CHAPTER - 56

5K 179 14
                                    

[ Chapter 56 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

Parang isang malakas na bagyo ang luha 'kong walang tigil sa pagbuhos. Parang nataboy lang ang lahat na paghihirap ko noon nang makita siya ngayon. Parang may nagbago sa kanya.

Madaming tanong bigla ang sumagi sa isipan ko pero iisa lang ang gusto kong malaman at gusto ko galing sa kanya ang sagot. Sino ang babaeng nakakapit sa kanyang braso?

Nang malapit na siya sa akin ay hindi ko mapigilang masaktan. Alam 'kong nakita na niya ako pero bakit hindi manlang niya ako magawang tignan? hindi kaya nakalimutan na niya ako? after 4 years, wala akong ginawa kundi ang umiyak dahil sa nagsisisi ako na mawala siya pero ngayon, buhay pala siya at may ibang kinakasama na...

"S-Sir Kennedy?!"

"Kala ko ba..."

"D-Diba patay na siya?"

"P-Paano??"

Namayani ang bulungan at gulat sa buong court at napatingin ako sa iba na umiiyak at natulala sa nakikita ngayon. Napatingin naman ako kila Cassidy at Jenesis na magkalapit lang ang upuan at naga-alalang nakatingin sila sa akin, napayuko ako ng biglang may tutulo nanamang luha.

"Ahh.. students please quiet and sitdown. Bago tayo magsimula, magpapakilala muna ako. My name is Daniel Liado and I'm Esp teacher for grade 10." Agad naagaw atensyon namin dun sa MC at agad naman kaming nagsiupo. Bwisit! siguro kalat na ang make-up ko dahil sa kakaiyak. "Alam naming naguguluhan kayo dahil nakita niyo ngayon si Mr Kennedy Scott.. Pero pasensya na dahil wala ako sa posisyon na magsalita dahil sa nangyare sa kanya, kaya stop muna natin to at dapat masaya kayo dahil graduate at makakaalis na kayo dito." Dugtong nito at nakita 'kong naluluha narin siya dahil siguro sa napalapit narin sa kanya si Kennedy kaya ng mapansin ito ni Kennedy ay hinawakan niya sa balikat yung Emcee at napangiti naman ito.

Makalipas ang ilang oras ay madaming nagsalita sa stage at hindi narin maiwasan maiyak ng iba dahil hindi nila inakalang nakapagtapos na sila, at siguradong magiging proud ang magulang nila dahil naitupad nila ang hiling ng kanilang mahal sa buhay.

Hindi kona napakinggan ang ibang mga nagsalita sa stage dahil na kay Kennedy lang ang atensyon ko habang masaya siyang nakikipag-usap sa babaeng katabi niya na nangangalang Trisha  Mendoza.

'Girlfriend niya kaya??'

Biglang may kumirot sa puso ko ng maisip 'yon. Habang pinagmamasdan ko si Kennedy ay may nagbago talaga sa kanya, mukhang naging masiyahin na siya at Siguro sa apat na taong wala siya ay nakilala niya si Trisha at siguro ay lagi niyang kasama ito hindi ko naman siya masisisi e, maganda naman si Trisha kung ikukumpara sa akin at isa lamang akong estudyante at si Trisha naman ay sikat na modelo sa ibang bansa.

Napansin 'kong biglang umalis ang mga katabe 'kong classmate at may pumalit.

"Sav? ayos kalang ba?" Tanong ni Cassidy.

"Gusto mong umuwi na?" Tanong naman ni Aaliyah.

Umiling ako. "Ayos lang ako."

"Kung gusto mo nang umuwi sabihin mo lang sa amin ah?" Pilit ngiting sabi ko at hinawakan naman ni Cassidy ang kamay ko at ngumiti din.

"Thankyou!" Nabaling muli kami sa stage ng umakyat ang Emcee. "All right students, ang magsasalita naman ngayon ay ang hinihintay niyo... si sir Kennedy." Ngiting sabi nito napatingin kaming lahat kay Kennedy na nakangiting umakyat sa stage at dumiretso sa mic.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now