CHAPTER - 4

11.2K 408 2
                                    

[ Chapter 4 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

Napabangon ako ng may naririnig akong umiiyak. Napagtanto nang kakaibang lugar itong napuntahan ko.

Bakit ako nandito?

Nilibot ko kapaligiran at pinuntahan ang tinig ng umiiyak. Sobrang napakadilim naman dito! Wala akong makita kundi ang nagsisilbing liwanag lang ng buwan.

"M-Mom?!" Nagulat ako ng makita ko si mommy sa may upuan at nakahawak ito sa kanyang mga tuhod habang umiiyak.. "P-Paanong b-buhay ka Mommy?!" Tanong ko ngunit mukhang hindi niya ako naririnig "Mom? ikaw ba 'yan?" Naluluhang sabi ko.

"B-Baby? please don't come here." Sabi niya habang umiiling. Kumabog ang tibok ng puso ko makitang duguan ang damit niya ng ia-angat niya ang ulo niya.

"W-Why mom?! why are you crying?" Naiiyak na sabi ko habang dahan-dahang lumalapit sakanya.

"Please listen to me! Don't come here!"

Kahit gusto 'kong lapitan si mommy dahil miss na miss ko na siya pinili ko nalang na huminto at pagmasdam siya na umiiyak. Nasasaktan akong makita si mommy na ganito!

"Baby I'm sorry.... patawarin mo si mommy at ang Daddy." Napatakip siya ng kanyang bibig dahil hindi niya mapigilan umiyak.. "Savanah I-Im sorry...Anak patawarin mo kami ng D-Daddy mo"

"W-Why mommy? I don't understand."

"D-Dahil... basta baby.. s-siya na ang bahala... siya na ang magpapaliwanag sayo.."

"Mom, ano bang nangyayari talaga? Bakir ganun si Daddy?! Ano ba kasing nangyayari? Gulong-gulo na ako! Hindi ko alam kung bakit ako pa ang napiling parusahan ng ganito! Ang pahirapan ng ganito! Nakulong pako sa paaralang 'to!"

A-Ayoko na dito! gusto ko ng umalis! Gusto ko nang bumalik sa dati!

"Malalaman at malalaman mo din ang lahat anak. Sa ngayon, kailangan mong lakasan ang loob mo para sa mga bagay na haharapin mo. Laban lang anak, laban lang." Sabi nito na walang tigil ang pag-iyak.

Napatigil ako sa ag-iyak ng may nakita akong mga lalaki. Ang dami nila at mga nakasuot ito na itim at may harang ang mukha! A-Ahas ang marka!

"M-Mom Umalis ka dyan!" Sabi ko. Ngunit ngumiti lang ito habang umiiyak na nakatingin sa akin.

"Mom may mga tao sa likuran mo! umalis ka na diyan mom!" Sabi ko ngunit nanatiling nakaupo parin ito. lumaki ang mata ko ng makitang may hawak na kutsilyo ang lalaking nasa gitna at papalapit ng papalapit sa likuran ni Mommy!

At dun nalang ako nahagulgol ng makitang nahulog sa pagkakaupo si mommy at ang kutsilyong nakaturok sa kanyang dibdib...

"Mommy!"

"Savanah!!!"

Napabangon ako at Nakita si jenesis na aalalang-alala. Napapikit ako sa sakit ng ulo ko. May benda 'tong ulo ko?

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now