Chapter 7 (Flashback)

2.8K 28 1
                                    

Chapter 7  Continuation

Mika's POV


 

 

Pag labas namin ni Cienne bumungad samin ang isang pulang kotse natawa ako dahil alam na alam ko kung kanino to. Lumabas naman mula sa driver's seat si Kim at naka Tux pa.  "Shall we ma'am" Bati niya samin at binuksan ang pinto sa passengers seat para saming dalawa ni Cienne.

 

"Pogi natin Kim ah." Asar ko sakanya pero nginitian niya lang din ako which is weird dahil dati siguradong papatulan ako nito at gaganti din ng asar.

 

 Hindi ko man alam kung saan at ano ang pupuntahan namin may hint akong medyo fancy ito dahil sa mga suot namin. kanina ko pa rin kinukulit sila cienne at kim kung saan ba talaga kami pupunta pero puro "We can't answer that maa'am" ang sagot nila sakin. Mukang well trained ang mga to at hindi bumibitaw sa character kahit kanina ko pa kinukulit kaya hinayaan ko na lang. 

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.
Halos isang oras at kalahati din ang byahe namin ng ihinto ni Kim ang kotse. Bumaba siya at pinag buksan ako ng pinto kung hindi ako nag kakamali nasa tagaytay kami dahil sa malamig na hangin at medyo familiar na view bago pa man matapos libutin ng paningin ko ang view binlind fold na ni Cienne ang mga mata ko. Hindi na ako nag tanong at sinakyan na lang ang surpresa nila.

 

.

 

.

 

.

 
.

.

.

Wala akong idea kung san nila ako balak dalin bago pa man ako mag tanong naring kong nag salita na si Cienne "We're here." At tinangal ang takip sa mata ko. Pag mulat ko ay nahirapan pa akong maaninag ang lugar pero after ilang seconds nakita ko na ang napaka ganda at sobrang romantic na setting may maliit na platform stage kung saan may nakaayos na table for two. Lahat may touch ng red sa gilid naman ay may mga nakakalat na yellow lantern na may kandila sa loob at nakaform parang aisle kaya deem lang ang ilaw ng paligid at may aura na pang valentines day kaya sobrang romantic. 

 

Habang stun ako at patuloy na ina-admire ang pag kakaayos sa lugar binitiwan at iniwan na ako nila Cienne. Sabay nito ay ang pag labas ni Kim na may hawak na gitara at kasunod nito si Ara na naka tux din at hawak hawak ang papel na nakita ko sakanya nung isang araw. Kahit alam na ng instincts ko na si Ara ang may pakana nito gulat at hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa nila ito. Sobrang naiiyak na ako dahil sa astonishment at ibat ibang emotions na nararamdaman ko ngayon. 

 

"Hi daks, This is for you." Panimula niya at nag simula ng mag strum si Kim ng gitara. Napaka gwapo niya talaga hindi parin nag si-sink in sa utak ko na ginawa nila ito para sakin.

 

(I-play niyo yung song para dama. Is it okay if i call you mine - Paul Mccrane)

 

Almost over you (Ara Galang - Mika Reyes - Ria Meneses)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon