dahil nag-iisa siyang anak ay madaling natutustusan ng mga magulang niya ang kailangan niya.
Meron silang maliit na bukid na pinapasaka at sa estado ng buhay nila ay considered na may kaya na sila sa lugar nila.
Taliwas sa kanya, si Diane naman ay literal na mayaman.
Nabibili lahat ng gusto, nasa ibang bansa ang mama niya at manager ng isang restaurant sa Italya.
Malaki ang bahay nila, may sariling sasakyan na nakapangalan sa kanya, motor at ilang ektaryang lupain.
Pinatapon siya sa malayong probinsya kasi hindi siya tinitigilan ng papa niya na lasenggo na huthutan ng pera kahit sa lagay na yun ay hindi siya tinatanggap ng tatay niya.
Na anak daw siya ng nanay nya sa ibang lalake kaya kailangan at obligasyon nilang bigyan siya ng pera.
Sa lahat ng meron siya ay hindi masaya si Diane, si Sahania lang ang tinuturing niyang tunay na kaibigan at mahirap siyang magtiwala sa tao dahil maski lola niya na nagaalaga sa kanya ay pera niya lang ang habol.
Wala siyang ibang tinuturing na kaibigan kundi si Sahania lang dahil alam niyang yung mga lumalapit na nagsasabing kaibigan niya ay gusto lang din siya dahil may pera siya.

The Non-Existent Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon