Chapter 20 Bulacan
Ria's POV
"Yes! Buti maabutan pa natin yung mass." Halata ang saya at excitement sa boses ni Mika. "Dali na babe tara na para makaupo tayo sa may harap." Pag hila niya pa sakin. Nakakatuwa siya tignan parang bata na pupunta sa park para maglaro. Kwento niya kanina matagal na daw siyang hindi nakapunta dito. Sobrang miss niya na daw dahil isa to sa pinaka importanteng simbahan sakanya dahil sa memories nila nung mga bata pa.
Andito kami sa San Isidro de Labrador Parish Church sa may Pulilan. Halatang may katandaan na rin ito dahil sa lumang style nito at halata sa mga materials na gamit. Pero sobrang ganda habang tinitignan mo siya parang yun mismo ang nag ki-kwento sayo ng mga pinagdaanan nito. Basta ganun yung feeling. At yung ganda niya sa labas ay lalong na justify pag pasok naming sa loob. Iba ang feeling para akong bumabalik sa nakaraan. Naupo kami dito sa may ika anim na hilera sa harapan ayaw naman namin sa harap na harap dahil sa height namin ayaw namin na matakpan ang mga ibang mag sisimba na nasa likod.
Natapos ang mass at nilibot din ako ni Mika sa buong simbahan nalaman ko na dito pala sila bininyagan at dito din pala kinasal sila tita. Speaking of tita nawala sa isip ko na ngayon na nga pala ako ipapakilala ni mika kaya bumalik na naman ang kaba sa dibdib ko.
"Tara babe uwi na tayo." Sabay hawak ni Mika sa kamay ko. "Babe kinakabahan ka ba? Ang lamig ng kamay mo sobra Hahaha." Aalisin ko na sana yung kamay ko sa pag kakahawak niya pero mas hinigpitan niya pa ito.
"Oo na. Eh kasi now alam ko na kung anong kaba yung naramdaman mo kagabi Hahaha." Natawa naman siya sakin at pininch yung pisngi ko.
"Relax babe. Sila mommy lang yun." Nice Miks using my words against me Hahaha. Kaya nginitian ko na lang siya at nag drive na.
"Libot pa kita mamaya babe after lunch." Kanina niya parin sakin tinuturo turo ang mga magandang pasyalan dito sa pulilan pero hindi muna kami bumaba dahil lunch na din at mas priority muna namin ngayon ang umuwi sa bahay nila.
"Ang ganda lang ng tourist guide ko Hahahaha." Asar ko sakanya. "Ay babe may park oh daan tayo dyan mamaya."
"Ah- uhm. Ano kasi- Madami tao dyan babe tapos makalat." Utal utal na sagot niya napansin ko din nag iba ang pinta ng muka niya pag katuro ko sa park. Hindi ko na lang din pinansin dahil baka gutom na siya kaya wala sa mood.
"Wait. May contis pala dito babe. Gusto ba yan nila Tita?" Tumango lang siya.
Pinark ko muna yung sasakyan tinanong ko din siya kung gusto niya sumama bumili pero humindi ito. Siguro pagod at gutom na rin kaya hindi ko na siya kinulit dahil sobrang perfect na ng araw na to and I dont want to ruin it.
Bumili ako ng Mango bravo at Choco overload cake bago bumalik sa kotse napansin ko yung Nathaniels naalala ko na kinwento dati ni Mika na favorite daw nila yung buko pandan salad at halos mag agawan daw sila nila Miko at Mikole kaya naman dumaan na rin ako para bumili.
Pag kabalik ko sa kotse ay inabot ko kay miks yung Cake at Nathaniels agad namang nag lighten up yung muka niya na kanina ay gloomy pag kakita nung buko pandan.
"Hep." Saway ko saknya dahil nakita kong binubuksan niya na yung isang Nathaniels "hindi ka pa nag la-lunch."
"Hindi babe chini-check ko lang Hihihi."
"Nice palusot babe."
"Hahaha. Whatever. Liko mo na dyan babe tapos diretso lang, yung yellow na gate dun na." Turo niya sakin ng directions. Pag ka park ko ay agad din kami bumaba. Hinawakan ni Mika ang kamay ko at pumasok na kami sa kanila. Habang papalapit ay mas lalong kumakabog ang dibdib ko any minute by now baka mag collapse na ako dito sa kaba.
BINABASA MO ANG
Almost over you (Ara Galang - Mika Reyes - Ria Meneses)
SonstigesMika Reyes - Ara Galang - Ria Meneses Fanfic