CHAPTER - 25

5.8K 211 1
                                    

[ Chapter 25 ]

------------------------------------------------
Jenesis Aldrin's POV

"Nasaan ka ba Savanah?"

Naiinis ako sa sarili ko! sinabe ko na susunduin ko siya sa oras na matapos ang gawain niya ngunit bwisit! nakatulog ako at umaga na ako nagising. Hahanapin kona sana siya kaso nga lang bigla akong tinawag ni Henz, ang kasama ko sa sayaw.

Masyado akong naging pabaya, nangako ako sa aking sarili na ako ang magbabantay at magaalaga kay Savanah.

'Bwisit! nakakainis!'

"Jenesis! nasan na ang bestfriend ko?!" Ayan si Wendy, kanina pa ako kinukulit.

"Hindi naman ako magkakaganito kung alam ko naman diba?" Singhal ko sa kanya.

"Bakit pinabayaan mo manlang siyang mawala huh?"

"Hindi ko alam!" May naisip ako. "alam ko na Wendy. Pumunta tayo sa Library." Tama duon sa Pastor na 'yon. Lagot siya sakin.

"Huh? ano naman gagawin 'dun ni Sav? e, hindi naman gumagawi 'yun duon."

"Pinarusahan siya ng Principal na tumulong sa library dahil sa gulong nangyare kahapon. Maaaring may alam ang Pastor na 'yon, humanda siya sa akin kung may mangyari mang masaya kay Savanah dahil ngayon ko ipapakita kung sino talaga ako." Matigas kong sabi.

Madaling nagtungo na nga kami duon at pagpasok namin naabutan naming iilan lang ang mga estudyante na nasa library. 6:00 pa lang naman at 6:30 nagsasarado ito.

"Pastor? magsabi ka ng totoo dahil kung hindi malalagot ka sa akin." Bungad ko at kinuwelyuhan agad siya.

"H-Huy Jenesis? ano ba! hindi pa nga nagsasalita yung tao e." Sabat ni Wendy.

Hindi ko siya pinansin. "Nasaan si Savanah?" Nagagalit 'kong tanong sa kanya ngunit ngisi lang ang isinagot nito.

"Ah yung magandang binibini ba? si Ms. Smith?" Nakangisi niyang sabi.

"Oo! nasaan siya? parang awa mona." Nagmamakaawang sabi ni Wendy.

"Pasensiya na dahil hindi ko alam--" Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil sinapak ko na agad siya.

"T*ngin* mo! alam kong manyakis 'kang tao. malaman-laman ko lang na ginalaw mo si Savanah, malalagot ka sakin." Sumbat ko sakanya.

Pinunasan niya ang dugong nasa labi niya at nakangising tumayo.

"Masarap. Sa lahat ng naikama ko siya lang pinakam----" Hindi kona ulit siya pinatapos dahil ng gigigil ako sa galit.

"DAMN! G*GO KA! ILABAS MO SI SAVANAH!"

"J-Jenesis tama na!" Awat ni Wendy.

Tuloy-tuloy lang ako pagsusuntok sa g*gong to. Napansin ko ding nagsipuntahan ang mga estudyante sa gawi namin.

"BITAWAN MO NGA AKO!" Bigla niya akong tinulak na ikinatumba ko at inayos niya ang kanyang damit bago magsalita. "Hindi ko alam kung nasaan siya!" Inis na sabi niya.

"Siraulo ka pala e. Ikaw ang huling kasama ni Savanah! babalikan kita." Banta ko at padabog na buksan ang pinto at isara.

Nasaan kana Savanah???

"Paano na 'yan Jenesis? saan natin hahanapin si Savanah?" Naiiyak na tanong ni Wendy.

Nagtungo muna ko sa Principal office upang manghingi ng tulong ngunit naalala ko na wala pala silang pakialam dahil sarili lang nila iniisip nila.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now