[ Chapter 45 ]
------------------------------------------------
Jenesis Aldrin's POV"Saan ka pupunta?"
Sinuot ko na ang jacket ko at kinuha ang baril kung sakali na baka may mangyare sa akin na masama.
"Hahanapin ko ang bahay ng mga Demonican upang makahingi tayo ng tulong." Sagot ko sa tanong ni Cassidy. Nandito parin kami sa Clinic dahil hindi parin gumigising si Jayson.
"Sira-ulo kaba pre? Demonican yun, baka mapano ka!" Singhal ni Axel. Napahinga naman ako ng malalim at tinignan sila na nakatingin nadin sa akin.
"Walang maitutulong ang pagmumukmok natin dito kung walang kikilos para makahingi ng tulong." Seryosong sambit ko.
"Sasama kami!"
"Hindi pwede! baka kayo ang mapahamak. Hindi ko pa alam ang tirahan ng mga Demonican ngunit susubukan ko magtanong-tanong dyan o kaya hahanapin ko para mapabilis ang alis natin bukas." Wika ko at nagsimula ng lumabas.
Paglabas ko ay sumalubong agad sa akin ang malakas na hangin kaya hindi ko maiwasan mapapikit at damhin ito. Alas-syete na ng gabi at tanging alitaptap at ang hangin na humahampas sa damo ang maririnig mong ingay.
Tinalukbong kona ang hood ng jacket ko at nagsimula ng maglakad. Hindi naman madilim ang dinadaanan dito malapit sa building ng clinic, kaya mabilis na nakarating ako sa court at naghihintay sa mga taong makikita ko para makapagtanong.
Hindi naman ako nainip sa paghihintay dahil maya-maya may nakita akong lalaki na nakajacket at nakahood din upang hindi siya makilala.
"Sandali!" Napahinto siya sa paglalakad at agad na napalingon sa akin at nagtama ang mga mata namin. "W-Wag kang mag-alala, wala akong gagawin ng masama sayo okay? gusto ko lang sana malaman kung alam moba ang tirahan ng Demonican?" Bigla itong napakunot noo at napangisi nalang bigla kahit may takip ang kanyang bibig.
"at bakit naman hinahanap mo ang tirahan ng mga Demonican?" Maawtoridad na wika nito.
"Dahil manghihingi ako ng tulong sa kanila." Pagkasabi ko 'nun ay napahalakhak ito.
Sino ba siya??
"Sa palagay moba papakinggan ka ni Demolead? hindi magpapakita saiyo 'yon at wala siyang oras para sa mga ganyang pahayag." Pinagmasdan ko ang kanyang mga mata at bigla nalang ako tinaasan ng balahibo ng makita ko ang nakaharang sa kanyang mukha.
'I-Isa pala siyang demonican?!'
Napa-atras ako at napapalakpak naman ito habang tumatawa.
"Oh bakit ka umaatras? kala koba manghihingi ka ng tulong sa amin?" Pabirong saad niya.
"I-Isa kang Demonican?" Utal na sambit ko at napatango naman ito habang ang mga kamay niya ay nasa likod.
"Bakit kaba nanghihingi ng tulong?" Nakanganga parin ako at hindi makapaniwala na makakita nanaman ng isang miyembro ng Demonican.
Grabe! ang lakas ng dating nito kumpara kay Kennedy pero hindi ko parin matanggi na mas malakas ang dating ni Kennedy dahil sa misteryosong pagkatao niya.
Napapikit-pikit ako bago magsalita. "K-Kase kailangan ko ng mga tauhan upang mailigtas si Savanah at--at pati narin si s-sir Kennedy ay kinidnap nila" Pagkasabi ko 'nun ay akala ko ay makikita ko ang galit sa mga mata niya ngunit walang bakas.
"Ganun ba? buti nalang at napadaan ako dito para maisabi kona 'yan kay Demolead, sige. Makakarating sa kanya 'yan ngunit, sino ka nga pala?"
YOU ARE READING
The Evil University(COMPLETED)
Misterio / SuspensoDate started: 10/10/17 Date Ended: 12/14/17