CHAPTER - 30

5.9K 271 21
                                    

[ Chapter 30 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

Naglalakad ako ngayon sa campus. Half day lang kami dahil may pagu-usapan daw ang mga teachers para sa NCAE namin. Naalala ko nung second year ako, ang sarap ng buhay namin dahil wala kaming pasok at tanging mga third year lang ang meron, tapos ngayon kami naman ang may pasok sila ang wala.

Pagawi ako ngayon sa library para magreview sa long test namin sa Science, alam 'kong si Pastor parin ang namamahala 'dun pero wala akong pake-alam dahil pag may ginawa man ulit siya sa akin hindi ko na siya pagbibigyan pa!

Pagpasok ko dumiretso ako sa sulok at nilapag ang bag ko. Hindi ko kasama ngayon si Wendy dahil may aayusin daw siya para sa report niya at natatawa panga ako dahil halos isumpa na niya si ma'am Jessieca dahil siya ang kauna-unahang magrereport samin. Siraulong babae talaga haha!

Si Jenesis naman ewan ko kung ano ng nangyare dun kase hindi na niya ako pinapansin simula nung araw na magkausap kami at tama nga siya na si Wendy na ang kasama ko sa dorm, tuwing magkakasalubong naman kami nagi-iwasan kami hindi ko alam pero parang naiilang na ako pag nagkikita kami, yung parang bang hindi na kami magkakilala...

Nang mahanap kona ang librong kailangan ko, dumiretso na ako sa sulok at tahimik na nagbabasa. Iilan lang ang mga naka-stay dito at pinagtitinginan at bulungan pa nga ako, napansin ko din na bakante ang lamesa ni Pastor. Mabuti naman...

Sa gitna ng pagbabasa ko may lumapit sa akin na batang babae na mukhang doll. Ang cute niya hihihi...

"May nagpapabigay po sainyo."

Napatingin ako sa kamay niyang may kulay pink na envelope at may heart pa sa gitna.

"Ano 'to?"

Nagkibit balikat lang ito at umalis na. Itatanong ko pa sana kung kaynino galing e.

Binuksan kona ang envelope na may makita pa akong papel na kulay pink din sa loob, Inamoy ko ito. Napangiti ako na sobrang bango.

Ikaw ang una at huli 'kong mamahalin habang ako'y nabubuhay.

Sa isang kapirasong lupa nabuo ang mundo. Sa isang hulma ng putik nabuo ang tao, parang ikaw....
Sa isang ngiti mo lang, nabuo na ang puso ko.

Simula palang napangiti na ako. Alam kona kung kaynino galing ang sulat nato.

Kung mababaw ang dahilan kung bakit kita MINAHAL,
LALALIMAN ko ang dahilan kung bakit tayo magtatagal.

Alam mo ba ang salitang 'PAGMAMAHAL'? hindi ko 'yan pinag-aralan pero sayo ko 'yan natutunan.

Sana kaya 'kong ibigay ang buong mundo sayo para malaman mo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko.

Kaya Savanah, ikaw ang pinakamagandang bagay na dumating sa akin. Kaya hinding-hindi ko hahayaang basta-basta kana lang mawala sa akin.

Patuloy na nagmamahal,

Kennedy Scott.

Wag kang magalala.. naibigay mona sa akin ang sinasabe mong mundo ko. Yun 'yong dumating ka sa buhay ko at hinding-hindi ko hahayaang mahiwalay sayo dahil hindi 'yon ang minimithi ko...

Nakangiting itinago ko ang liham at tinapos ang pagrereview.

.

Sumapit ang tatlong araw ng hindi kona nakikita si Kennedy at tanging ang secretary niya ang nagtuturo sa amin.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now