Chapter 6 (Flashback)

2.6K 25 0
                                    

Chapter 6 

Mika's POV

Sunday. Ang araw na sana pwede kong i-skip at wag pagdaanan, gusto ko lang talaga matulog at mag space out ng solid. 

.

.

.

Alam kong pag lingon ko sa kaliwa ay wala na siya hindi lang sa kama niya kundi pati sa akin dahil any minute from now ay pag mamayari na siya ni Tin. Pipikit pa sana ako at susubukan ulit na matulog ng biglang pumasok sa kwarto si Cienne 

"Miks gising na. 12:30 na oh akala ko ba mag mo-movie tayo ngayon?" Sabi niya habang niyu-yugyog ang katawan ko.

"Wait 5 minutes." Tipid na sagot ko 

"No! Tara na mag lunch na tayo sa baba!" Hinila niya ako patayo at tinutulak papunta sa banyo "Kilos na you have a long day ahead of you" Long day nga dahil siguro 10 movies pa ang kailagan namin tapusin bago lumipas ang araw na to. 

"Oo na." Pumasok na ako sa banyo nag hilamos at nag toothbrush. Bago ako lumabas ng kwarto napalingon muna ako sa kama ni Ara. "Congrats Tomsy." pabulong kong sabi nararamdaman kong nangingilid nanaman ang mga luha ko kaya imbis na mag emo lumabas na ako ng kwarto.

.

.

.

.

.

Nakita kong nasa dining room na si Cienne nag lalagay ng plato para saming dalawa. Naupo na ako at inalis ang cover  ng mga pagkain bumungad naman sakin ang masarap na breakfast/lunch hindi ko mapigilang mapangiti. 

"Bat ganyan ngiti mo?" Nakataas na kilay na tanong ni Cienne

"Mga favorite ko kasi yan eh :"> Mukang masarap lahat Haahha." Naka grin kong sagot. 

.

.

.

"Eh luto yan ni Vic kanina bago umalis." Hay si Ara nanaman :( pero ayoko na mag emo dahil gutom na talaga ako. 

Pangatlong rice ko na ng biglang nag salita si Cienne. "Miks ligo ka na after niyan ah" Binigyan ko naman siya ng (Bakit-naman-look) "Eh para kasi tuloy tuloy movie marathon natin mamaya." Tumango na lang ako. 

.

.

.

.

.

.

.

After kumain nag insist si Cienne na siya na daw mag hu-hugas kaya dumiretso na ako ng banyo para maligo nakita ko naman sa salamin ang sobrang bloated kong tiyan Hahaha Natawa na lang ako "Stress eater" sabi ko sa sarili ko bago tuluyang naligo

***

Pag baba ko nakahanda na ang DVD player naupo ako sa couch at tinignan ang mga movies na pwede namin panuorin "Eh halos lahat to napanuod na namin ni Ara." Bulong ko sa sarili ko .

"ienney!" Sigaw ko kay Cienne na nasa kitchen "Teka" sagot naman niya pag dating niya ay may dala siyang gallon ng ice cream at maraming chips na agad namang nag pa ngiti sakin. 

"Ano na papanuorin natin?" Tanong niya sakin 

"Eh napanuod na namin lahat yan ni Ara." Sagot ko sakanya at kinuha ang ice cream na nasa kamay niya.

"Eto na lang." Sabay labas niya ng Movie na kanina pa yatang nakaipit sa likod niya. Blank ang cover nito at walang title "Hoy! baka porn yan ah!" Natawa naman si Cienne sa sinabi ko. "Loko! Trust me maganda to." Bago pa man ako mag agree sinalang niya na sa player ang movie.

"Ano ba yan?" Curious kong tanong pero nginitian niya lang ako at tumayo.

.

.

.

Nag simula na ang movie. Wala akong idea kong anong genre to' or what pero mukang indie na gawa ng college students dahil sa amateur na beginning credits. Pero natigil ako ng biglang lumabas ang Lady spikers productions proudly presents "Daks&Tomsy" Napangiti na lang ako kahit hindi ko maintindihan ang mga nang yayari.

.

.

.

Lumingon ako sa kinatatayuan ni Cienne pero pag tingin ko ay wala na siya tatawagin ko pa sana si siya ng biglang nag salita na ang Narrator sa TV "Inspired by a true story" sa boses at accent pa lang nito sure akong si Ate Alex ang nag sasalita. 

Hindi ko na mapigilang matawa ng lumabas si Justine at suot ang jersey ko sa tindig at mannerisms alam kong ako nga ang ginagaya nito 

"Tomsy! Tomsy! Inom ka water oh tapos pawis na pawis ka na." Hahahaah Gayang gaya ni justine ang gestures at boses ko Hahaha "Ganto ba talaga ako ka clingy?" Yan na lang ang nasabi ko sa sarili ko. 

.

.

.

Lalo pa akong natawa ng i-move ang camera para i-reveal si Aduke na obviously ginagawa si Ara dahil sa Jersey na suot nito at ang galaw at boses. Hahahaha Ang galing nila. 

Patuloy lang na ginaya sa movie yung mga moments namin ni Ara yung mga Away, Tampuhan, asaran at kulitan. Sobrang sakit ng tiyan ko at kanina pa ako naluluha dahil sa kakatawa natapos ang movie at nag flash sa screen ang "Wait for Cienne" tumingin tingin ako sa paligid at nakita si Cienne na pababa at may dalang box sinalubong ko siya at niyakap sa sobrang tuwa. Kung ano man itong nag yayari alam kong part siya nang pag pi-prepare. 

"I told you this will be a long day." Sabi niya sakin at agad na inabot ang Box. 

Binuksan ko yun at bumungad sakin ang Red dress at heels na may nakalagay na note. "Put this on" Napatingin lang ako kay Cienne na at nag tatanong kung ano bang nang yayari pero nakangiti lang siya at sinabing "Basta. Go change na!" Tulak niya sakin para umakyat na at mag ayos. 

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

To be continued

-----------

Medyo rough at sabog. Tiis lang poooo Hahahahah :) 

Anon (050514 5:13PM)

Almost over you (Ara Galang - Mika Reyes - Ria Meneses)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon