Chapter 1
Kim's POV
Umaga nang makatangap ako ng tawag mula kay Ria. Nag yayaya ng lunch date kasama ang kambal hindi naman na bago sa amin ang lumabas dahil sumula ng maging sila ni Mika naging malapit na din sa barkada si Ria.
Ang nakakapanibago lang ay kaming apat lang daw. at hindi ito alam ni mika. Hindi na lang din ako masyado pang nag tanong at agad na lang na tinawagan sila Cams.
(Calling Camilmil)
"Yo, kimmy Good morning! napatawag ka?" Bati niya sakin
"Good mornig din Mil. May lakad ba kayo ni Cienne ngayon? Nag yayaya kasi si Ri ng lunch date eh G ba kayo?"
"Oo naman! Bakit ano daw naisipan nung dalawa at nag yaya ng lunch date?"
" Ah eh Actually, Tayong apat lang hindi kasama si miks. Mukang may binabalak yata si Ri at kailagan ng tulong natin kaya biglang nag yaya."
"OMGGGGGGG!" Sabay na tili naman ng kambal.
"Baka nag paplano na ng proposal si Ri. Omgggg! I'm so kilig right now." Singit naman ni cienne na naka loudspeaker pala si cams kaya kanina pa nakikinig si cienne. Chismosa talaga Hahaha
"Ingay mo cienne!" Pangasar ko naman sakanya. "Agad agad naman yata hindi ba parang ang bilis ilang taon pa lang sila. pero bahala na 10:25 na mag ayos na nga kayo at mamaya na tayo mag usap." Dag dag ko naman.
"Ang nega mo ha. Hhahaha Sige na Babush See you kimmy." Hindi na ako nag ba-bye at binaba nadin ang tawag.
Ewan ko ba. parang nag iba bigla ang mood ko. Hindi ko lang talaga ma i-magine na mag po-propose na si Ria kay Mika hindi naman sa hindi ako boto sakanya dahil nakita ko naman kung gaano niya kamahal si Mika at kung paano niya binuo si mika nung mga panahon na sobrang durog ang puso nito.
Kontrabida na or what pero I still hope na in the end Mika will still end up with Ara. Sobrang tanga na siguro kung iisipin dahil nga sa unreasonable na pag iwan ni ara dati. Kaibigan ko si Ara at alam kung may mabigat na rason ang pag alis niya may tampo man ako kay Ara may tiwala parin akong aayusin niya ang gusot na to'
12:30 na nang makarating kami sa isang restaurant dito sa MOA medyo late lunch na to' dahil sa traffic kanina. Agad naman namin nakita si Ria na nakaupo sa isang table at madaming pag kain na nakahain. Mukang mahaba habang usapan to'
"Ri." Tawag ko naman sakanya at sabay tapik sa shoulders niya. agad naman siya tumayo at niyakap kami isa isa.
"Tagal niyo traffic ba?" Bati niya samin sabay grin
" Ah Oo eh, Dami pag kain ah ano meron?" Tanong ni cienne sabay upo sa tabi ko.
"Gusto ko lang sana kayo makausap *Grin* pero mamaya na yan dahil gutom na ako kain na tayo Hahaha."
Kung ako ang tatanungin mukang mali ang hinala ni cienne. Kung titignan si Ria Parang ang uncomfortable niya there is something bothering her behind her gestures and smile halatang may dinadala siya.
Pag katapos namin kumain lumipat naman kami sa isang coffee shop para mas maganda ang atmosphere at makapag usap kami ng maayos.
"So ano agenda natin today Ri?" si Cienne habang kumakain ng cheesecake niya.
Uminom muna siya ng kape niya bago sumagot.
"Bakit nag break sila Mika at Ara?" Diretsong tanong ni Ria pero halata sa boses niya na kinakabahan siya sa magiging sagot namin.
------------------
Fan Fic lang po to' ah. Support guys. :) Sorry sa mga Typo errors or kahit anong maling churva.
Anon (043014 9:57 PM)
![](https://img.wattpad.com/cover/15687974-288-k15069.jpg)
BINABASA MO ANG
Almost over you (Ara Galang - Mika Reyes - Ria Meneses)
РазноеMika Reyes - Ara Galang - Ria Meneses Fanfic