CHAPTER - 32

5.3K 206 1
                                    

[ Chapter 32 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

Sumapit ang Lunes at balik sa klase nanaman. Pagkagising na pagkagising ko nakaramdam agad ako ng kaba hindi ko nga alam 'kung bakit ito agad naramdaman ko e, pero pinagsawalang-bahala ko nalang.

"Uy Wendy? gising na magaala-sais na." Inaantok 'kong sabi at dumiretso na sa banyo.

Pagtapos ko napakuha ako ng baso at nilagyan ng konting tubig.

"Ayaw mong gumising ah."

"Argh! ano bayan?! natutulog pa yung tao e. Istorbo naman!"

"May sinasabe ka bes?" Kunwaring nagagalit.

"WALA! ito na nga e, kikilos na."

Umupo na ako sa kama at nagsuklay at pabango, konting polbo lang at konting lip tint.

"Labas lang ako Wendy ah? padala nalang 'tong bag ko!" Sigaw ko ng hindi parin ito tapos maligo.

Maglalakad-lakad na muna ako dahil parang kailangan ko ng exercise. Hindi parin mawala-wala ang lakas ng kabog ng dibdib ko bakit kaya?

Nakarating ako sa likod ng court at umupo. Hindi ko akalain na tatagal ako sa paaralang 'to. Kahit madaming problema ang dumating nangingibabaw padin ang labis 'kong saya ng magkaroon ako ng kaibigan at magkaroon ng minamahal, siguro wala na akong hihilingan pa kundi ito lang. Isama kona ang mga pamilya ko na gusto ko nang makasa at ang mga naiwan 'kong kaibigan.

Nang pagpasiyahan ko ng umalis ay nagulat nalang ako sa aking nakita ng paglingon ko.

"A-Abygail? Cassidy? Aaliyah?"

'Ang mga kaibigan ko nandito?!

Hindi kona napigilang umiyak at sinugod sila para yakapin. Nakita ko 'din silang napaiyak na at mahigpit akong niyakap.

Ilang oras na kaming magkayakap at tanging mga hikbi lang ang maririnig mo sa amin at nang mahimasmasan na kami ay nakangiting nagsihiwalay na kami.

"B-Bakit kayo naparito? tsaka pano niyo nalamang nandito ako?"

"Sira ka! bakit hindi mo manlang sinabe sa amin na mapupunta ka dito? alam mo bang ilang araw kaming umiyak?" Naiiyak na sabi ni Aaliyah.

"Oo nga! hinintay ka namin sa room at sa bahay niyo ngunit hindi kana dumating." Sabi naman ni Cassidy.

"Nabubwisit ako sayo alam mo 'yun? pero buti nalang at ipinaliwanag sa amin mabuti ni Kuya Josh." Naiiyak din sabi ni Abigail.

Ngayon kolang napagtanto na ang kasuotan nila at may dala silang mga bag.

H-Hindi kaya?!!

"K-Kayo ang mga transferee?" Hindi makapaniwala 'kong sabi.

Sabay-sabay silang tumango.

"P-Pero bakit?! alam niyo bang matagal pa bago kayo makakalabas dito?!" Naiinis 'kong sabi.

"Alam namin kaya nga nag-enroll kami dito e."

"P-Pero delikado sa paaralang 'to! umalis na kayo hangga't hindi pa kayo nakakapi-----"

"Nakapirma na kami. Meron na kaming mga uniform at binigay na sa amin kung saan ang dorm at building ng room namin."

Napa-upo nalang ako sa kinauupuan ko at natulala. Ayokong mapahamak sila dito!

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now