Chapter 31

2.1K 36 9
                                    

Chapter 31



Ara's POV



"Kuya asan na yung isang boat?" Tanong ni Mika dun kay kuya na operator ng isa pang bangka

"May nakita po ba kayong isang grupo din, na halos kasing edad din namin." Dagdag ko pa.


Tanghali ng makarating kami dito sa Puerto kaya after mag lunch nag yaya agad sila na mag island hopping para naman daw masulit namin ang 3 days vacay.


Yun nga lang ay mukang naiwan na yata kami. kainis.


"Ay yung puro babae ba?"


"Opo! Opo! Yun nga" sabay pa naming sabi imposible naman kasing mawala yung mga yun dahil mag kakasunod lang din kami.



"Eh nako umalis na yung bangka nila. Halikayo't dito na lang kayo sakin sumakay" anyaya nito sa amin. "Tutal eh i-isang ruta lang naman ang daan namin malamang sa malamang ay makasalubong din natin agad sila."

kumunot naman an muka ko sa sinabi ni kuya "Ah teka lang ho ah." Nag gesture ako ng wait lang at saka humarap kay ye. 


"May dala ka bang phone ye?" hindi na mai-pinta ang muka ko. Eto kasi ang ayaw ko yung iniiwan.



Pero bago pa ako sagutin ni mika. Inayos niya ang naka kunot kong kilay. OMG! nag wala ang mga hormones ko lol. Hindi sa ano pero bigla akong kinilabutan ng dumapi yung daliri niya sa pagitan ng mga kilay ko.

"Hahahah ano ka ba. Wag ka ngang BV dyan. And to answer your question no, wala akong dalang phone." nag grin ito. hindi ko alam kung nang aasar o ano.


"Nakakainis kasi eh. Ayoko lang kasi ng ini iwa-" Pinilit kong pigilan ang sasabihin ko. parang mali kasi, mali na sakin pa nang galing. Pero bago ko pa man matapos





"Ako din. Ayoko ng iniiwan." Aray. Double meaning. natahimik ako sa sagot niya


Kaya Hindi ko gustong nag kakaroon kami ng mga solo moments gaya ng ganto ni mika eh. Hindi na pipigilang maalala ko yung mga nangyari 5 years ago, Bumabalik yung pang hihinayang at galit ko sa sarili ko.


"At wala namang may gusto. Baka masyado lang silang nag enjoy tignan mo kasi partner partner. Si cienne at cams, mela at kim, tapos tayo. kaya hayaan mo na yun. Mag enjoy na Lang tayo."


Wow si yeye ba talaga tong kasama ko?
Madali kasing tong ma-BV dati lalo na kung ang kasama niya eh wala din sa mood o bad mood, tulad ko, ngayon. Pero iba na nga siya mas Matured.


"Eh paano nama-"


"Kuya tara na, sa next island na po tayo." Agad ako hinila ni Ye pasakay ng bangka teka hindi pala hila. Kaladkad tama, agad akong kinaladkad ng hindi manlang pinapatapos ang sasabihin ko.


"Ayos ha! ayoko kasama ang mga wala sa mood na tao." Sabi pa nito ng maka upo kami dun sa dulo


"Alam ko hahah kasi nakakahawa." Sagot ko sakanya tumango naman ito habang naka grin


"Wag mo na lang din isipin na naiwan tayo hahahah mag enjoy na lang tayo, tulad ng sabi ni kuya malay mo nakasalubong lang din natin sila sa next stop." Natitigilan ako sa pag ka optimistic ni Mika parang ibang tao tong kaharap ko.


"Fine fine. sayang no' sana may dala tayong camera ang ganda ng view." Sabi ko habang nililibot ang kamay ko na naka-form na parang frame.

"Oo nga." Sagot naman nito saktong pag harap niya sakin ay nasakanya ang imaginary camera ko. Parang slow mo nanaman. Yung movement ng buhok at lips niya habang sinasabi yun. Then it hits me i felt something... like an electricity.... a friction.


As fast as i can i-binaba ko agad yung kamay ko napansin ko namang na weirduhan si yeye sakin at bumalik na lang sa pag admire sa paligid.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.




After ng ilang minuto ay nakarating na din kami sa next stop. Paradise hay. Sobrang ganda dito na parang kami pa lang ang unang naka discover ni walang bakas ng kahit anong man made activities.


"May diving spot po dyan. And I recommend na i-try niyo po para sulit ang adventure niyo." Sabi ni kuya sa amin habang inaayos ang pag park ng bangka para maka baba na kami.


"Mga ilang feet po kaya yan?" Tanong ko agad kahit pa wala akong balak na i-try satisfied na din ako sa pag bisita ko. Ayokong ibuwis ang buhay ko hahaha.


"15 to 20 feet po." Napa lunok ako sa taas at lalim nito


"Omgggg! Tara Ara!!" Jusko lorde eto na nga bang sinasabi ko, mga ganto ang gustong activities ni Ye yung tipong literal na mararamdaman mo na you're really existing na buhay ka.


"Pwede bang tignan na lang natin wag na nating i-try? Tutal nakakapagod akyatin yan o ye." Pilit na pag eexplain ko pero mukang hindi ako pinapakingan ni ye.




"Saan naman daan niyan kuya?" Tanong ni Mika


"Dito oh may arrow naman dyan at pag akyat niyo eh may tao din para mag assist sainyo. Marunong naman ho siguro kayo lumangoy hahaha."


"Oo naman kuya hahaha" Napapalunok na lang ako habang pinapakinggan ang convo nila jusko. 


"Osiya sige kung tatalon kayo eh i-hahanda ko yung bangka doon sa gilid para malapit na."


"Whooooooo! Canon ball!!" Napatingin kaming dalawa ng may  tumalon na eh pina panood ko pa lang sila nag sisimula ng manlamig ang mga kamay ko.



"Parang ang sarap!!" Tara baba na tayo. Salamat kuya." Muli akong hila hila ni ye papunta sa taas ng diving spot


"Alam mo ye pwede naman nating wag na subukan yan may zip line din naman dito mas safe yun." Pilit na pag i-explain ko. "isa pa hello mababasa tayo wala pa naman tayong dalang towel o ano."

Tumigil siya at humarap sa akin hindi binibitawan ang braso ko. "Asan ba tayo?"

"Puerto."


"Anong meron sa puerto?"


"Beach."


"Pag beach may ano?"


"May tubig." Nag smile ito at muling bumalik sa pag hila sakin. Anak ng tokwa ang sakit na ng puso ko habang papalapit ng papalapit sa tuktok.


"Mikaaaa hindi ko kaya yan." sagot ko ng makarating na kami sa taas at naka pila na para sa turn namin.


"Bahala ka sige ako na lang mag isa. Pero pag may nangyari saking masama konsensya mo ha?" Ano ba naman to na ngunsensya pa. Hindi ko nga naman pwedeng hayaan na gawin niya tong mag isa. "And there's no other way out but down there." Turo pa nito sa mismong spot.


Nakalagay din kasing paalala sa baba na once kumakyat na ay wala ng ibang choice kung hindi ang tumalon.

"Next po." Sabi nung nag aasist.


"What now Galang?"


"Urgh fine!! Pag hinimatay din ako kasalanan mo ha."


"Hahahaha whatever. I'll count okay sabay tayo."


1
.
.
.
.
2
.
.
.
Threeeee! "Kasabay ng pag talon namin ay hindi ko napigilang kunin ang kamay niya. Hindi ko kayang gawin to mag isa kailangan kong maramdaman na may kasama ako."

.

Almost over you (Ara Galang - Mika Reyes - Ria Meneses)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon