ASLW : chapter 11

1.1K 68 13
                                    


"Lola aalis po muna ako", pagpapaalam ko.

"O hindi mo ba kasama si Pat? ", tanong ni lolo.

"Hindi na po lo, kaya ko naman po", sabi ko.

"Apo, nitong nakaraang mga araw, napapansin ko palagi kang tahimik. May problema ba apo?", tanong ni lola.

"Wala po la. Naiisip ko lang na malapit na naman akong umalis. Iiwanan ko na naman kayo", sagot ko.

"Nako itong apo ko, kami pa ang inaalala ", sabi ni lola saka ako niyakap ng mahigpit.

"Kami apo eh matatanda na. Ang sarili mo ang isipin mo dahil malayo pa ang mararating mo", sabi ni Lolo na yumakap din sa akin.

"Pinapaiyak niyo naman po ako eh...Sige na po aalis na ako. Babalik po ako agad ", saka ako lumabas ng bahay.

Habang naglalakad ako papuntang sakayan. May napansin akong sasakyan sa din kalayuan. Parang may tao sa loob na nakatingin sa akin. Hindi ko nalang pinansin at tuloy tuloy akong naglakad. Baka sa kapitbahay lang namin yon.

____

"Sure po ba kayo?", tanong ko.

"Oo iha. Pareho lang sa una. Ganon din ang result", sabi ng kausap ko.

"May pag asa pa po ba?", tanong ko.

"I think meron. Lalo kung sa ibang bansa. Mas maraming professional doon compared dito", sabi nito.

"Sige po. Titingnan ko po", saka ako lumabas ng office niya.

Unti unting pumatak ang luha ko ng hindi ko namamalayan. Naupo ako sa isang upuan malapit sa pinanggalingan ko. Saka ko na itanong...bakit?

______

"Adam", papasok palang ako ng gate ng bahay nila lola nakita ko na siya habang kausap si Lolo.

"Hey, where have you been?", tanong nito sabay yakap sa akin.

"Diyan lang. Kung makayakap ka parang century tayong hindi nagkita", pabirong sabi ko.

"Masama bang ma miss ang isang taong mahalaga sayo? ", sabi nito.

"Drama. Si Pat nandiyan na?", tanong ko.

"Yup. Nasa kitchen kasama ni lola. Let's go, I want to help lola", sabi pa nito.

"May pumarine ka muna sandali", tawag sa akin ni lolo kaya pinauna ko na si Adam sa kusina.

"Bakit po lo?", tanong ko ng makaupo na ako sa tabi niya.

"Matanong ko lang apo. Ano mo ba yung Adam ha. Boyfriend mo ba?", tanong ni lolo habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Hindi po lo",

"Pero doon ba papunta?", muling tanong nito.

"Hindi ko po alam lo",

"Apo, hindi ba't inaya ka na ni Edward magpakasal noon. Ano na ba nangyayari sa inyong dalawa.  Ni hindi ko pa siya nakikitang pumunta dito mula ng dumating ka. May problema ba apo?",

"Wala naman  po lo", sagot ko,  hindi ko kayang tumingin sa mga mata ni lolo. More than anyone else, si lolo't lola ang lubos na nakaka kilala sa akin. Kung nagsasabi ako ng totoo o hindi

"Apo, kilala kita. Pag hindi ka makatingin sa akin isa lang ibig sabihin non. May inililihim ka. Pero hindi kita pipilitin apo na sabihin sa amin ng lola mo. Kung hindi ka pa handa, wag ka mag alala. Nandito lang kami. Pag hindi mo na kaya,  sabihin mo lang sa amin at handa kaming makinig", saka ako hinawakan ni lolo sa mga kamay ko.

"Salamat po lo. Mahal na mahal ko kayo. Lagi niyo po sanang tatandaan yon. Kahit saan man ako magpunta, laman kayo palagi ng puso ko", umiiyak na sabi ko. Tama kasi si Lolo,  may isang bagay na hindi ko masabi sa kanila , at hindi ko alam kung paano ko sasabihin ng hindi sila masasaktan.

Mahirap palang maipit sa isang sitwasyon , yung hindi mo alam kung ano ang tama. Yung maglihim ka at ikaw ang lang masasaktan o ang magsabi ng totoo, na alam mong oras na sabihin mo, mas marami kang taong masasaktan.

Sana hindi nalang ganito. Sana pwede pang mabago.

I wish my life was like a flower, it dies but as time passes by, it will bloom again.

A Seven Letter Word Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon