[ Chapter 52 ]
------------------------------------------------
Savanah's POV"Ahhhh!"
"Savanah!"
Sh*tt! pagod na pagod na ako hindi kona kaya pang maglakad.
"M-Maupo na muna tayo." Napapikit ako ng marahang maupo sa sahig.
"H-Huh? hindi pwede! maaabutan nila tayo." Wika ni Cassidy.
"Pagod na ako Cass. Hindi kona kaya pang maglakad." Napapikit ako at napahawak sa braso na punong-puno ng dugo.
"Ipapapasan kana lang namin sa mga Demonican." Agad na sabi ni Aaliyah at may pinalapit niya sa akin ang isang lalaki na tumalikod sa akin at kinuha ang kamay ko para maipasan. "Wait! puno na ng dugo ang nasa braso mo palitan natin ng panyo." Dugtong niya at inalis ang panyong nakatali sa braso ko at napapikit ako ng dampian ito ng malakas na hangin at pagpunas niya sa mga nakakalat na dugo.
"S-Salamat."
"Pagbabayaran ni Britina ang ginawa niya sa braso mo. Ako bahala sa kanya pag nagkataong nagharap kami." Napangiti naman ako sa sinabi niya at ngumiti din siya.
"Tara na, wala na tayong oras." Saad ng tauhan ng Demonican. Agad na inayos muli ng lalaki ang pagpasan sa akin at nagsimula na kaming maglakad. Halatang pagod na pagod na sila pero hindi parin sila sumusuko marahil ay minahal na nila ang ganitong sitwasyon at lalo na ang pagiging isang Demonican nila...
"Dito tayo dumaan."
Napahawak ako ng mahigpit sa lalaking pumasan sa akin.
"Ayun! duon ang daan." Narinig 'kong sabi ng ibang kasama naming Demonican.
"Ihanda niyo ang mga baril niyo. Wag kayong magpakampante sa paligid baka may kalaban dyan." Wika ng nagpasan saakin. Mukhang isa siya sa tagapagsunod sa mga tauhan.
"Baka may kalaban dyan silipin niyo muna." Wika ni Aaliyah at agad na pumunta sa akin."Sav? ano? okey lang ba?" Hinawakan niya ang noo ko. "D*mn! nilalagnat ka." Nagaalalang sabi nito at nakita ko naman na agad na pumunta si Cassidy.
"K-Kennedy..." Hindi ko alam pero yan ang unang lumabas sa bibig ko.
"H-Huh?"
"N-Nasan si Kennedy?"
"Wag kayong magalala Ms. Savanah sigurado namang nasa maayos na sitwasyon si Sir Kennedy, kasama niya si Demolead."
"Nakakasigurado kaba dyan?" Paiyak 'kong sabi at tumango naman ito. Agad 'kong nakita na tumalikod si Cassidy at napahilamos ng mukha. Galit ata siya....
"Mygod Savanah, isipin mo naman ang sarili mo. Nanghihina kana at madami ng dugo ang nawala sayo tapos yung lalaking 'yon parin ang iniisip mo?! pwede bang kahit ngayon lang isipin mo naman ang kaligtasan mo?" Napayuko ako at napahagulgol.
Nagaalala lang naman ako kay Kennedy. Gusto ko lang malaman kung ayos lang siya e...
"N-Nagaalala lang naman ako sa kanya." Piyok 'kong sabi.
Narinig 'kong napabuntong hininga siya at kinuha ang panyong nasa kamay ko at pinunasan ang pawis at dugo sa mukha ko.
"I-m sorry.. kaibigan mo ako kaya ganito ako magalala sayo, kami. Please sarili mo muna ang isipin mo." Makaawa nito at napatango nalang ako.
"Tara na."
Inayos ng lalaki ang pagpasan ko sa kanya at tuluyan na kaming nakalabas ng building. Medyo maliwanag na at sobrang lamig dito sa labas para maginaw ako pero maya-maya nagulat nalang ako ng may naramdamang mainit na bagay na dumapo sa likod ko.
YOU ARE READING
The Evil University(COMPLETED)
Misterio / SuspensoDate started: 10/10/17 Date Ended: 12/14/17