Chapter 23
Ria's POV
Pag ka gising ko ay naramdaman ko nang wala na si Mika sa tabi ko naalala ko na may meeting nga pala siya para sa isang offer. Sayang nga at hindi niya na ako ginising para sabay sana kaming naka pag breakfast.
Bumangon na ako at dumiretso sa CR para mag brush at hilamos at nag tungo agad sa dining room nakita ko na may nakahanda ng breakfast hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil nakuha niya pang mag luto kahit maaga ang appointment niya.
Habang kumakain ay tinext ko si Mika para mag good morning at mag thank you para sa breakfast pero bago ko pa matapos ang pag ta-type ay may tumawag na sa phone ko. nag pop out sa screen ang number ni Angge at agad ko naman itong sinagot dahil for sure tungkol ito sa trabaho.
"Hello?"
"Ms. Ria good morning po. Remind ko lang po ang meeting niyo for today. 10:00 AM po sa figaro BGC with Ms Jackie tapos after po nun 1:00 PM kay Sir Vic sa starbucks BGC."
"Bakit dalawa? Diba pag friday isa lang dapat ang kukunin ko?"
"Sorry po Ms. Sobrang tight na po kasi ng sched niyo diyan na lang po namin naisingit ni Ms. Mika." Pag eexplain naman nito pero nung na rinig ko na si ni Mika ang nag set napawi na rin ang init ng ulo ko dahil alam ko naman na nag effort siya ayusin ang appointment na ito.
Tuwing Friday kasi lahat kami ay hanggat maari hindi kukuha ng trabaho para makapag catch up at bond kami ng barkada. Pero dahil busy at madami talagang trabaho ngayon sa SC hindi na rin maiwasan na sumingit ng isa or dalawang meeting sa morning to lunch lang naman after nun ay free na pwede na kaming mag kita kita para uminom at mag chill.
"Ah okay. Sige sige. Salamat."
"Okay Ms. Confirm ko na rin sila Ms Jackie & Sir Vic. Bye"
After ko maubos ang breakfast ko ay dumiretso na ako ng CR para maligo dahil 9:00 AM na baka malate pa ako sa meeting.
***
"Five days yung itatagal ng event compose of basketball, volleyball and swimming. Mini olympics kasi para sa company staff namin may maire-recommend ka din ba na instructors or facilitators?" Tanong sakin ni Ma'am Jackie andito na kami sa Figaro, first siyang nag ka appointment kay Kim kaya ayos naman na lahat konting adjustments na lang like time and dates at finalization.
BINABASA MO ANG
Almost over you (Ara Galang - Mika Reyes - Ria Meneses)
CasualeMika Reyes - Ara Galang - Ria Meneses Fanfic