Prologue
Hapon.
Nandito ako ngayon sa isang coffee shop sa Fort. Hindi mapakali simula pa kaninag umaga ng makatanggap ako ng text galing sa isang old friend. Oo "friend" kaibigan ko naman talaga siya dati, dati nung ayos pa ang lahat.
"Vic, Pwede ba tayong mag kita? May gusto lang sana ako itanong tungkol kay mika. please?"
Hindi ko alam kung anong gusto niyang malaman at kung bakit ako pumayag. ang alam ko lang nandito na ako hindi mapakali at nag hihintay. Alam kong mali ang desisyon ko na makipag kita sakanya lalo na kung ang pakay niya ay tungkol kay mika. Pero ewan ko ba parang part of me is saying na i should be there dahil kailangan ko to'
*Aish! Vic ano ba to' akala ko ba move on na? Loko ka talaga* Napahawak na lang ako sa ulo ko at napailing habang gulong gulo ako sa mga thoughts ko.
"Vic."
Bigla akong kinabahan. Ang boses na yun.
Napatingin ako sa kinaroroonan niya at isang pamilyar na ngiti ang bumungad sakin. Ngiti niyang tila ba naging trademark niya na. Ngiting hindi na nakikita ang mata. Ito na nga rin yata ang ngiti na nag pa-inlove kay mika.
Masakit man sabihin pero ang taong nasa harapan ko ay ang taong nag mamayari na sa mahal ko.
"Oh Ria, upo ka." Bati ko sakanya sabay alok ng upuan at kape na kanina ko pa inorder para saming dalawa.
---------------------------------------
Tadaaaa! first ever fan fic/story. Try lang since inspired ako sa mga awesome fan fictions dito. Sorry kung may mga typo errors or kung hindi pa masyadong solid yung story ko. Basta ayun. Enjoy guyths! >:D<
Anon (043014 7:31PM)
BINABASA MO ANG
Almost over you (Ara Galang - Mika Reyes - Ria Meneses)
RandomMika Reyes - Ara Galang - Ria Meneses Fanfic