CHAPTER - 36

5.2K 215 3
                                    

[ Chapter 36  ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

"Hayyyy...."

Ano kayang ginagawa ngayon ni Kennedy? nahihirapan na akong hindi siya makausap. Pero... mukang ayos lang sa kanya dahil walang bakas na lungkot sa mga mata niya tapos halatang pagod na pagod siya ngayon. Nagkikita naman kami dahil teacher ko nga siya pero hindi naman kami nagkakausap. Minsan naman nagpapalate ako sa klase niya dahilan para pagalitan niya ako at ipahiya sa klase niya, pero ayos na 'yun dahil kasalanan ko naman.

Ang tanga-tanga ko naman kase e. Pero para naman sa kanya 'to e, para sa kanilang dalawa ng Kuya niya, para hindi mawala 'tong school sa kanila. Kaso mukhang huli na ang lahat dahil siguradong alam na ng mga Bsgang na si Kennedy ang nagligtas sa akin. Alam kona.

Tama!

Kailangan 'kong kausapin sila Cassidy at Jenesis upang tulungan akong kalabanin ang mga Bsgang. Pwede din naman namin sabihin kila Demolead na tutulong kami kaso, kailangan namin ng mahabang pagpaplano at ensayo upang mapaghandaan namin ang biglaang pagsugod ng Bsgang.

"S-Savanah? may sasabihin ako sayo." Alam 'kong galit sa akin si Wendy kaya hindi ko rin siya makausap dahil sobrang dami 'kong iniisip. "Uy? kusapin mo naman ako oh! a-ahh.. sorry na kase hindi ko naisip ang nararamdaman mo. Sorry kung nainis ako sayo dahil porke nandyan na mga kaibigan mo hindi mona ako kinakausap, alam ko naman na miss na miss mona sila kaya napunta na sa kanila ang atensyon mo." Eh?

"H-Huh?"

"Anong Huh ka dyan? Sorry na girl ah? huhuhu!"

"A-Ano ba!? wag mo nga akong yakapin!"

"Hala? galit ka parin? ako na nga ang nagsorry eh!" Biglang lumungkot ang mukha niya at akmang tatalikod kona pero pinigilan ko siya.

"Sino bang may sabing magsorry ka? tsaka anong mga pinagsasabi mo na galit ako sayo, tapos napunta pa sa mga kaibigan ko ang atensyon ko, tapos hindi na kita pinapansin dahil sa kanila? nabobuang kana ba?" Sambit ko.

"Huh? d-diba hindi moko pinapansin kase nasa kanila na ang atensyon mo tapos galit ka sakin kase nagalit din ako sayo?"

"Ano bang pinagsasabi mo? hindi ako galit sayo okay? tsaka anong sa mga kaibigan ko ang atensyon ko? eh hindi kona nga 'din sila gaano nakakausap dahil busy sila sa gawain nila dito."

"Eh anong ginagawa mo pag hindi tayo magkasama?"

"Edi nandito sa dorm. Nyare ba sayo bes?" Takang tanong ko.

"Wala! nagkamali lang pala ako ng akala. Bakit ba nagkakaganyan ka? nung isang araw kapa ah? tapos natakot pa ako sayo 'nun dahil kakaiba 'yung boses mo." Para akong nabuhusan ng tubig sa sinabe niya. A-Ako? nag-iba boses ko?

"P-Panong nag-iba? naguguluhan ako."

"Lah? dimo na agad maalala? diba nga pinagsalitaan ka ng kung ano-ano yung tatlong baliw na classmate natin tapos sinabihan mo sila ng 'Shut up or I kill you?'." Saad niya at iniba ang boses ng banggitin 'yun.

"S-Sigurado ka? sinabe ko 'yun?"

"Oo. Bakit hindi mo maalala? nakakatakot kana girl ah!" Bumaling ako sa bintana at napaisip.

Ano nangyayare sa akin? hindi naman ako ganito ah?

"Girl? ayos ka lang?"

B-Bat ganun? nagiging dalawa ang mga bagay na nakikita ko!?

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now