Chapter 21

2.6K 26 2
                                    

Chapter 21

Ria's POV

Naging madalas na din ang pag dalaw namin ni Mika sa family ng bawat isa. Nakilala ko na din si Tito at suportado niya naman kami at okay daw sakanya basta nakikita niyang masaya si Mika.  One time din ay na meet na ni Mommy si Tita Bhaby at nag ka sundo naman agad ang mga ito. Walang sawang kantyaw at kwento nga ang inabot namin ni Mika mula sa mga mommy namin. Nakakatuwa dahil tanggap na tanggap kami ng family ng bawat isa.

Halos 4 years na din ang relasyon namin. I'm happy na strong kami. Minsan ay may mga away din na hindi naman talaga maaiwasan pero agad din namin na re-resolve. Ngayon ay mas mature na kami sa pag handle ng relationship yung mga away at simpleng tampuhan ay agad naman naming napag uusapan. Nag decide din kami na sa unit ko na umuwi si Mika dahil since may work na siya at ako naman ay may business na pinapatakbo ay mas nahahati yung time namin together kaya para less hassle at mas maalagaan namin ang bawat isa. And may blessing naman from both sides of the family matatanda naman na daw kami at alam na namin ang ginagawa namin. Pero sa totoo lang para lang kaming nag babahay bahayan ni Mika kaya sobrang na i-enjoy namin ang stage na ito ng relationship namin.

And yes kung tinatanong niyo after 3 years of playing sa PSL nag decide na din kami na hindi na i-renew yung contract under air asia, we just think na it's about time to pursue our lives after volleyball. Hindi rin naman nagalit or nag tampo si coach dahil naiintindihan niya naman kami ika nga niya "We're not getting any younger." at dahil ang dami na din fresh grad players from NCAA & UAAP

Ngayon ay may pinapatakbo kami ni Kim at Ate Pam co owners kami sa business na itinayo namin after makaipon sa PSL. Isang Sports Center sa may Arca South dating kilala bilang FTI May complete facilities for different kinds of sports like basketball, tennis, football, swimming, badminton at syempre volleyball indoor or beach at Meron ding gym. Bagay na bagay para saming athletes. I guess dahil sa passion at nakatulong din yung medyo kilala kami sa field ng sports kaya mas napadali yung pag arangkada ng business namin dahil kahit malaking halaga yung isinugal namin dito ngayon ay halos nababawi na namin yung capital kahit halos kalahating taon pa lang nag ooperate ang sports center. Madalas din ay dito na ginaganap ang ibat-ibang sport events katulad ng mga conference & sports clinic like yung sa Titan at milo clinic na indemand pag summer. Recently din ay napili na dito ganapin ang iba sa mga UAAP at NCAA games.

Ilang beses na din kami na feature sa news dahil nga sa Magandang takbo ng business namin kaya safe to say na kilala na ngayon at may pangalan na ang sports center namin.

Sila Ate Aby naman ay settled na sa family nila ni Kuya Robert ganun din sila Ate Cha.

Si Mela nag tatrabaho sa ABS-CBN bilang production manager after nung internship niya ay napamahal na din siya sa trabaho niya.

Ang kambal naman ay may pastry shop at tea house kung saan madalas din kaming tumambay at mag catch up. Kilala din ang shop na ito dahil sa dessert buffet nila every friday saturday at sunday.

Si Mika naman ay kabilaan din ang trabaho dahil  madalas na kinukuha sa mga sports clinic bilang volleyball mentor or semi coach at paminsan minsan ay sports analyst. Kapag free naman siya at walang call ay tumutulong siya sa sports center para tumanggap ng mga inquries at reservations.

Lahat kami ay maganda ang naging takbo ng buhay after ng volleyball career namin.

Masasabi kong sa halos limang taon na yun ay ang daming ibat ibang nangyari samin. May mga nag away, umalis, may mga nag katuluyan, may kinasal, yumaman kung ano ano pa. ang dami pero lahat ng hirap or saya na napagdaanan namin sa past years ay worth it dahil kung hindi dito hindi kami magiging ganto katatag sa pag harap sa buhay at maabot kung ano man ang narating namin.

Almost over you (Ara Galang - Mika Reyes - Ria Meneses)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon