Chapter 14
Ria's POV
"Ate kanina mo pa binabasa yan." Sita sakin ni Niki. Tama siya dahil kanina ko parin paulit ulit na binabasa ang letter na to. Isang invitation from PSL gusto daw nila ako maging part ng draft.
"Argh." Napahawak na lang ako sa ulo ko. Hindi parin kasi ako makapag decide kung pupunta ako o kung gusto ko pang ituloy ang pag lalaro ng volleyball. fresh grad na ako though I still have 1 playing year for UST hindi ko sure kung lalaruin ko pa ito.
"Ate I don't get you. I know how you love that sport so bakit parang nahihirapan ka dyan? Hindi ba dapat masaya ka kasi matutuloy mo pa ang volleyball career mo?" Napaisip naman ako sa sinabi niya
"Ewan ko, Wag na kaya ako mag laro?"
"Is this about Ate jessey?" Nakataas na kilay niyang tanong sakin. "Ate she left. And for the record she already moved on. Ikaw? kelan ka gagalaw diyan?" Minsan naiisip ko kung sino ba talaga ang mas matanda samin ni Niki dahil madalas katulad nito siya ang nag sesermon sakin.
"Naka move on na kaya ako." Sagot ko sakanya at nag grin
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Halos isang taon na rin simula ng umalis siya. Yes, si Jessey. After grumaduate nakakuha siya ng scholarship sa University College London sa UK para ipag patuloy ang masters niya sa architecture. Given the fact na isa ang university na to na best place para pag aralan ang archi I know kung gaano kagandang opportunity ito para sakanya at kung gaano niya kagusto ito. Naging supportive lang ako sakanya but after few months bihira na lang kami makapagusap maswerte na siguro kung makatanggap ako sakanya ng text sa tatlo o apat na araw. Then after ilang weeks we broke up, well actually she asked for it dahil nahihirapan na daw siya kaya I let her kahit masakit tinanggap ko.
It was the worst time of my life sobrang devastated ako. Para bang nawalan ako ng reason para mag aral, mag laro o mabuhay. I always thought my first love will be my last na siya na talaga pero mali ako dahil hindi laging happy ending that’s why hanggang ngayon ay undecided ako kung pupunta ako sa draft dahil gusto ko na sana iwasan ang kahit anong bagay na mag papaalala sakin kay Jessey.
BINABASA MO ANG
Almost over you (Ara Galang - Mika Reyes - Ria Meneses)
De TodoMika Reyes - Ara Galang - Ria Meneses Fanfic