[ Chapter 12 ]
------------------------------------------------
Jenesis Aldrin's POVLimang students ang nawawala. Shit. Malaking problema talaga ito dahil ang sami nang nagagalit ng mga kaibigan ng mga nawawala sa principal at damay ang Demonican gang. Pero tahimik talaga ang grupo na ito.
Hindi kaya BSgang nanaman ang may kagagawan? Bakit ba hindi sila tumigil sa panggugulo?. Sabi-sabi ng iba baka daw may kumidnap iba o nagtago o pinatay ng mga BSgang.
'Kalokohan! Nasa iisang paaralan lang tayo na hindi makakalabas tapos may naglakas pang mang-kidnap?'
Umiling na dumiretso na ako sa aking silid-aralan. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing papasok na ako ng room ay bigla nalang magkukumpulan ang mga babae tapos paguusapan ako minsan naririnig kong nagtitilian pa sila habang pinagbubulungan ako. Tsk!
Ang hirap kasing maging gwapo....
Nagsisisi ako kung bakit hindi ko ba magawang kausapin si Savanah nung mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung ano nangyayari sa akin, siguro may topak lang 'tong nararamdaman ko sa mga araw na lagi kaming magkasama.
"Hello Jenesis!" Isa pa 'tong babaeng to. Lapit ng lapit sa akin.
"Hello." Pilit ngiti ko sakanya.
"Grabe yung nangyayari ngayon 'no? alam mo hindi ako makatulog kagabi natatakot kasi ako." Maarteng sabi niya.
"Bakit ka naman natatakot?" Nagkukunwaring may paki ako.
"Siyempre baka kidnapin din ako ng mga bad guys na 'yun... ayoko ngang mamatay."
Kalokohan...
"Hindi naman mangyayari 'yan."
Bigla itong bumungisngis. "Kasi hindi mo ako papabayaan? haha! alam ko naman yun e." Natatawang sabi niya at hinahampas pa ako sa balikat.
Hanggang sa makaupo ako sa aking upuan ay nakasunod padin ito. Pasalamat siya hindi ko magawang sungitan siya, hindi ko hilig mang-away ng babae.
"Jenesis? Kumusta naman ang buhay mo dito?" Tanong nito.
"Maayos naman.."
"Ahhhh... hindi kaba nagsisisi?"
"Nung una pero.... ngayon hindi na.." kasi dito ko nakilala ang babaeng gusto ko.
"So, nice! kung ganun. Mamaya pwede ba tayong magsabay mag-lunch? absent kasi si Angeline e." Sabi niya. Tumango nalang ako bilang sagot dahil wala akong mood ngayon.
Hindi na ito nagsalita ng biglang bumukas ang pinto. Nandyan na pala ang Adviser namin, si Sir Kennedy...
Tumahimik na ang lahat at umayos sa pag-upo.
Hindi ko inaakala na naging tunggalian ko siya sa pagaaya kay Savanah sumayaw. Napansin ko nung sumasayaw si Savanah ay dun lang siya nakatingin, napansin ko din na minsan nakakasama niya si Savanah.
'Hindi kaya may nararamdaman na siya para kay Savanah?'
Hindi! Hindi maari, Hindi ako makakapayag....
"Good Morning.. I'll discuss our new topic today and after that I give you a project and pass it on friday. No late." Matigas na sabi nito.
Napakamisteryoso ng lalaking ito. Alam ko may tinatago ang buong pagkatao niya. Alam ko din hindi lang isang guro ang mayron siya. Nararamdaman ko na mataas ito. Hindi kayang tapatan ng lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/125247823-288-k243245.jpg)
YOU ARE READING
The Evil University(COMPLETED)
Gizem / GerilimDate started: 10/10/17 Date Ended: 12/14/17