Chapter 22
Mika's POV
Pag bangon ko ay agad akong napahawak sa ulo ko "Ugh" sambit ko dahil parang iniipit ang ulo ko sa sakit. Hangover dahil to sa dami ng alak na nainom ko kagabi eh hindi naman na ako malakas uminom pero ewan ko ba parang nawalan ako ng control kagabi.
Pag lingon ko naman sa tabi ko ay nakita ko ang nakadapang si Ria. Ang weird dahil hindi naman ito ganto matulog at nakasayad pa ang paa niya na may nakasuot pang tsinelas. Parang sa sobrang antok ay dito na inabutan at nakatulog.
"Babe ayos ka ng higa." Pag gising ko sakanya. Gumalaw naman ito at umayos ng higa "Luto ako ng pancakes gusto mo?"
"Gawa ka ng wicked oreos beb." Sagot niya habang nakapikit pa.
"Demanding eh no? Haahah pero sige tignan ko muna kung may oreos pa tayo." Bago tumayo ay kiniss ko muna siya sa cheeks "Good morning love." bati ko pa napasmile naman siya kahit nakapikit pa.
"Love you, sunod po ako. Wait lang 5 minutes." Tumayo na ako pumunta muna ako sa CR nag brush at after dumiretso na ako sa kusina.
Tinignan ko ang ref at kumuha ng eggs binuksan ko din ang cabinet para hanapin yung pancake flour at oreos. Accidentally nabuksan ko ang wine cabinet ni Ria bumungad naman sakin ang isang empty bottle ng Bacardi gold na sigurado akong walang ibang iinom kung hindi si Ria dahil kami lang naman ang tao dito at last time I check eh naka seal pa yun last week yata. pero bat naman siya iinom ng hard.
Habang nag luluto ng wicked oreos ay pina-practice ko na rin ang pang i-interrogate kay Ria.
"Bat mo inubos to?" Bulong ko sa sarili ko
"hindi hindi para namang nag tampo ako dahil inubusan niya ako ng bacardi"
"Bakit ka nag lalasing ha?"
"Ay para naman akong nagger na asawa."
"Ano kaya?" Tanong ko sasarili ko ng maramdaman ko na may nag yumakap na sakin mula sa likod.
"Good morning. Bat nag sasalita ka dyan mag isa?" Tanong niya pag katapos halikan ang batok ko.
"Mamaya. Ma upo ka na dyan at matatapos na ako dito." Plain na sagot ko sakanya.
Pag kalapag ko ng wicked oreo at konting pancakes ay kasabay din ng pag lapag ko ng walang laman na bacardi. Na ikina laki din naman ng mata niya. "Care to explain?" Tanong ko with a serious tone.
"Ah eh- ano kasi." Nag stutter siya kaya tinaasan ko ng kilay. "Babe kasi hindi ako makatulog kagabi kaya-"
"Kaya naubos mo? Ria gatas ang iniinom pag hindi makatulog hindi alak." Sabat ko sakanya.
Agad naman itong tumayo at lumapit sakin. "Sorry na." May hint ng sincerity mula sa boses niya. Pero hindi pa ako bumigay dahil gusto kong marealize niya na hindi maganda yung ginawa niya lalo na at Monday ngayon may trabaho siya. "Babe sorry. Hindi na mauulit." Hinawakan niya ang kamay ko at diretsong tumingin sa mga mata ko.
"Talaga lang ha." Sagot ko sakanya.
"Promise." *Grin* sa ngiti niyang yun ay bumigay na ako para bang magnet at nakakahawa ang vibe ng ngiti niya kaya napangiti na din ako.
"Wag na kasi mag lalasing sa susunod okay? Lalo na may work ka ngayon. Balita ko madami daw trabaho sa SC." (A/N: sports center SC para cool jk.)
"Ah opo kaya pa naman namin. Sorry na babe ikaw nga din knockout kagabi eh." pang aasar niya sakin. Nag smirk pa ito bago lantakan ulit ang wicked oreo niya.
"Eh wala naman kasi ako work ngayon. Haha kaya jokes on you!" Natigilan naman ito at nagulat sa sinabi ko. Dahil noong mga nakaraang linggo ay sobrang busy ko at halos wala na akong oras para kay Ria madalang ko na rin nakita ang barkada buti na lang at nakita ko sila kahapon. Kaya ngayon ay time kong bumawi sakanya.
BINABASA MO ANG
Almost over you (Ara Galang - Mika Reyes - Ria Meneses)
De TodoMika Reyes - Ara Galang - Ria Meneses Fanfic