chapter 19

173 5 1
                                    

CHAPTER 19 : UNIQUE J

“Ayto ! langya ! buti nalang dito ka parin nakalagay .”

may ginamot narin kasi ako dito sa clinic nuon . buti nalang hindi pa nila nababago ng lagay . binubuksan ko na yung box para magamot na si pangit na hinayupak na pasugod sugod ! hindi naman alam ang ng yayare . ayaw ko sa mga ganun ! tsk ! may naalala tuloy ako . kainis . pag kabukas ko nung box . lumapit na ako kay kyle .

Pinupunasan ko na ng bulak yung sugat niya . para malinis muna .  Eh ? b-bkit hinuhubad ni kyle yu-yung jacket nya ?

 naka upo lang siya sa higaan nitong clinic at katapat ko siya . nakayuko lang ako para matapatan ko yung muka niyang may bangas .

pag kahubad nung jacket niya isinampay niya sa mag kabila kong balikat.  sabay sabing .

“BAKAT …… ppff"

“Huh ?” sinilip ko yung polo ko sa jacket na ipinangtakip niya . shit !  hindi ko napansin . waaaahhhh ! bakat nga !

Feeling ko namumula na ko !

“Langya ka ! manyak ka !” linaksan ko yung pag pupunas ko sa may labi nya ! para iwas hiya ! lechee ! bakit kailangan pa niyang sabihing bakat ! pwede namang linagay nalang niya yung jacket sa harap ko ! tumulong nga siya ng asar naman !  gawa siguro kanina ng masamid ako nabasa pati polo ko ! nakakahiyaaaaaaaaa ! bulaklakin pa naman yung bra ko !

“Aray ! aw . hey” hinawakan niya yung kamay ko para pigilan . kaya tumigil nalang ako . ang sama ko naman kung baka mapaano pa siya . imbis na gumaling ay lalo lang sumakit yung sugat niya .

“Oh ! pag patuloy mo !” hinagis ko sa kanya yung box . psh ! mag isa nyang tapusin yun ! lalabas na ako sa may pinto ng makasalubong ko yung dalawang nurse at sakto namang humawak sa braso ko si kyle .

 “Gamutin nyo yang lalaking yan . kulang kulang na tornilyo niyan sa utak !”

“y-yes unique.”  sabay pa nilang sagot .

“Unique” bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa braso ko . mukang susunod pa eh .

“wag ka ng sumunod sa akin pls ?”

“pero unique” 

“wag kang mag alala ! wala kang kasalanan sa akin ! dun sa sinuntok mo meron ! pagamot kana . baka mapaano kapa jan”

tumakbo na ako at gusto ko ng mag palit ng polo ko . psh . nakakahiya talaga . pero salamat nadin , kung hindi niya sinabi , minanyak na siguro ako ng mga estudyante dito ! 

nag sisitinginan sa akin yung mga studyante . lagi naman . pero yung muka nila mukang nag tataka . sino ba namang hindi eh may pa jacket jacket pa akong nalalaman .ang jacket sinusuot ! hindi pinang tatakip sa dibdib !  ! psh !  pasensya naman eh nuh ? bakat eh !

*lakad*lakad*

“Hey unique ! UNIQUE !”

“EH ?”  ah si ylina lang nam

an pala ..  tumigil ako sa pag lalakad ko .

“Kanina pa kita hinahanap . san kaba nag punta ?”  yung boses niya parang pagod na pagod parang kanina pa nga niya ako hinahanap .

“Huh ? bakit ?”

Yung laki ng ngiti nya parang alam ko na .

“Uy . ayaw ko . may klase pa ako .”  may klase pa talaga ako . kaso absent narin siguro ako gawa nga kanina . psh ! hindi tuloy nakapasok !

Destined L-O-V-E on hold :))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon