Chapter 7: Ang Kahihiyan

797 28 0
                                    

"Thank you so much po mama, papa!" abot tenga ang ngiti ni Sahania pagkakita niya sa computer set na nasa harapan niya habang hawak hawak ang cellphone na de keypad at kausap ang mga magulang. Nalaman niya kay Rita na pinadala ito ng mga magulang niya. Balot pa ng madaming styro at bubble wrap pero pinagtiyagaan itong ayusin ni Rita sa kwarto nila para surpresahin siya bilang pakiusap ng mga magulang ni Sahania. Hindi niya inasahang bibilhan siya ng computer ng mga magulang.
"Mabuti naman at nagustuhan mo anak. Pinaghirapang ipunin ng papa mo ang pinambili diyan kaya sana ay alagaan mong maigi." parang sumisigaw na sabi ng kanyang ina.
"Idagdag mo pa yung shipping fee!"
narinig niyang pahabol ng papa niya sa phone. Parang mga bata ang mga magulang niya kung mag-agawan para lang makausap siya sa phone. Hindi din kasi sanay humawak ng cellphone ang mga ito kaya kapag kausap siya ay parang mga ibang matatanda na tipong napakalayo ng kausap kapag may kausap sa phone.
Napawi ang mga ngiti sa mukha ng dalaga.
"Hindi niyo po ba kailangan yung perang pinambili dito? Sayang naman po. Ayos lang naman po kahit di niyo po muna sana ako binilhan." paliwanag ng dalaga.
"Anak, wag mo ng tanggihan. Computer course ang kinuha mo kaya magagamit at magagamit mo yan. Ayoko namang dumating ang araw na nagpupuyat ka sa may computer shop para lang gumawa ng project o assignment mo." sabi ng kanyang ama na sumunod sa mama niya na humawak sa cellphone.
"Ay hindi ko po tinatanggihan Pa! Haha." biglang bawi ng dalaga.
"Ang sakin lang po kasi, kung kailangan niyo po yung pera dapat ginamit niyo na po muna kesa bilhan ako ng computer kasi di pa naman po ganun kaimportante kasi halos minor subjects palang naman po ang course ko." pagpapatuloy ng dalaga.
"Wag mo na kasing isipin ang pera nak, ang importante, pagbutihin mo ang pag-aaral mo." seryosong tugon ng kanyang ama.
Binawing muli ng mama niya ang cellphone sa kanyang ama.
"Anak, parang di mo naman kilala ang papa mo. Lahat naman gagawin niya para sa nag-iisa niyang anak." sabi ng mama niya.
"Siyempre naman! Prinsesa ko yan eh!" narinig niyang sigaw ng papa niya.
Natawa siya. Hindi kasi siya sanay na nilalambing ng papa niya ng ganun.
Nasanay kasi siyang seryoso lang lagi ang ama kaya parang ang sarap pakinggan na tawagin siyang prinsesa ng papa niya.
"Oh sige na anak. Magpahinga ka na at anong oras na. Tatawag ulit kami sa susunod. Pag igihan mo ang pag-aaral. Mag-ingat ka palagi jan ha?" bilin ng mama niya.
"Okay po. Goodnight ma, goodnight pa. I love you po!" malambing niyang sabi.
Narinig niya ang pag-i love you too na sabay ng mga magulang bago niya ibinaba ang tawag.
Nangingiti ngiti si Sahania habang hinahaplos haplos ang table ng bago niyang computer set.
Pakiramdam niya ay napaka suwerte niya sa mga magulang niya.
Kahit wala pa silang naka kabit na internet ay alam ng dalaga na isang napakalaking tulong ng computer set na binigay ng magulang para sa pag edit niya sa mga assignments at projects.
Idagdag na din na nageenjoy siya sa Multimedia subject nila lalong lalo na ang photo manipulation sa photoshop na hindi niya natutunan nung high school dahil mas basic pa sa basic ang tinuturo sa kanila sa baranggay nila.

Nasa second year na siya sa kolehiyo at sobrang pinagiigihan niya ang pag-aaral niya.
Bahay-eskwelahan lang siya at kahit inaaya siyang lumabas ng mga kaklase at kasama niya sa Glee Club ay hindi siya sumasama.
Ipinangako niya sa sarili niya na magfofocus siya sa pag-aaral niya at inaasam na sana ay makapasok siya bilang Dean's Lister.
Kahit na hirap na hirap siya sa Math subjects nila ay hindi kasama sa vocabulary ng dalaga ang pagsuko.
Ginagawa niyang inspirasyon ang mga magulang sa pag-aaral at pati nadin naman si Jadiel na lagi niyang pinapaalala sa sarili kung anong rangko nito.
Sa pagkakaalam niya ay natuwa rin ang magulang niya sa kanya dahil kung hindi perfect ang mga assignments at quizzes niya ay isa naman siya sa mga may nakukuhang matataas na scores.
Maganda ang pasok ng ikalawang taon sa kolehiyo ng dalaga.
Madaming namangha sa laki ng pagbabago sa itsura niya.
At dahil dito ay hindi maitatatwang andami ding nagpaparamdam sa kanya ng pagkagusto.
Sa wakas ay hindi na siya baduy manamit.
Sa una ay medyo nagtampo ang mama niya na hindi na niya sinusuot ang mga ginagawa nitong improvised na mga damit niya pero naglaon ay naintindihan din siya ng mama niya at binilhan pa nga siya ng mga trendy na damit nung pasko.
Hindi parin pero nawala ang usapan na kailangan niya padin isuot ang mga ito kaya kada nasa bahay siya ay baduy paring manamit ang dalaga.
Sa buong bakasyon ay pinagtuunan niyang mag-jogging.
Ginagawa niya rin ang mga simple work outs na nasa tablet ni Roseanne na pinahiram nito at sobrang nakatulong naman sa kanya.
Sa unang beses niyang ginawa ay parang gusto niya kaagad sumuko dahil sa kada gigising siya sa susunod na araw pagkatapos magtatakbo ay hindi niya halos maigalaw ang buong katawan sa sobrang sakit na akala mo binubogbog ang katawan niya.
Inaalagaan niya ng maayos ang balat niya at medyo pumuti na din siya dahil halos hindi naman siya lumalabas ng bahay.
Hindi nga lang sobrang maputi ngunit ayos na rin sa dalaga ang kulay dahil nakadagdag lang ito sa magandang kulay niya na lalong nagpalitaw ng kagandahan niya.
Hindi naman niya talaga balak magpaputi, sadyang nadadala lang siya sa mga sinasabi ng mga kaibigan at sa pag oobliga ng mga ito sa kanya upang magpaputi.
Para kasi sa kanya ay ayos na ang kulay niya dahil iyon kadalasan ang kinaiinggitan sa kanya.
Bagay na bagay kasi sa dalaga ang pagka kayumanggi na kulay niya.
Sobrang nakatulong din ang mga ibinigay sa kanya nina Marykay at Roseanne para sa skin care niya at umayos na din ang dating buhaghag na buhok na ngayon ay medyo wavy nalang.
Ang hindi lang nawala sa dalaga ay ang katakawan niya sa pagkain.
Ika nga ng iba "food is life".
Hindi mapigilan ng dalaga ang kumain.
Mabuti nalang at nakakatulong ang exercises na ginagawa niya kaya bumilis ang metabolism niya.
Pumayat siya ng sobra kaya nakatulong sa paghubog ng katawan niya.
Mas nagpursige ang dalaga nung malaman niyang kaklase na naman niya si Jadiel sa isa sa mga minor subjects niya at ito ang Political Science na subject nila.
Nalungkot lang siya sa unang araw ng klase ng malaman niyang nagtransfer na ng eskwelahan ang isa sa mga babaeng kaklase at kaibigan niya na si Kristin. Lumipat na kasi ito sa Tarlac kung saan talaga ang probinsiya nila.
"Mamimiss ko ang kakulitan mo." malungkot na sabi ni Marykay ng araw na magpaalam si Kristin sa kanila. Nasa computer laboratory sila noon at dahil kilala ng teacher ay pinapasok padin si Kristin.
Kinuha kasi nito ang mga papers na kailangan para sa pag transfer nito.
"At ang pagiging taklesa mo." nangingiti na sabi ni Shimie.
"Wala ng makikipag-away para sa amin." sabi naman ni Mae Ann.
"Wala ng laging beastmode." natawang sabi ni Sahania.
"At tsismosa!" biglang singit ni Aisa.
Nagtawanan silang lahat.
"Grabe ka namang makapagsabi ng tsismosa sakin! Bugbugin kita jan eh! Tandaan mo ikaw pinakamaliit sating mga babae dito!" tumatawang sabi ni Kristin dito.
Dumila lang si Aisa dito.
"Hindi naman siya tsismosa. Medyo nosy lang siya pero mabait naman." singit ni Roseanne sabay labas ng mga ngipin kasabay ang nakakalokang ngiti.
"Isa ka pang intsik ka eh!" sabi ni Kristin na akmang papaluin ito sa braso pero nakatawa itong umiwas.
"Teka, anong noisy?" biglang singit ni Aisa.
"Hahaha! Nosy yun tol hindi noisy!" pagtatama ni Roseanne dito.
Nagtawanan silang lahat. Hindi man naintindihan ni Aisa pero nakitawa nalang din siya.
Wala namang paki ang mga lalaking ka-block nila dahil kasalukuyang pinagkakaguluhan nila ang mga action figures na dala ni Bryan. Mga mahihilig kasi sila sa anime.
Masaya si Sahania sa kasalukuyang circle of friends niya.
Malungkot man na hindi na niya nakakausap si Diane pero alam ng dalaga na mahirap ng ibalik sa dati ang samahan nilang dalawa.
Tuesday ng araw na iyon at meron silang dalawang oras na break bago ang susunod na subject.
Bago umuwi ay niyaya muna sila ni Kristin na kumain sa isang fastfood restaurant.
Masaya ang lahat na magkwentuhan.
Sobrang dami naman ng nakain nila at may kasunod pang malamig na dessert.
Habang kumakain ng dessert ay biglang naramdaman ni Sahania ang pagkulo ng tiyan niya.
"Oh shoot napadami ata ang kain ko." nagaalalang sabi niya sa mga kasama.
Halos napapangiwi na siya sa sakit.
"Ayos ka lang ba friend?" nagaalala namang sabi ni Kristin sa kanya.
"Nabigla ata tiyan mo tol kasi naman naka diet mode ka at nag jogging pa nung umaga tapos andami dami mong nakain ngayon." sabi ni Mae-ann sa kanya.
Parang biglang nagsisi si Sahania sa dami ng kinain niya.
"Kailangan mo bang mag cr? Meron dito." nanunukso na sabi sa kanya ni Rio.
"Baka kailangan lang iutot?" natatawa namang sabi ni Drexelle.
Tawanan silang lahat pero si Sahania ay halos hindi na maipinta ang mukha.
"Sorry guys pero mukhang Number 2 na to!" natatawa pero nagaalalang sabi niya sa mga kaibigan.
"Anong Number 2?" tanong ni Aisa.
"Number 1 kapag naiihi." pagpapaliwanag ni Marykay.
"So kapag sinabi mong Number 2.. meaning...?" may pagtaas ng intonasyon na sabi ni Roseanne habang kumikindat sa iba na agad namang naintindihan ng mga ito.
"Kung ako sayo Sahania mag-cr ka na dito malinis naman." concern na sabi sa kanya ng maliit na si John.
"Mag-cr ka dito kung gusto mong paglabas mo sikat ka na! Dinig na dinig kaya sa katabi mong cubicle kapag iihi ka papano nalang kung?" natatawa si Shimie.
"Anong oras na ba?" hindi mapakaling tugon ni Sahania.
"2:25 na. Alas tres ang klase natin. Bilisan mo may ilang minutes ka nalang!" sabi ni Roseanne at hinawakan siya sa kamay.
"Ayos lang ba kung mauna nako? Pasensiya ka na. Hindi ko na talaga kaya eh." pagpapaliwanag niya kay Kristin.
Natawa ito sa kanya.
"Sige na baka lumabas pa yan bago ka makarating!" tumatawang sabi nito.
Agad na tumayo si Sahania at walang lingon lingon na tumungo siya sa pintuan.
Mas lalo atang lumala nung pagtayo niya dahil naramdaman niyang naglabas ng hangin ang puwet niya.
'Shoot! Hindi ito maaare! Wag naman ganito Lord!' parang maiiyak na pagdarasal ni Sahania sa sarili.
Mabuti nalang at mahina lamang ang lumabas.
Ngunit parang hindi ata gustong makipagkasundo ng tiyan niya dahil mas lalo siyang nangiwi sa naramdaman niyang sakit.
Hindi niya alam kung mabubwisit siya o hindi dahil sa kada paghakbang na gagawin niya ay sabay din ang paglalabas niya ng hangin.
Nakakabawas sa sakit ang paglalabas niya ng hangin sa puwet ngunit sa kada paglakad niya ay kailangan niyang ipitin ang pag utot upang hindi ito masyadong marinig.
Mabuti nalang at maingay sa daan ang mga nagsisilakaran at hindi naririnig ang pag-utot niya.
Pinagpapawisan na siya ng malamig.
Ang limang minuto na paglalakad pauwi sa bahay nila ay akala mo may forever sa sobrang tagal at naging mas malayo pa kasi hirap siyang maglakad.
Kada hakbang kasi ay may lalabas.
'proot proot proot'
'Nakakainis naman bakit ngayon pa!' tugon niya sa sarili. Parang gusto niyang pagalitan ang sarili.
Hindi ito ang unang pagkakataon na makaramdam siya ng ganitong kahihiyan.
Una ay nung hindi niya mapigilan ang pag-ihi niya habang nasa byahe at sa pagmamadali ay nakalimutan niyang kumuha ng barya at napilitan pa siyang kapalan ang mukha makahiram lang ng limang piso sa taong hindi niya naman kilala.
Ngayon ay ito naman.
Naiinis na ang dalaga sa Number 1 at Number 2 na yan lagi siyang napapahamak.
Sa lagay na ito ay wala ng pakialam si Sahania kung naririnig man ng iba ang pag utot niya.
Hiyang hiya sya at sinuot ang hood ng jacket niya saka yumuko sa kahihiyan.
Parang walang katapusan ang nilalakad niya hanggang sa narating niya ang tatawiran na eskenita bago makarating sa boarding house.
Tinanggal na din niya ang jacket na suot dahil hindi na niya kaya ang init na nararamdaman kahit pinagpapawisan siya ng malamig sa pagpipigil ilabas ang kung anumang sama ng loob ng katawan niya.
'Sa wakas malapit nako' sabi niya sa sarili at saka pumasok ng eskinita.
Nagulat siya ng pag-angat niya ng mukha ay may dalawang magkasintahan na naghahalikan ilang metro lang ang layo sa kanya.
Matindi pa, dahil eskinita iyon ay wala siyang ibang choice kundi ang madaanan ang mga ito.
Napansin ata ng magkasintahan na may taong dadaan kaya agad naghiwalay ang mga ito sa pagkakayakap sa isa't-isa at agad nagsigilid upang makadaan si Sahania sa gitna.
Agad na naglakad ang dalaga sa gitna ng dalawa ngunit hindi niya inasahan ang mga susunod na mangyayari.
'Proooooooot'
Saktong paghakbang ng dalaga sa mismong gitna ng magjowa ay napatigil siya.
Nakita niya din na nanlaki ang mga mata ng magkasintahan sa magkabilang gilid niya.
Isang malakas na utot ang kumawala at hindi na napigilan pa ng dalaga.
Pawang natigil ang lahat.
Sa pagkakataong iyon ay parang gustong gusto ni Sahania na maglaho nalang sana na parang isang bula o di kaya ay sana panaginip lang lahat ng nararanasan niya ngayon.
Nilakasan niya ang loob at tumakbo nalang dahil tanaw na niya ang boarding house nila.
Ang pangit lang, kada malalaking hakbang niya ay malalakas na sunod sunod na utot din ang kumawala.
Rinig na rinig ni Sahania ang malalakas na tawa ng mga magjowa na nadaanan niya ngunit hindi na niya nilingon ang mga ito.
'Lord naman? Pwede bang gawin niyo nalang panaginip lahat ng ito?' parang maiiyak na si Sahania sa sobrang kahihiyan.
Sa buong oras niya sa CR ay nagdadasal siya na sana ay hindi siya mamukhaan ng mga ito.
"Haays sa wakas." napangiti niyang sabi pagkatapos.
Tinignan niya ang oras at saka siya nagmadali ng makitang tatlong minuto nalang bago ang susunod na klase niya.
Masaklap pa! Political Science subject yun!
Patakbong lumabas ng bahay si Sahania ng muli siyang matigilan at makitang muli ang dalawang magkasintahan sa may eskinita.
'Eish! Bakit ba hindi pa sila umaalis! Kainis naman oh!' bulong ni Sahania sa sarili.
Kung maaari lang na sa pagkakataong iyon ay lumipad nalang sana siya upang makarating sa eskwelahan ay ginawa na niya.
Nanlulumo at dahan dahan siyang dumaan sa gitna ng mga ito.
Hindi na niya gustong lingunin pa ang mga ito.
Para makalusot ay gumawa siya ng maingay na tunog gamit ang bunganga niya.
Naglalabas siya ng malalakas na tunog gamit ang bunganga niya sa pagpapalubo ng pisngi niya at pagbuga ng hangin para maglabas ito ng tunog na akala mo utot.
Sa loob loob ng dalaga ay sana maisip ng mga ito na galing sa bunganga niya ang tunog na narinig ng mga ito kanina.
Ngunit tila walang kwenta ang strategy ng dalaga dahil pagkalagpas niya sa mga ito ay dinig na dinig niya pa din ang mga mahihina nilang pagtawa.
Hindi niya nalang pinansin ang mga ito at agad na nagtungo papunta sa eskwelahan nila.
Wala naman siyang magagawa dahil kahihiyan na talaga ang nangyari sa kanya.
Ang nasa isip niya nalang ngayon ay sana maunahan niya si Jadiel dahil nakakahiya kapag mas late pa siya dito.
Not that it will make any difference kasi as if naman mapapansin siya ng binata.
Sa bilis ng pagtakbo ni Sahania ay hindi na niya namalayang nasa harapan na pala siya ng classroom nila.
Bubuksan na sana niya ang pinto pero natigil siya ng tumabi sa kanya si Jadiel at muntikan na nitong mahawakan ang kamay niya dahil akma din nitong bubuksan ang pinto.
Biglang nagsiunahan ang malalakas na pintig ng puso ng dalaga.
Nagbitaw siya at tinignan ang binata ngunit hindi naman ito tumingin sa kanya.
'Oh well. Asa pako kung makipagtitigan siya sakin' sabi niya sa sarili.
Nanliit siya sa sarili sa tangkad nito.
Para kasing mas lalo pa itong tumangkad.
Binuksan nito ang pinto at lahat ng mga naroon ay napatingin sa kanilang dalawa.
Kitang kita ni Sahania ang gulantang na itsura ng mga kaibigan.
Hindi niya mapigilan ang pagngiti.
Namula ang pisngi niya sa kilig.
Napawi ang ngiti niya ng magsalita si Mr. Diaz, ang PolSci instructor nila.
"Late again, Mr. Rosario! Sa susunod ata magpapa surprise quiz nako sa start ng klase para agahan mo lang pumasok eh." naiiling na sabi nito.
"I'm sorry sir, something came up. I'll make it up to you." nakangiti namang sabi ng binata dito.
"Surprise me with a 99 grade for finals then." sabi naman ng guro at tumango lang ang binata.
Muling namangha si Sahania.
'Grabe! Kung makatango parang ang dali dali lang magkaron ng 99 na grado ah!' sabi niya sa sarili habang nakatingin sa binata.
"And what about you, Miss?" bigla siyang napabalikwas ng mapunta sa kanya ang atensyon ng guro.
"M-miss d-delos S-santos si-sir!" nauutal utal na sabi niya.
Hindi na nga siya kilala ni Jadiel, hindi pa siya kilala ng teacher nila.
Tindi namang buhay to, oo.
"Okay Miss delos Santos, why are you late?" napabaling sa kabila ang ulo nito pagkatapos magtanong.
"Ah eh.. S-sir kasi.. uhmm.." hindi makapagsalita ang dalaga.
Papano ba niya ipapaliwanag kung ano ba talagang dahilan bakit siya na-late?
Muli na sana siyang magsasalita ng marinig niya ang boses ni Aisa.
"Ay sir! Kasi po nag number 2 siya kanina!" napatingin ang lahat dito.
pakiramdam ni Sahania ay gusto na niyang tumalon at takpan ang bunganga ng kaibigan.
"Number 2?" tanong ni Mr. Diaz.
Binuksan ni Sahania ang bunganga ngunit nag-init ang ulo niya sa mga sumunod na sinabi ni Aisa.
"Kasi po sir, kapag iihi, Number 1 yun. So kapag number 2. Alam mo na yun sir!" paliwanag nito at rinig na rinig sa buong building ang tawanan ng buong klase.
Gustong gusto nalang sana ni Sahania na maglaho na parang bula sa harap ng lahat.
Ano nga bang meron sa araw na iyon at parang puros kahihiyan nalang ang natamasa niya.
"That's a very nice trivia. At least we can all relate to what Number 2 is now." tawang tawang sabi ng guro nila.
"Alright Miss de los Santos, because you made our day, I will let it pass this time. As punishment, you and Mr. Rosario here would have to erase the board after class. You may now sit down." sabi nito at saka tinuloy ang pagsusulat.
Nilingon niya ang binata at nakita niyang nakatingin ito sa kanya na parang may pinipigil na tawa bago umupo sa upuan nito.
Nanghihinang naupo si Sahania sa upuan niya.
Hindi niya alam kung matutuwa siya dahil nakita niyang tumingin sa kanya ang binata o maiinis siya dahil sa pagpapahiya sa kanya ni Aisa.
Pag-upo niya sa upuan niya ay bumulong sa kanya si Aisa.
Nilapit nito ang ulo dahil nakapagitna si Marykay sa kanila.
"Oi tol. Number 2 yung tae, Number 1 yung ihi diba? Baka kasi mali ang nasabi ko eh." inosenteng tanong nito sa kanya.
Parang gusto niyang pagalitan ang kaibigan.
Tinignan niya lang ito ng parang naiiyak na itsura.
Gusto niyang mainis dito kaso wala naman na siyang magagawa.
"Ay naku Aisa para kang sira. Kailangan mo pa talagang sabihin yun sa buong klase?" panenermon ni Marykay dito.
"Hayaan mo nalang Sahania. Think of the postivie side. At least kasama mo si Jadiel na mageerase ng board mamaya." nangaasar at natatawang sabi ni Shimie.
"Sabay pa silang dumating..uuuyyy.." panunukso naman ni Mae-ann.
Hindi alam ni Sahania kung matutuwa siya.
Oo at gusto niyang sana ay mapansin siya ni Jadiel pero sana naman ay hindi sa nakakahiyang pagkakataon.
Muli niyang nilingon ang binata at seryoso na ito habang nagsusulat sa notebook.
Pagkatapos ng klase ay agad agad na tumayo ang dalaga at nagtungo sa whiteboard.
Kukunin na sana niya ang eraser na nandoon nung biglang hinablot ito ng binata.
Napatigil siya at tinitigan ito ngunit hindi man lang ito umimik o tumingin sa kanya.
Agad agad lang nitong binura lahat ng nasa board.
Para siyang wala sa sarili na tinitigan ang likod ng binata.
Sa bawat paggalaw nito upang magbura ay nalilipad ng hangin ang pabango nito.
Napapapikit ang dalaga pagkaamoy dito.
'Grabe.. Kahit likuran ay sobrang gwapo niya talaga.. at sobrang bango pa..' parang nangangarap na sabi ng dalaga sa sarili.
'Jadiel..akin ka nalang..please?' parang nasa panaginip na sabi niya sa sarili habang nakapikit at magkahawak ang kamay.
"Hoy!! Gagi ka talaga!! Para kang sira nakanganga ka pa at nakapikit wala na siya!!" para siyang nagising ng marinig ang malakas na bunganga ni Marykay.
Para siyang natauhan at napatingin sa paligid.
Wala na nga ang binata at malinis na din ang white board.
"Andami mong tinulong tol ah." natatawang sabi ni Shimie sa kanya.
"Nagmamadali din naman kasing nagbura si Jadiel." sabi naman ni Mae-ann.
"Papanong hindi yun magmadali eh may creepy na weirdo sa likod niya baka ma-rape pa siya!" tumatawang sabi muli ni Shimie.
"In fairness tol ha, mukhang effective ang ganda mo. Parang napapansin ka na ni Jadiel. Halos lahat na kaya ng kaklase natin ngayon eh crush ka." biglang sabi ni Marykay.
"Hindi kaya napansin lang siya dahil sa sinabi ni Aisa." pang aasar na naman sa kanya ni Shimie.
"Kontrabida ka talaga!" sabi ni Sahania na tipong papaluin ito pero umilag.
Sila nalang ang natitira sa classroom.
Mas lalong nainis si Sahania sa sarili dahil maski pagtulong na pagbura lang ng whiteboard ay hindi man lang niya nagawa.
"Oist hindi pa ba kayo susunod? Male-late na tayo sa Geometry niyan!" sabi sa kanila ni Roseanne na dumungaw sa pintuan kasabay ni Aisa.
Agad agad silang lumabas at nagtungo sa susunod na klase nila.
Hindi nakipractice si Sahania sa araw na iyon sa Glee Club.
Nagdahilan nalang siya sa trainor na masakit ang tiyan niya.
Tutal napahiya na siya buong araw ay naisipan ng dalaga na lubos-lubusin na ang kahihiyan niya.
Nagulat nalang siya ng kinabukasan na practice ay may nalaman siya sa mga kasamahan niya sa Glee Club na sila Mara at Jedi.
Jedi as in jedi sa star wars. Mga fan kasi ata ng star wars ang mga magulang nito.
Mga kaparehas niya din kasi ito ng taon sa kolehiyo kaya naging kasundo niya agad ang mga ito.
"Ano?! Ulitin niyo nga ulit yung sinabi niyo?! Totoo ba?!" parang hindi parin makapaniwala si Sahania sa mga naririnig.
"Ang kulit mo Sahania! Totoo nga! Magmemerge ang Glee Club at Tawag ng Tanghalan para sa isang musical play!" nakukulitan na sabi ni Mara sa kanya.
"Pero pili lang ang makakasali. Kung sino lang yung mga makakapasa sa audition sila ang sasali." pagtutuloy nito.
Nasa labas sila noon ng theatre at kasalukuyang nagdidistribute ng piyesa ang mga nasa loob para sa susunod na papraktisin.
"Ayan kasi umabsent ka kahapon hindi mo tuloy alam ang mga kaganapan dito!" sabi ni Jedi sa kanya.
Hindi alam ni Sahania kung matutuwa siya sa nalaman.
Ibig sabihin kapag nakapasa siya sa audition ay may chance na makasama niya si Jadiel sa practices.
Hindi niya kasi alam kung kaya niya pang harapin ang binata pagkatapos ng nangyari kahapon.
Kinakabahan din siya na baka hindi din naman siya makuha sa audition.
"Kahit extra lang subukan padin nating mag-audition." sabi sa kanya ni Mara habang niyuyugyog ang balikat niya.
"Oo nga. Pumayag ka na Sahania. Malay natin baka makuha pa natin ang main role." pag segunda naman ni Jedi dito.
"Oh sige na nga! Bahala na!" napilitang sagot ni Sahania.
Wala naman sigurong masama na magsubok.
Medyo nasanay na din kasi siya sa stage dahil sa mga apat o limang beses na ata silang sumabak sa kantahan mapa contest man o simpleng concert o performance lang ng grupo.
Baka nga way na ito para mapansin siyang tuluyan ni Jadiel.
"Ano bang play to?" tanong niya sa dalawa sabay higop sa dala niyang slurpy.
"Beauty and the Beast." sabay na sagot ng dalawa na muntikan pang nagpasamid sa dalaga.
Agad niyang pinunasan ang natapon sa damit niya at bubukas na sana ang bibig niya para magsalita ng marinig niya ang boses ni Diane.
"Hello bessy!" nakangiti at kumakaway nitong bati sabay yakap sa kanya.
Parang gustong mangiwi ni Sahania sa pagdagdag nito ng "s" na akala mo tunog ahas ang pagkakasabi nito ng bessy.
"I missed you sooo much!" sabi pa nito  at saka hinigpitan ang yakap sa natigilang dalaga.
Pagkahiwalay nito sa pagkakayakap ay nakita ni Sahania ang iba pang members ng Drama Club na nakasunod at nakasuot ng jacket nila. Nakasuot na din sila ng sariling jacket din ng Glee Club kaya agad mong makikita kung sino ang mga drama club members at glee club members doon.
Sinubukan niyang hagilapin si Jadiel ngunit hindi niya nakita ang binata.
"Are you guys going to audition?" tanong ng isang maliit at cute na babae na member din ng Drama Club.
"Oo. Kayo din ba?" sagot ni Mara sa mga ito.
Imbes na sagutin ang tanong ay kay Sahania nabaling ang atensiyon ng mga ito.
"Oh wow Sahania! Halos hindi kita makilala. What a big improvement! In fairness, paganda ka ng paganda." sabi nito sa kanya.
"Can I talk to you for a second?" bulong sa kanya ni Diane at bago pa siya nakapagsalita ay hinila na siya nito sa kamay papunta sa bandang gilid kung saan hindi sila maririnig ng mga nandoon.
Pagdating nila sa bandang dulo ay saka ito nagsalita.
"What the heck Sahania! So what? You're copying me now?!" galit na sabi nito sa kanya.
"Ano bang pinagsasabi mo?" pabalang na sabi ni Sahania dito.
"This!!" turo nito sa katawan niya.
"You are changing your looks! Going on a diet and trying to have a fair skin?! What a copycat!" nakapameywang na sabi nito.
"Ano?! Pati ba naman pagsusubok kong ayusin ang sarili ko big deal padin sayo Diane?! Pwede bang itigil mo na yang pagiging insecure mo?!" halos hindi na mapigilan ni Sahania ang sarili.
Ayos na din sigurong marinig ng lahat ang pag-aaway nila ng matapos na ang pagbabalat-kayo nito.
"Excuse me?! I am not insecure! Gosh! How can I be insecure? I can have whatever I want!" pagmamalaki ni Diane sa kanya.
"Puwes kong hindi ka insecure, wala kang karapatang kwestiyunin ang itsura ko ngayon. You think you can have whatever you want kaya kung umasta ka para kang isang spoiled brat na naagawan lagi. Kung masyado kang confident na makuha lahat ng gusto mo, hindi ka dapat natatakot na mapansin ako ni Jadiel!" matigas na sabi ni Sahania dito.
"Oh wow! The ever so silent and ever so innocent Sahania is finally speaking up for herself!" sarkastikong sabi nito.
"So matapang ka na ngayon?! Kaya mo na ako?!" nanghahamon na pagtutuloy nito habang tinutulak siya gamit ang hintuturo nito.
Tinapik ni Sahania ang kamay nito.
"The whole time kaya tumatahimik lang ako ay dahil sa iniisip kong kaibigan kasi kita Diane! But I have to wake up to the reality to slowly realize na wala na pala akong best friend!" naiiyak na sabi niya at saka tumalikod ngunit bago pa siya makaalis ay muli itong nagsalita.
"You stay away from Jadiel! You heard me?! Layuan mo siya! Just go home and don't join the audition! Wala ka din namang magagawa eh! Extra ka lang kung sakali! You think mapapansin ka ni Jadiel sa pagiging extra mo at pagaayos mo ng sarili mo?! Then you are making a big mistake. Jadiel is mine! So stop being such a nuisance and get lost!" punong puno ng galit na sabi nito sa kanya.
Lumingon si Sahania at tinignan ito sabay sabi ng:
"Watch me."
Tumalikod na muli siya at akmang maglalakad palayo ng naisipang lingunin muli ang kaibigan.
"Oh and for the record, I didn't copy you at all. I am just trying to be a better version of myself. Hindi ko pinapatay ang sarili ko na hindi kumakain para lang pumayat hindi gaya mo. At sino namang may gustong gayahin ang kulay mo na pudpod sa gluta na may puting akala mo binabad sa suka at nagmumukhang binurong mangga? Definitely not me."
matigas na sabi niya at tumutulo ang luha na lumayo siya dito.
Naiwang natigilan si Diane at hindi makapagsalita.
Hindi alam ni Sahania kung bakit humantong ng ganito ang pagkakaibigan nilang dalawa.
Hanggang ngayon ay naguguluhan padin siya kung bakit ganun nalang bigla ang nangyari.
Masakit man sa kanya pero kung ganun ang gustong pakikitungo sa kanya ni Diane ay sisiguraduhin niya na hindi siya magpapaapi dito.
Umuwi ang dalaga sa boarding house nila na halatado mong balisa.
Napansin ni Rita ang pananamlay niya ngunit hindi nalang muna ito nagsalita at inisip na baka kailangan lang mapag-isa ni Sahania.
Pagpasok sa kwarto ay agad nagbihis ng pambahay si Sahania at naupo sa pinakagilid ng kama.
Sa pagkakataong ito, imbes na tumalikod at ibaba ang paa ay nagdesisyon ang dalaga na umupo upang isandal ang sarili sa pader at isiniksik padulas ang puwet habang nakatungkod ang kamay sa bakanteng pagitan ng pader at kama ang katawan at saka itinaas ang paa.
Andami daming pumapasok sa isip n dalaga.
Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya sa araw na iyon.
Andami kasing nangyari.
Nagmeeting kanina ang head ng Glee Club at Drama Club para sa isang malaking proyekto ng Performing Club.
Gagawa sila ng musical play ng Beauty and the Beast at bebentahan ng tickets hindi lang ang mga estudyante ng Unibersidad ng Santa Lucia kundi pati na din ang mga outsiders kaya sobrang pinaghahandaan nila ito at kailangang piliin ng maayos ang mga bida.
Kaibahan, dahil musical ito ay kukunin lamang nila ang mga magagaling na kumanta sa dalawang grupo.
Dahil kasali ang pag-acting ay kinailangang pagsamahin ang dalawa.
Napaisip ang dalaga na kaya siguro ganun ang reaksiyon ni Diane sa kanya dahil sa frustration na din na hindi ito makasali maski sa audition man lang dahil hindi naman kasi talaga ito kumakanta.
Hindi niya nakita si Jadiel sa araw na iyon kaya napapaisip ang dalaga kung sasali din ba ito sa audition.
Madami kasing nagsasabi na baka makuha ulit nito ang main role.
Naisip na naman niya ang nangyari sa kanya sa araw na iyon.
Napahiya siya at napagtawanan ng ilang beses pero parang mas maganda pang maexperience niya nalang ang ganun lagi kaysa naman ang makaaway si Diane.
Kung dati ay kapag may problema silang dalawa ay mag-iiyakan pa sila sa gilid ng simbahan, ngayon naman ay nagpapalitan na sila ng mga masasakit na salita sa isa't-isa.
Napatingin siya sa bintana kung saan tanaw ang napaka liwanag na ilaw na nanggagaling sa bilog na bilog na buwan.
Kung sana maibabalik niya pa ang kahapon, gusto niyang itama ang kung anumang mali niya kung meron man at inasam na sama magkaayos nalang lagi sila ni Diane.

                  -End of Chapter 7-

Hello my lovely readers! :) Sorry medyo natagalan ang pag update. Mas nagfocus kasi ako sa pagsulat ng isa pang story ko. It's about the story after my Papa's Death. I will publish it soon I hope you take time to read it. Did you guys miss Sahania and Jadiel? Haha. The cover photo in this chapter is the one where Sahania is thinking about everything that happened today. Again, the photo is not mine. All credits to the owner. Medyo mabagal ang kwento ng story ngayon kasi may pasabog sa mga susunod na chapters. Abangan. Haha.
Thank you sa mga readers na nakaabot at nagbasa hanggang sa chapter na ito ng hindi nag-skip ng chapter. Wag niyong i-skip kasi madami siyang twist sa huli mahihirapan kayong intindihin mga last chapters kapag di niyo nabasa lahat. Hehe.
Oh! About sa utot story? That's actually a personal experience. Shhh. Secret lang natin ha. Hahahaha! Nakakahiya!
Thank you thank you guys for reading! Enjoy! :D

P.S
I will be publishing another Chapter within this week. That's a promise. Stay tuned and keep reading! 😘😊

PLEASE DO NOT FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE. :)
If you want to be notified on any updates or when a new chapter is added. Please Follow me. 😊
Got any questions? Leave a comment and I'll respond as soon as I can. 😉

The Non-Existent Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon