[ Chapter 26 ]
------------------------------------------------
Savanah's POVNilibot ko ang aking paningin sa kwartong kinaroroonan ko. Masyadong nangingitim na ang dingding na gawa sa simento at may mga agiw-agiw na halatang hindi nalilinis ito. Mayrong dalawang lalaking na nakabantay sa pintuan at sa tingin ko mag-gagabi na dahil sa bintana na sakto lang ang liit nito para makita mo ang labas.
Nangangawit na ako sa pwesto ko dahil hindi gaano maayos ang pagpapaupo sa akin at sa tingin ko namumula na ang kamay at paa ko sa pagkakadiing pagkakatali.
Napabaling ang tingin ko sa pinto ng bigla 'tong bumukas at iniluwa ang babaeng nakasuot ng itim na pantalon at itim na sando na makikita na ang hinaharap, nakataas ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin at may binagsak siya na parang lalagyan na sa tingin ko ay pagkain.
"Kumain kana. Wag mong subukang tumakas dahil alam mo ang mangyayare sayo." Mataray na sabi nito at pumunta sa likuran ko upang tanggalin ang tali sa kamay ko.
Napapikit ako sa sakit dahil marahas niyang kinakalas ang mga tali. "Alam mo may kasalanan din ang iyong ama sa amin." Napaangat ang tingin ko ng marinig ang sinabi niya.
"B-Bakit? ano ang nagawa niya sa inyo?" Nanginginig kong sabi.
Lumapit ito sa akin at inayos ang buhok ko na nakatakip sa aking mukha. Iniwas ko naman ang ulo ko na ikinasigaw ko dahil sa sampal ang ibinungad niya.
"Hintayin mo lamang ang taong gustong makita ka." Seryosong sabi nito at tumalikod na.
D-Daddy? bakit madaming may galit sa iyo? ano ba talaga ang kasalanan na ginawa mo?
Naiiyak na umupo ako sa lapag at kinain ang pagkaing nasa harapan ko.
Gusto ko ng makaalis dito ngunit paano? wala akong laban sa kanila dahil wala naman akong dalang mga armas at lalong magisa lang ako dito. Sana naman gumawa ng paraan sila Jenesis para iligtas ako, hindi kona kase kaya pang manatili dito.
Maya-maya lang natapos na akong kumain at napansin na siguro ito ng mga bantay kaya dali-dali ulit nila akong tinali, susubukan ko sanang tumakas ngunit ang isang taga-bantay ay may hawak na baril at nakatutok ito sa akin kaya wala akong laban at hinayaan nalang na itali ulit nila ako.
"Pakawalan niyo na ako dito!" Naiiyak na sigaw ko.
"Wag ka ngang mag-ingay diyan." Reklamo ng isa sa bantay.
Hindi ako tumigil sa kakasigaw at hindi nawalan ng pag-asa na baka may makarinig sa akin. Medyo namamaos na ako dahil sa kakasigaw at maya-maya ay tumigil nako dahil sa pagod.
"Kayong dalawa nakatayo lang kayo! hindi niyo manlang patahimikin ang BABAENG 'IYAN!"
Napalingon ako ng marinig ang boses lalaki sa may pinto at sa tingin ko'y pinapagalitan niya ang mga bantay. Inayos ko ang aking pagkakaupo at lumunok ng mabuksang tuluyan ang pinto.
Tumambad sa akin ang lalaking may katangkaran, magulo ang buhok na sa tingin ko'y bagong gising lang. Kitang-kita ko ang nagliliyab na mga mata nito habang diretsong nakatingin sa akin.
"Mabuti naman at tumigil kana Binibini, alam mo bang inistorbo mo ang tulog ko?" Nanlamig ako ng makita na naglabas ito ng patalim.
"P-Pakiusap. Pakawalan niyo na ako dito."
"Hindi maaari dahil may silbi kapa sa amin." Malamig na sabi nito at nagsimula ng maglakad papunta sa akin. "Alam mo bang mayron kaming tatlong grupong kalaban? at sa tingin ko ay kilala ka ng mga iyon." Napapikit ako ng amoyin nito ang aking leeg.
![](https://img.wattpad.com/cover/125247823-288-k243245.jpg)
YOU ARE READING
The Evil University(COMPLETED)
Misteri / ThrillerDate started: 10/10/17 Date Ended: 12/14/17