Chapter 13
"Forward mo pa ng onti." Turo ko kay Ara habang inaalalayan siya sa pag papark. Dumalaw kami dito sa isa sa pinaka tanyag at historical na simbahan sa pulilan ang San Isidro de Labrador Parish Church.
"Halos ito na yung kinalakhan naming simbahan simula nung mga bata pa lang kami ni Kuya Perry." Kwento ko sakanya habang nag lalakad kami pa punta sa harap ng simbahan. "Dito rin kinasal sila Mommy" Dagdag ko pa nginitian naman ako ni Ara.
Hindi pa man kami nakakalapit sa mismong pinto ng simbahan ay rinig na ang isang babae na kumakanta ng A Thousand Years
"Ay may kinakasal yata. Nako, Hindi tayo makakapasok sa loob." Nalungkot ako dahil gusto kong makita ni Ara kung gaano kaganda ang simbahan lalo na sa loob.
"Sayang. Next time na lang siguro." Plain na sagot niya sakin at pinisil ang kamay ko na hawak hawak niya.
Nanghihinayang pa rin ako. Dahil malapit sa puso ko ang simbahan na ito at gusto kong makita niya kung gaano kaganda ito, pero marami pa naman kaming pag kakataon para bumalik dito
Tumango lang ako sakanya, Bago pa man kami maka alis ay bumukas na ang pinto at kasunod nito ay lumabas na ang bagong kasal, Nakakatuwa lang dahil noong mga bata kami ay pangarap din namin ni kuya Perry na dito rin ikasal tulad nila mommy. At ang bilis ng panahon maaring ilang taon na lang from now ay matupad na ni Kuya perry ang pangarap niya dahil nasa wastong edad na rin siya.
Para bang na magnet ako sa kinatatayuan ko, imbis na umalis ay tumayo lang ako dito at masaya silang pinanuod. Kitang kita ang saya sa mga mata ng bagong kasal habang sinasabuyan sila ng puting petals kahit ang mga kaibigan at kamag anak nila ay kita ang saya “Long live the newlyweds!” rinig kong kantyaw pa ng isa sa mga bisita. Best man siguro kung hindi ako nag kakamali. Nakakatuwa sila tignan ano nga kaya ang pakiramdam ng ikakasal. Bago pa man akong tuluyang mag daydream dito ay niyaya ko na si Ara.
"Tara na by." yaya ko sakanya. Pinapanuod niya parin ang pag labas ng bagong kasal pero bat’ ganun? May nakikita akong lungkot sa mga mata niya. Hinawakan ko ang kamay niya at muling niyaya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
***
Buong hapon ko siya nilibot sa lahat ng magagandang tourist spot dito sa Pulilan. Dumalaw kami sa Pulilan Butterfly Haven at sa Museo San Ysidro de Pulilan nasubukan din naming gumawa ng mga clay pots. Kung san sang restaurant narin kami nakarating para ipatikim sakanya ang ibat-ibang pinag mamalaking pag kain dito sa Pulilan tulad ng Tinapang tilapia at marami pang iba. It was an awesome experience sobrang saya ko lang dahil naipakita ko sakanya kung saan ako lumaki.
BINABASA MO ANG
Almost over you (Ara Galang - Mika Reyes - Ria Meneses)
RandomMika Reyes - Ara Galang - Ria Meneses Fanfic