CHAPTER - 50

4.7K 169 9
                                    

[ Chapter 50 ]

------------------------------------------------
Kayzel's POV

"Ang tagal naman nila Kuya! naboboring na ako dito."

Nandito ako ngayon sa opisina ni Kuya habang nasa harapan ko naman ang Ama ni Savanah.

"Pakawalan niyo ko! sabi ko ngang wala akong kinalaman sa pagkamatay ng magulang niyo!"

Sumasakit na ulo ko dito. Kanina niya pa sinasabe yan.

"Hoy. Pwede bang wag mo akong kausapin ng ganyan. Mas gwapo ako sayo at matanda kana kaya shut up okay?" Inis na sabi ko sinamaan naman ako nito ng tingin.

"Bakit ba kinuha niyo pa ako? at ang anak ko nasaan? ipakita niyo siya sa akin!" Napangisi ako at tumayo upang lumapit sa kanya.

"Alam moba kung nasaan ang iyong anak?" Nagaalalang tumingin siya saakin at nanginginig na ang kanyang labi.

"Nasaan siya?! wag niyo siyang sasaktan pakiusap!" Sigaw niya.

"Wag sasaktan..." Tango kong sabi. "Hindi ko lang alam, kung ginawa nga yon ni Demolead."

"PAKIUSAP! w-wag niyong sasaktan ang anak ko. Ako nalang pakiusap!" Nagsimula na itong maiyak at sinusubukan kumawala sa pagkakatali ng paa't-kamay niya.

"Don't worry mamaya makikita mona siya." Ngising 'kong wika at umupo ulit sa upuan ni Kuya.

Naangat ang tingin ko ng magbukas ang pinto.
"Oh Rodger? bakit nandito ka? sino nagbabantay sa gate?" Nagmadaling pumunta ito sa akin at hinihingal.

"S-Sir. May mga tao po sa labas at pinagbabato nila ang gate para mabuksan." Napatayo ako sa sinabe niya.

"A-Ano? hindi ba mga Bsgang 'yon?"

"Mga magulang ang mga nasa labas at sa tingin ko iba sa kanila ay mga Bsgang. Mukhang nakuha nila ang tiwala ng mga magulang... kaya ngayon galit na galit sila dahil may kumakalat sigurong balita tungkol dito."

Naloko na! Bwisit!

"Papuntahin mo ang lahat ng miyembro at paalisin sila. Hindi naman nila kayang magtawag ng pulis marahil hindi naman sila paniniwalaan." Kapit kase namin ang mga pulis. Ngunit hindi namin nagawang humingi ng tulong sa kanila laban sa mga Bsgang.

"Nakita mo? diba miyembro ka ng Black snake gang?" Galit kong sambit sa Daddy ni Savanah at agad na umiling naman ito.

"H-Hinde! hindi ako kailanman magiging kasapi sa kanila!" Napahalakhak ako ng malakas.

"At sa tingin mo maniniwala ako sayo? kayo ang pumatay sa mga magulang namin at alam mo bang saglit ko lang silang nakasama? HA?!" Napayuko ito at umiyak nanaman.

Mas naaawa ako ngayon kay Kennedy. Dahil kahit kailanman hindi manlang niya nakita sila Mommy at Daddy habang lumalaki siya. Lagi siyang napapagalitan ni Kuya pero alam namin labis ang hinanakit ni Kennedy kesa samin dahil nasa isip niya na mag-isa nalang siya.

"Sino nandyan?!" Narinig 'kong biglang may kumato sa pinto. Dumiretso ako sa lamesa at kinabit ang panyo sa aking mukha.

"Sir?"

"Lalabas ako at bantayan niyong mabuti ang lalaki nato. Maliwanag?" Banta ko at yumuko naman ito.

Lumabas na ako at nagtungo sa gate at nga pala pinagbawalan na muli ni Kuya na lumabas ang mga estudyante sa araw ng gabi at sa tuwing walang pasok dahil nanaman sa mga Black snake gang.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now