CHAPTER - 22

6K 226 2
                                    

[ CHAPTER 22 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

Waaaaah! hindi ako makatulog dahil sa ginawang paghalik sa akin ni Jenesis. Wala manlang siyang paalam? agad-agad? grabe!

Alam niyo yung mga pinapalabas sa TV? yung as in gumagalaw talaga yung mga labi niya ganun, ako wala! hindi ako makagalaw at gulat na gulat sa bigla niyang paghalik sa akin.

First kiss ko siya. Huhuhu!

Tsaka ko lang naalala na nandun pala si Kennedy, tinignan ko siya 'nun kaso wala na siya sa pwesto niya.

Wala tuloy ako bukas maihaharap na mukha kay Jenesis. hmp!

.

Kinabukasan. Buti nalang hindi ako gaano kinausap ni Jenesis ngayon. Nandito ako ngayon sa room at tahimik na nakikinig sa guro, si Wendy nandito sa harapan ko at hindi parin ako pinapansin. Hayst!

"Okey class! maglabas kayo ng 1 of sheet of padpaper sagutan niyo 'to. Bibigyan ko lang kayo ng 20 minutes." Sabi ng Teacher namin.

Hindi pa naman ako gaano nakinig. Ang boring kase ng pagtuturo niya hindi gaano nape-perfect ang pagka-discuss kase mayron parin akong hindi naiintindihan.

Pagtapos masagotan ay napasa na namin at buti nalang iilan lang ang hindi ko nasagutan, sana ay mataas ang nakuha kong score.

"Wendy?" Tawag ko sa kanya. Kaming dalawa nalang ang nandito at ang mga kaklase namin ay nagsi-uwian na. "Uy?" Tawag ko ulit ngunit hindi parin ako magawang pansinin at nagpatuloy  siya sa paga-ayos ng gamit sa bag.

"Uy! sorry na bes." Saad ko at hinawakan ang kamay niya. Nakita ko naman na nabigla siya at napahinto sa ginagawa.

"Ano ba!?"Nagulat ako ng bigla niyang sinagi ang kamay ko na tumama sa dingding.

"S-Sorry na Wendy. Patawarin mona ako oh!"

"Hindi ko kailangan ng sorry mo." Tila nasaktan ako sa sinabe niya. Hindi ko ren napansin na namumula na pala ang kamay kong nasagi niya.

"Patawarin mona ako please? oo na, magpapakatapang na ko at lalabanan kona kung sino man ang umaway sa akin." Malungkot na sabi ko.

Natapos na siya sa pagaayos ng gamit at gulat akong makitang umiiyak pala.

"W-Wendy? bakit ka umiiyak? sabi ko na nga sorry na e." Malungkot 'kong sabi at hinawakan ang braso niya.

"Ikaw naman kase Girl e." Umiiyak na sabi niya sabay yakap sa akin. Hindi ko narin maiwasang umiyak na din.

"Kita mo. Umiiyak nadin tuloy ako, ikaw talaga! ang dami mong drama." Nakangiting sabi ko habang nakayap parin sa kanya.

"Ang kulit mo kase girl e. Alam mo namang ayokong may nakikita akong isa sa mga kaibigan ko na nasasaktan." Naiiyak niyang sabi at humiwalay na sa akin.

"Kaya nga nagso-sorry na e, peace na tayo ah?" Sabi ko at pinunasan gamit ang kamay ko ang mga luha niya.

"Yes girl ikaw pa? I miss you." Sabi niya sabay yakap ulit sa akin na madiin.

"Haha! I miss you too."

"Hindi ako nagrecess kanina dahil tinapos ko yung notes sa English, tara kain tayo." Pagaaya niya.

"Wow himala ah?Sige."

Iilan nalang din ang mga nags-stay ngayon sa Canteen. Dumiretso kami sa counter at um-order na ng makakain.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now