CHAPTER - 40

5K 187 3
                                    

[ Chapter 40 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

"KENNEDY!" Dali-dali akong lumabas upang sundan ang mga lalaking kumidnap sa kanya. Ngunit bigla nalang silang nawala.

Nasan sila?!

Sa paghahanap ko may nakita ako sa sahig na bakas ng dugo kaya sinundan ko ito.

'Shitt! may mangyare lang masama kay Kennedy! tignan niyo lang.'

Nagtaka ako ng mapadpad ako sa hindi pamilyar na lugar. Masyadong madaming building dito na nagmumukang luma na dahil sa dingding nito na nangingitim at puno na ng mga agiw ang gilid.

Naglakad ako at pinagmasdan ang paligid, pinakiramdaman ko at hindi ako nagkakamali na may nagmamasid sa akin.

"ILABAS NIYO SI KENNEDY!" Sigaw ko at biglang nag-eco ito sa paligid.

Kinakabahan na ako at hindi mawala ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sana ayos lang si Kennedy.

Huminga ako ng malalim at nagpasiyang pumasok sa building na parang pinapapasok ako. Magsisimula palang sana ako maglakad ngunit biglang may kamay na humawak sa braso ko.

"Saan ka pupunta?" Napalingon ako sa kanya.

Anong ginagawa ni James dito?!

"A-Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Bigla naman itong nag-iwas tingin at nagsalita

"Hinahanap kita d-dahil payag na akong sumama sainyo." Napakunot-noo naman ako sa sinabe niya.

Pwede naman niyang sabihin mamaya 'yan ah?

"O-Okay. Ipapasabi kona sa mga kaibigan ko na sasali ka samin." Mahinang sambit ko at ngumiti naman ito ng pilit. Napalingon ulit ako sa building na balak 'kong pasukin at hahakbang na ulit sana ako kaso naisip ko na hindi pa niya nabibitawan ang braso ko.

"Pwede 'bang paki-alis na 'yang kamay mo? may tao akong hinahanap." Naiinis na sambit ko.

"Eh.. hinahanap kana pala nila Aaliyah."

"K-Kilala mo si Aaliyah?" Wala naman akong nabanggit sa kanyang pangalan sa mga kaibigan ko maliban kay Cassidy ah?

"H-Huh? k-kase kanina naglalakad-lakad ako tapos nakita ako ni Wendy at hinahanap ka nila sa akin, wala ka daw kasi sa dorm ni Cassidy at ang sabi ko naman hindi ko alam at sabi nung Aaliyah na hanapin ka namin." Paliwanag niya. Pero parang may ibang dahilan pa siya.

"S-Sige." Tipid na sagot ko at napatingin ulit sa building at nagsimula ng maglakad.

Nagtungo na ulit ako sa dorm ni Cassidy pero si James ay hindi na sumama dahil kailangan niya daw magreview para sa long test nila.

"Sav! bakit bigla kana lang nawala? tignan mo si Cassidy nagsuka." Dahil sa sinabi ni Aaliyah mabilis na pumunta ako kay Cassidy na hindi mapakali.

"Cassidy? ano 'bang nangyayare sayo?" Nagaalalang tanong ko kahit hindi naman ito makakasagot.

"Mukhang may problema siya Sav." Malungkot na sabi ni Abigail.

"I think tanungin nalang natin siya pag magaling na." Sumang-ayon naman kami kay Aaliyah.

"Savanah?" Agad na lumapit si Aaliyah sa pinto.

"Savanah, si Wendy."

"Bakit?" Bungad ko ng makalapit ako sa kanya.

"Nandito ka lang pala. Dapat naman nagpaalam ka sakin kanina! hanap ako ng hanap." Hingal na sambit nito.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now