[ Chapter 3 ]
------------------------------------------------
Savanah's POVDumiresto na ako papasok sa Principal office. Si jenesis maghihintay nalang sa labas. Naguluhan pa ako sakanya dahil panay ang haplos niya sa mga braso niya.
"G-Goodafternoon po, Ma'am." Bati ko nang makapasok.
Nakatalikod siya sa akin na parang may minamasid sa bintana. Pinagmasdan ko ang buong office. Kulay gray ang dingding at puti ang kisame. Mukhang hindi na ito nalilinis dahil puro agiw na ang bawat sulok ng kwarto. Halatado na ang kalumaan nito.
"Ikaw na ba si Savanah?" Nahinto ako sa pagmamasid.
"O-Opo."
"Alam mo ang lakas ng loob mo magenroll ng late... Pero nakakapagtaka dahil pumayag siya." Humarap siya sa akin na nakangisi.
Nagulat ako dahil parang siya yung babaeng gumulat sa akin kanina. Pero sinong Siya ang tinutukoy nito?
"H-Hindi ko po alam ang sinasabi niyo. Ang Daddy ko po ang nagpapasok sa akin dito."
Ngumisi ito at naglakad papunta sa lumang aparador. Pagbalik may hawak na ito na plastik at hinihagis sa lamesang katapat ko.
Napangiti ako ng makita ang uniform. Mukhang bagay siya sa akin at gustong-gusto ko ang kulay hindi tulad sa dati 'kong school. Okay naman siya sa akin pero hindi talaga maganda ang disensyo 'non.
"This is your uniform. 6:30 in the morning start ng class mo. Wag na wag 'kang magtangka na mahuli dyan sa labas ng dis-oras ng gabi at sa klase mo, matitikman mo ang sarap na parusa nila kung magpapahuli ka man.." Nakangising sambit nito.
Ang creepy!!
"A-Alis na po ako." Nagmamadaling sabi ko at tumalikod na.
"It's already 6pm. Be careful."
Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako don! Grabe ang awra ng babaeng 'yon!
Walang Jenesis. Paglabas ko walang Jenesis akong nakita. Tumingin ako sa relong suot ko. 6:30 na pala kaya masyadong madalim na sa paligid at iilang ilaw lang sa poste ang nakabukas.
Pagkababa ko ng hagdan biglang umihip ang malakas na hangin. Nakashirt at leggings lang ang suot ko.
"Savanah!"
Napatili ako sa gulat ng biglang may humawak sa braso ko.
"A-Ano ba? bakit nanggugulat ka?!" lagi nalang ako ginugulat. Oo na magugulatin ako.
"Sorry. W-We need to go home." Sabi nito na may pagalala sa mga mata.
Habang naglalakad kami hindi ko maiwasan tumingin sa kamay ni Jenesis na nakahawak sa braso ko. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari pero nung makita ko ang mga mata niya para siyang nagaalala at palinga-linga sa paligid.
"May masama bang nangyari habang nasa loob ako?" Tanong ko.
"Shh.. wag kang maingay! Malapit na tayo." Sabi nito.
"M-May anino---" Bigla akong hinila ni Jenesis patakbo.
"Diba sabi ko wag kang maingay?" Hingal nitong sabi. sabay punta sa may pinto at ni-lock itong mabuti pati narin ang bintana."Pagpunta palang natin sa P.O ramdam kona na may nakasunod sa atin. Nang makapasok ka, hinanap ko siya pero biglang nawala."
![](https://img.wattpad.com/cover/125247823-288-k243245.jpg)
YOU ARE READING
The Evil University(COMPLETED)
Mystery / ThrillerDate started: 10/10/17 Date Ended: 12/14/17