[ Chapter 53 ]
------------------------------------------------
Savanah's POV"Kennedy?"
Bakit ganun? ang tahimik naman dito at wala akong makita ni isang tao. Nandito ako ngayon sa likod ng court at naguguluhan nga ako kung bakit ako napunta dito.
Ang naaalala ko, kayakap ko si Kennedy at nabaril pa ako sa hita at siya alam kong madaming bala ang tumama sa kanya dahil sa pagligtas sa akin.
Tumingin ako sa hita ko na nabaril ngunit bakit wala. Hindi kaya?? hindi! mali lang ang iniisip ko.
"Kennedy nasaan ka?" Sigaw 'kong muli. Sinubukan 'kong magtungo sa canteen o kaya sa room at huli sa office niya ngunit wala parin siya at naguguluhan na talaga ako dahil walang katao-tao.
"Savanah!" Agad akong napalingon ng may humawak sa balikat ko.
"W-Wendy?"
Patay na siya ah? bakit nandito siya? nakakapanibago ang istura niya ngayon dahil ang linis-linis niyang tignan at ang ganda niya sa tuwing ngingiti siya. Nakapang-damit pa siya ng school.
"Grabe ka naman saken parang hindi mona ako kilala." Nakangiting wika nito. Napangiti ako ng makita muli siya at hindi kona napigilan na yakapin siya at tuluyan ng magsilaglagan ang mga luha ko.
"I miss you girl." Wika niya at yumakap nadin sa akin. Napahiwalay ako at pinunasan ko ang luha niya.
"N-Naguguluhan ako ngayon Wendy, bakit walang katao-tao at b-bakit nandito ka?" Tanong ko na nagpawala ng ngiti niya.
"Bakit? ayaw moba akong nandito?" Malungkot niyang tanong.
"H-Hindi! d-diba patay kana?"
"Oo. Nandito ako dahil kailangan mong lumaban, wag kang magpapakatalo sa masama Savanah." Naguguluhang tumingin ako sa kanya.
"H-Huh? ano 'bang pinagsasasabi mo Wendy?" Tanong ko at napabuntong hininga ito at hinawakan ang kamay ko.
"Nandyan lang ako palagi sa tabi mo girl. Pagising mo, sana maging matatag ka at lagi mong tatandaan na andyan lagi ang mga kaibigan mo kasama na ako at SIYA. Magiingat ka ah? mahal na mahal kita." Natulala nalang ako sa sinabi niya dahil mismong kahit isa ay wala akong naintindihan.
At bigla nalang ako napahawak sa hita ko dahil sa biglang sumakit ito.
-
"SAVANAH?!"
Unti-unti 'kong minulat ang aking mga mata at biglang sumalubong sa akin si Cassidy na naluluhang nakatingin sa akin. Pinagmasdan ko ang paligid at sa tingin ko ay nasa Ospital ako.
"A-Aray! yung hita ko." Masakit 'kong sabi at agad naman itong napahiwalay.
"Sorry. Kinabahan lang ako dahil umuungol ka at umiiyak"
"EXCUSE ME! EXCUSE!" Napalingon kami ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Jiahn,Jayson,Axel,Aaliyah,Abygail at Jenesis.
"Waaaah! gising kana nga. Thanks god!" Naluluhang sabi ni Aaliyah at tinulungan nila akong maka-upo ng maayos.
"Namiss kita. Ops! dimuna ako yayakap dahil ilang linggo ka hindi naligo no!" Maarteng sabi ni Abygail. at nagsitawanan sila Jayson at bapakunot-noo naman ako na ikinatigil nila sa pagtawa.
YOU ARE READING
The Evil University(COMPLETED)
Mystery / ThrillerDate started: 10/10/17 Date Ended: 12/14/17