[ Chapter 8 ]
------------------------------------------------
Savanah's POVNandito ako ngayon sa aking dorm habang nakahiga sa kama. Sobrang napagod ako ngayong araw dahil sa mga nangyare.
Naipunta na nang mga tauhan ni Demolead ang lalaki sa clinic at hindi pala lumalabas si Demolead at nalaman ko din na kahit na sino sa mga estudyante dito ay wala pang nakakakita sa mukha ni Demolead. Kapag naman lumalabas ito ay gabi na or kailangan talaga pag umaga ngunit nakatakip ang kaniyang mukha ng panyo.
Buti nalang at naagapan siya dahil kung hindi, wala na siya ngayon.
Nahihiya tuloy ako sakanya. Kase hindi mangyayare sakanya yun nang dahil sa akin. Kaya niya pala ako hinila nun dahil may gustong sumaksak sa akin kaya siya ang nakasalo ng kutsilyo na dapat ay sa akin.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" Nagulat ako ng biglang magsalita si Jenesis.
Arghh!! ang hirap talaga pag magugulatin ka.
"Madami lang akong iniisip." Walang ganang sabi ko.
"Magpahinga kana. Baka hindi ka nanaman makapasok bukas." Sabi niya.
"Alam mo, ikaw na lang ang matulog dahil hindi pa magaling 'yang sugat mo." Nakangiting sabi ko. Buti nalang at nasabi ko din kay Demolead na isa din sa nasaksak ang kaibigan ko. Kaya pinatawag niya ito at isinama sa chineck-up ng mabuti ng doctor.
"Hindi ako makatulog maghapon na akong natulog at nakahilata dito sa kama." Sabi niya habang nakatingin sa kisame. Ako naman nakatagilid at diretsong nakatingin sakanya.
Masaya ako dahil pinatigil na ni Demolead ang paglilinis ko dito sa school, kase daw tinulungan ko naman daw si sir Kennedy pero diko maintindihan dahil alam ko ma hindinamna si Sir Kennedy iyun! Naniwala naman sila? Eh paano kung tanggalin nila ang mask nung lalaking iyon? Baka madawit nanaman ako!!
******
Kennedy's POVNakahinga ako ng maluwag nang napapayag ko si Kuya na itigil na ang parusa kay Savanah. Alam 'kong sobrang pagod niya ngayon dahil sa akin.
Hindi ko nakakalimutan ang lalaking gustong sumaksak kay Savanah. Hindi ko gaano makita ang kanyang mukha dahil naka-sumbrelo ito at mahaba ang buhok niya.
Nang nagpakita na ako kay Savanah nagulat na lang ako dahil may lalaking nakatayo sa kanyang likod. At dun nalang nanlaki ang mata ko ng biglang maglabas ito ng kutsilyo at pabato niyang itinapat 'yon kay Savanah, kaya dali-dali kong hinila si Savanah at patalikod ko itong niyakap hanggang sa ako ang makasalo ng kutsilyo. Sabay kaming napabagsak sa sahig na ikinadaing ko.
Nang umalis na si Savamah upang puntahan si Jenesis, sinubukan kong maglakad. Ngunit bigla 'kong naisip na malayo dito ang bahay namin, kaya pinagpasyahan ko nalang sa rooftop ako pumunta. Sa building nila Savanah.
Ilang beses na akong natumba,napasandal sa dingding at halos maubusan na ako ng dugo. Masyadong malalim ata ang kutsilyong nakatusok sa akin.
Napaupo na lang ako sa may room na malapit sa papuntang rooftop, napadaing pa ako ng sumandal ako sa pader. Tinignan ko ang kamay ko at napapikit dahil sa sobrang dami ng dugo!
Sinubukan ko ulet maglakad ngunit pati ang paa ko hindi na nakikisama kaya gumapang nalang ako. Ayokong makita ako ng mga estudyante na ganito.
Sa wakas ay nakaakyat na ako. Sumandal na muna ako sa may pader at kinapa ang kutsilyo, napasigaw ako at napahiga ng mahatak kona ang kutsilyo at nakatulog na ako 'nun.
YOU ARE READING
The Evil University(COMPLETED)
Mystery / ThrillerDate started: 10/10/17 Date Ended: 12/14/17