[ Chapter 20 ]
------------------------------------------------
Savanah's POVMatapos ang pangyayari kanina ay magisa nalang ako dito sa likod ng Court, kumakain. Maaga natapos ang klase namin dahil may mga bisita daw na darating.
Si Wendy mukhang nagalit talaga sa akin. Kasalanan ko naman talaga kung bakit ba naman ako hindi lumalaban sa mga nang-aaway sa akin. Hindi naman kase ako pala-away kahit noon pero siyempre meron naman din nang-aaway sa akin pero maliitang asaran lang at si Kuya Josh naman ang nagtatanggol sa akin 'non.
"Hayyy.." Buntong-hininga ko.
Boring wala akong kasama. Si Jenesis mukhang may ginagawa kaya hindi siya pumunta sa room at dapat magkasama kami ngayon.
Sa pag-iisip ko, biglang may umupo sa aking harapan tinignan ko itong na nagtataka. hindi ko naman siya kilala pero bigla-bigla nalang siya uupo at nakangiting tumingin sa akin.
"Hi." Masayang sabi niya, lalaki ito.
"H-Hello?" Patanong kong sabi.
"Pasensiya kana kung agad-agad ako umupo dito ah? gusto ko lang sana makipagkaibigan." Saad niya. "Wag kang magalala mabait akong tao at di ako katulad ng mga 'yon." Dugtong niya sabay turo sa tatlong mukhang kaibigan niya ata. Nakatingin sila sa amin na nakangiti.
"Sorry hindi agad-agad ako nakikipagkaibigan." Sambit ko.
"Okey lang. Alam ko naman yun e, madami ng nagsasabi sa akin nyan pero ang totoo ayaw talaga nilang makipagkaibigan sa akin." Biglang naging malungkot ang boses nito.
"Hindi naman sa ganun. Minsan na kase ako nawalan ng tiwala." sabi ko.
Minsan na ako nawalan ng tiwala, Yung kay Daddy. Kung mahal niya talaga ako dapat gumawa na siya ngayon ng paraan kung paano ako mailalabas dito kaso ilang araw,buwan ang lumipas tila nawawalan nadin ako ng pagasa maghintay. Kaya hindi ko maiwasang magkaroon ng galit at poo't kay Dad. Pero sana naman kapag sa oras na makalabas ako dito sana katanggap-tanggap ang mga paliwanag niya sa akin.
"Ako. Ako naman ang nawalan ng tiwala sa kanya." Biglang sabi niya.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Gusto mo bang i-kwento ko?" Tanong niya. Gayang nga ng sabi niya mabait siyang tao kaya tumango agad ako.
******
Jeyd Menyan's POVAko nga pala si Jeyd Menyan 17 yrs/old. May girlfriend ako si Lira, nakilala ko siya sa paaralang ito hindi ko nga akalain na magiging kami talaga na kahit magkaibigan lang ang tingin namin sa isa't-isa 'non.
Hanggang sa magbirthday siya nagtapat siya sa akin, at ako din nagtapat din na gusto ko siya.
Kakaiba ang relasyon namin sa normal na magkasintahan. Ako totoong mahal na mahal siya at tapat ako ngunit siya hindi ko alam. Laging mga kaibigan niyang lalaki ang kasama niya.
Siyempre hindi ko maiiwasang magselos pero wala e, mahal ko siya at kahit anong ikakasaya niya ay gagawin ko.
Isang araw 1st monthsary namin. Malaya pa kami nun nakakalabas sa paaralang ito. Niyaya ko siyang lumabas para magcelebrate...
"Babe? Tara labas tayo." Yaya ko. alam kong kakaiba ang mga sinasabe kong linya kahit sa mga ibang magkasintahan ay kailangan pa nilang piringan or may iba pang supresa sa kanilang mga girlfriend para mapasaya lang nila ito.
"Hindi pwede Babe e." Tila natigilan ako sa sinabe niya.
"Alam mo ba kung ano araw ngayon?" Nalulumong tanong ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/125247823-288-k243245.jpg)
YOU ARE READING
The Evil University(COMPLETED)
Mystery / ThrillerDate started: 10/10/17 Date Ended: 12/14/17